Chapter 19

854 31 0
                                    

1 year later...

" Hoy! "

" Ay butiki! "

Napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa gulat. Tiningnan ko naman sya ng masama ng tinawanan nya lang ako ng sobrang lakas. Nag-peace sign din sya ng makita nyang nakatingin ako sa kanya ng masama. Inirapan ko lang sya at tiningnan ulit ang tinitignan ko kanina.

" Kanina ka pa tingin ng tingin sa kanya ah. Crush mo no? "

Napansin din pala nya. Umiling naman ako sa kanya.

" Hindi no. "

" Weeh? "

Medyo lumayo naman sya sa akin ng sabihin nya 'yon kaya napatawa nalang ako ng mahina. Kahit kailan ang kulit nito.

"  Hindi nga. Kulit nito. "

" Kung hindi, eh bakit ka palaging nakatingin sa kanya? At isa pa, napapansin ko araw-araw ganito routine mo. "

" Haha halika na nga. Ang dami mong napapansin. "

Tumayo na ako at naunang maglakad sa kanya, dahil alam ko kukulitin na naman nya ako. Masyadong makulit at madaldal. Bago pa ako lumiko at sinulyapan ko muna sya. Napangiti nalang ako ng makita ang mga ngiti at tawa nya. Nakikipagtawanan sya sa mga kaibigan nya. Makita lang kitang masaya, masaya na ako. Crush? Napangiti nalang ako habang umiiling. Hindi ko nga sya crush. Mahal ko sya.

~~~~~~~~~

" Oy! Alam nyo ba na may nililigawan si Ace? "

Hindi ako lumingon sa likod ko kahit na kating-kati akong makipagtsismisan sa kanila. Nandito kasi kami sa classroom ngayon. Wala pang teacher kaya ito, maingay ang room. Tinalasan ko nalang ang pandinig ko, para marinig ang pinag-uusapan nila.

" Talaga? Sino na naman? "

Na naman? Yeah na naman. Kasi ngayon buwan na ito ay magiging ikalima ng girlfriend ni Ace ang tinutukoy nilang nililigawan nito kung sakaling sagutin sya nito. Napangisi naman ako. Tsk! Sino ba namang hindi makakatanggi sa alindog nya? Kaya sigurado akong hindi magtatagal at sasagotin din sya.

" Yong nasa high section na ka-batch lang natin. Si Hannah. "

" Nako! Ang swerte ni Hannah dahil nililigawan sya ni Ace. Hoho sana ako din. Kahit one day lang. "

" Gaga. Kahit isang araw, hindi ka papatulan non. "

So si Hannah pala. Hindi na natuloy ng dalawa kong classmate ang pakikipagtsismisan nila ng dumating na ang teacher namin. Dumaan ang oras at lunch time na.

" Uy Naomi, sabay ako. "

Naka-pout na sabi ni Jenniza. Kahit gusto ko ay umiling ako, kaya mas napanguso sya. Sya nga pala si Jenniza Nollo, transfer student, classmate at kaibigan namin ni Zoe. Yup. Magkaklasi kami ni Zoe ngayong 4th year na kami.

" Alam mo namang hindi pwede si Omi. Tara na nga Jen. "

Hinila na ni Zoe si Jenniza. Sya lang kasi ang nakakaalam kung saan ako pupunta eh. Sya lang din ang nakakaalam kung anong pinagdadaanan ko ngayon at sya lang ang nakakaintindi sa akin. Sa kanya ko lang kasi nilalabas lahat ng sama ng loob ko.

Umakyat na ako ng rooftop at doon kumain. Nang matapos ako ay kinuha ko ang earphone sa bag ko at isinaksak ito sa phone ko. Pumikit ako at dinama ang kanta.

********

Zoe's POV:

Hinila ko na si Jen papunta ng cafeteria. Alam ko kasi na kukulitin nya lang si Omi. Kahit isang taon na ang nakakaraan ay naiintindihan ko naman sya kung bakit ngayon ay mahal parin nya 'yong tao. Maraming nagbago sa loob ng isang taon at isa na si Omi don. Sana naman ay bumalik na 'yong Omi na masayahin.

Nang makarating kami ng Caf ay nakita ko agad ang pumpkin ko kaya napangiti ako pero nawala din ng makita ko kung sino ang kasama nya. Tsk! Hanggang ngayon kasi ay magkaklase sila. Napatingin naman ako sa katabi ko ng tumili ito pero mahina lang sapat lang para marinig ko.

Napailing nalang ako. Crush nya kasi ang kasama ni pumpkin. Lumapit na kami sa kanila at umupo ako sa tabi ni pumpkin. Nginitian ko sya at tiningnan ko naman ang kasama nya ng masama.

" Gusto kasi nyang sumama eh. Okay lang ba? "

Tanong ni Levi. Alam nya kasi kung gaano ako kagalit sa lalaking 'to. Napabuntong hininga nalang ako. Wala naman akong magagawa eh. Alangan naman na papaalisin ko sya. Tumango nalang ako. Kumain naman kami ng tahimik samantalang si Jen ay salita ng salita ng kung ano-ano lang.

" So Ace. Balita ko may nililigawan ka daw dito sa campus. "

Muntik pa akong masamid sa naging tanong nya. Buti nalang hindi. Dahil ibubuga ko talaga 'yon sa mukha ni Ace. Kapal ng mukha nito. Tanging tango lang isinagot nya. Ganyan sya kapag tinatanong sya ng kung ano-ano ni Jen. Tanging tango at iling lang ang sagot nya. Para syang napipi.

" Saan nga pala si Zara? Bakit hindi mo sya kasama? "

" Ha? Sino 'yon? "

Nalilitong tanong ni Jen. Napaangat naman ako ng ulo at doon ko lang napansin na nakatingin pala sya sa akin at ako pala ang tinatanong nya. Tsk! Kung makapagtanong sa akin 'kala mo wala syang kasalanan. Sabagay, wala naman talaga. Pero galit parin ako sa kanya dahil sa ginawa nya sa kaibigan ko.

" Ewan. "

Kibit balikat kong tanong. Napasandal naman ako sa inuupuan ko at tiningnan sya ng masama.

" Kung hindi mo sana sinaktan eh di sana kasama natin sya ngayon! "

Bigla namang nandilim ang aura nya. Nakakatakot! Pero syempre ayaw kong ipakita sa kanya na natatakot talaga ako. Hinawakan naman ako ni Levi sa kamay ko.

" Tama na Zoe. "

" Tsk! "

Napansin ko naman na mas nandilim ang aura nya. Dahil parin ba sa sinabi ko? Tsk! Totoo naman eh. Pero napakunot noo ako ng hindi naman sya sa akin nakatingin ng masama kundi nasa counter ang paningin nya.

Kaya sinundan ko ang tiningnan nya. Kaya naman pala naging madilim ang aura nya hindi dahil sa sinabi ko kundi sa nakikita ng mga mata nya ngayon. Sa dalawang tao na nagtatawanan.

Si Andrei at Omi. Nag-uusap habang nagtatawanan. Sa sobrang pag-uusap nila ay hindi nila kami napansin. Napangisi nalang ako. Nagseselos kaya sya? Pagkatapos nilang bumili ng tubig ay lumabas na sila habang nagkukulitan.

Napatingin nalang kami kay Ace ng bigla itong tumayo at umalis. Problema non?

My Playboy BestfriedWhere stories live. Discover now