Chapter 29

871 24 1
                                    

Naomi's POV:

" Hoy best, sagotin mo na nga 'yan. Kanina pa 'yan tumatawag oh. "

Singhal ko sa kanya pero ang loko deadma lang. Sarap hambalosin.

Kanina pa kasi ring ng ring ang phone nya pero hindi nya sinasagot. Ni tingnan nga ay wala. Tiningnan ko naman kung sino ang tumatawag. Si Michelle siguro, babe lang kasi ang nakapangalan.

" Ano ba Trev! "

" Pabayaan mo sya. "

Tiningnan ko sya ng hindi makapaniwala. Seryoso? Hindi nya talaga sasagotin ang tawag. Kawawa naman si Michelle kanina pa tumatawag pero hindi nya sinasagot.

Naawa tuloy ako sa kanya. Haist! Napatingin naman ako sa phone ko ng umilaw ito. May nag-text.

*

From: Michelle

Ate nagtext ba sayo si Ace? Hindi kasi nya sinasagot ang mga tawag at text ko. Nag-aalala ako.

*

Haist! Kung alam mo lang Michelle. Manloloko 'tong syota mo. Isama muna na gago sya.

" Oh! "

Pinakita ko sa kanya ang text na natanggap ko galing kay Michelle. Tiningnan naman nya ito at kinuha. Nagulat ako ng bigla nyang i-off 'yon pati ang phone nya.

" Bakit mo in-off? "

Singhal ko sa kanya. Hindi nya binalik ang phone ko at nilagay ito sa gilid nya.

" Istorbo sya. Pabayaan mo nga sya. "

" Ang sama mo. Nag-aalala lang naman 'yong girlfriend mo sayo. "

Hindi nya ako sinagot at humiga nalang. Napairap nalang ako. Nandito kami ngayon sa garden. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nya at naisipang mag-star gazing.

Minsan nalilito din ako eh. Nalilito ako kung mahal nya ba talaga si Michelle o hindi. Masasabi ko na mahal nya siguro ito dahil nagtagal naman sila.

Masasabi ko din na hindi kasi binabalewala nya lang ito. Kapag nandito sya sa bahay ay hindi nya nirereplayan o sinasagot ang tawag nya. Naawa tuloy ako kay Michelle.

" Sino pala ka-date mo sa prom? "

Tanong nya na nakatingin parin sa langit. Humiga na din ako sa tabi nya. Ang daming bituin. Ang gandang tignan.

" Hmm si Jeffrey. "

" Ah. 'Yong crush mo? "

" Yep. "

Alam nya na crush ko si Jeffrey. Wala naman akong tinatago sa kanya eh, maliban nalang sa nararamdaman ko sa kanya. At wala akong balak na ipaalam sa kanya. Hoho

Alam na din nya na nanliligaw si Chris sa akin...

" 'Wag mong sagutin si Chris ha? "

Napatingin ako bigla sa kanya ng sabihin nya 'yon. Kasasabi ko lang na alam nya na nanliligaw sa akin si Chris, tapos ito...

Napakunot noo ako. Nakatingin parin sya sa langit. Tumingala na din ako at inunan ang isa kong braso sa ulo ko.

" Bakit naman? Mabait naman sya ah. "

" Basta. "

Huminga ako ng malalim. Ayan na naman ang pagiging bossy nya.

" Bakit nga? "

Pangungulit ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw nya na sagotin ko si Chris. Gusto ko sana isipin na baka nagseselos sya pero imposible eh. May girlfriend na sya. May Michelle na sya kaya imposible.

My Playboy BestfriedWhere stories live. Discover now