Chapter 33

866 27 5
                                    

Nang matapos ang musika ay hinatid na nya ako sa table namin. Nakita ko namang nakaupo si Jen doon kaya lumapit ako.

" Mamaya best ha? "

Paalala nya sa akin, na sabay daw kaming umuwi mamaya. Ngumiti at tumango naman ako.

" Okay. "

Nagpaalam na syang babalik na sa pwesto nya. Kinantyawan naman ako ni Jen ng makaalis na si Trev.

" Ayeeh! Ang sweet. hihi. "

" Haha adik! "

Nagkwentohan lang kami ni Jen. Tinatamad na kasi kaming sumayaw at medyo masakit na din ang paa ko sa kakasayaw. Si Zoe naman, ayon hindi napapagod kasayaw ang pumpkin nya.

" Ehh! Paano kung hindi nya ako gustong makasayaw? "

Napatigil kami sa pagkukwentohan ni Jen ng marinig namin ang apat na babae na nag-uusap sa likod namin. Hindi sana kami makikinig kaso narinig ko ang pangalan ni Trevor.

" Ano ka ba! Papayag 'yon. Isa pa maganda ka naman. Syempre papayag si Ace na yayain mong sumayaw. "

" Oo nga naman girl. Isa pa nandito kami para suportahan ka. "

Nagkatinginan kami ni Jen. Parang nabasa naman nya ang iniisip ko kaya sabay kaming tumayo at naglakad. Dumaan kami sa likod at umupo sa likod ng pwesto ni Trevor. Hindi nya kami nakikita dito dahil madilim sa lugar namin.

" Sino kaya ang mga malalanding babaeng 'yon na gustong makasayaw si Ace? "

" Haha kung makalandi ka naman. Ang harsh mo Jen ha. "

" Duh! Sa tinis palang ng boses ng babaeng 'yon ay napaghahalataang malandi na. "

Napailing nalang ako. Hindi din kasi namin nakita kung anong itsura ng mga babaeng 'yon dahil hindi na kami lumingon ng umalis kami ni Jen.

Masasabi lang namin ay kung sino ang mag-aaya kay Trevor ngayon ay sila na 'yon. At di nga nagtagal ay may lumapit sa kanya na apat na babae.

" Tara lapit pa tayo para marinig natin ang pag-uusapan nila. "

Hindi na ako nakaangal dahil hinila na nya ako. Kinakabahan ako sa pinaggagawa ng babaeng 'to, dahil talagang umupo sya sa mismong likod na talaga ni Trevor.

Buti nalang at hindi nya kami napansin dahil nasa apat na babae ang atensyon nya ngayon. Pinag-aralan ko ang mukha ng apat. Magaganda naman sila.

" Ah, Ace? Pwede bang makipagsayaw ang kaibigan ko sayo? "

Tanong ng isang babae. So hindi pala sya 'yong gustong isayaw si Trev. May lumapit naman na babaeng naka-violet balloon gown. Teka! Familiar sya.

" Oh my! Si May. "

Napatingin ako kay Jen sa sinabi nya. May? Napatingin ulit ako sa babae.

" Hindi mo ba sya natatandaan Naomi? "

Umiling naman ako habang nakatingin parin sa May na 'yon. Familiar talaga sya. Saan ko nga ba sya nakita?

" Duh! Sya 'yong babae na nakabangga mo sa library. Na ang amo ng mukha at mahinhin kung tignan pero maldita at demonyita naman pala. "

Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Jen. Sya 'yon?

*

Nandito kami sa library para manghiram ng librong gagamitin namin mamaya. Kasama ko si Jen at Zoe na naghahanap dito sa science section.

Hindi ko inaasahan na may makakabangga ako kaya nalaglag ang mga hawak nyang mga libro. Tinulungan ko naman syang pulutin ang mga libro.

Napatingin ako sa nakabunggo ko at masasabi kong ang amo ng mukha nya.

My Playboy BestfriedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang