Chapter 23

889 26 1
                                    

Naomi's POV:

Naglalakad ako patungo sa classroom ng babaero kong best friend. Para ano? Para dalawin sya.

Pero syempre joke lang 'yon. Asa naman sya na dadalawin ko sya. Oo. Ako na bitter. So what? Tsk!

Ito kasi 'yong rason kung bakit ako pupunta sa room nya. Mag-flashback muna tayo mga dre.

*- FLASHBACK **

" Naomi. "

Napalingon naman ako sa likod ko ng may tumawag sa pangalan ko.

Si Ashley pala.

" Bakit? "

" Ano kasi... "

Natatae ba 'to?

Para kasi syang natatae sa inaakto nya ngayon eh. Parang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi-sabi.

" Ano ba 'yon? Gusto mong magpasama sa CR? "

Aba malay mo natatae talaga sya.

At kaya sya nahihiya ay dahil magpapasama sya sa CR.

" Ha? H-Hindi. "

Napabuntong hininga nalang ako.

" Ano ba 'yon? "

Malapit ng magkaisang dibdib ang mga kilay ko dahil sa kanya.

" Haist! Ganito kasi 'yon. Noong isang gabi, b-boyfriend ko na si Ace. "

Nahihiya nyang sabi.

Yumuko pa sya dahil namumula na 'yong mukha nya. Para ng dugo.

" Oh tapos? "

Napatingin naman sya sa akin ng gulat.

As in 'yong gulat na gulat. Napakamot nalang ako sa kilay ko.

Ano bang nakakagulat sa tanong ko?

" Hindi ka ba nagulat? "

" Ah... 'Yon ba? Hindi. Bakit? Dapat ba akong magulat? "

Kinuha ko naman ang isang stick-o sa bag ko at kinain 'yon.

May teacher kami, may pinagawa lang sya. Tapos 'yong tapos na ay pwede ng makipag-usap sa tapos na din pero wag lag maingay.

At 'yong tungkol sa sinabi nya na bakit hindi ako nagulat. Dahil alam ko. Dahil pinaalam sa akin ng walang pusong lalaking 'yon.

Pinamu-mukha nya talaga sa akin na madami na syang naging girlfriend sa campus namin.

Konting-konti nalang talaga, mababasagan ko na syang boyfriend ng bayan. Eh kaso, dito lang naman sya sa campus may girlfriend kaya, boyfriend ng campus nalang ang ibabansag ko sa kanya.

Oh di ba? Kapag naka-graduate na kami ay may award na syang matatanggap.

Boyfriend ng Campus... Special award goes to...

Tengteneneeeeeenng...

Trevor Ace 

Oh di ba! Ang gandang reward.

" Akala ko kasi hindi mo alam. Ang sabi nya kasi sa akin ay wag ko daw sabihin sayo. "

Nahihiya nyang sabi.

Wag daw sabihin sa akin pero sinabi nya din. Labo talaga!

" Sus! Wag kang maniwala don. "

Doble ang meaning non. Lagi naman eh.

Kapag ang babae nya ang nagsusumbong sa akin, ang ginagawa ko nalang ay pasimple kong sinasabi sa kanila na 'niloloko ka lang nyan'.

Gaya nalang ng sinabi ko kay Ashley na wag maniwala sa kanya. Kasi ng playboy. From the word 'play'.

My Playboy BestfriedWhere stories live. Discover now