Chapter 27

835 24 1
                                    

" Miss Yakshita. "

" Ma'am? "

Agad akong lumapit sa unahan ng tawagin ako ni ma'am. Nang makalapit ako sa kanya ay binigay sa akin ni Ma'am ang mga pahina na kailangan naming aralin para sa oral recitation nya.

Nang makuha ko na ay bumalik ako sa pwesto namin kung saan ang grupo ko. Sinabi ko na sa mga kasama ko kung ano ang binigay ni Ma'am at nagsimula ng mag-aral.

Lima kaming grupo, at sa bawat grupo ay may isang lider. Ako ang kinuha ni ma'am bilang leader ng grupo namin dahil aktibo ako sa klasi nya.

Napatingin naman ako sa katabi ko ng kinalabit ako sa braso. Si Jhimuel lang pala.

" Bakit? "

Napakamot naman sya sa ulo nya.

" Hihi paturo naman Naomi. "

Nakanguso nyang sabi. Ang gwapo talaga ng lalaking ito.

Sya si Jhimuel ang adonis namin. Gwapo, maputi at matangkad. Makapal at kulot ang buhok na may pagkabuhaghag na lalong nakakapagpadagdag pogi sa kanya. Lalo na kapag ngumiti, ang lalim ng dimple. (Totoo po sya at si Jefferson. Namiss ko tuloy sila. Hihi share lang po)

Mabait din naman sya. Maloko lang at adik sa dota. Kaya minsan uma-absent kasi nandon sa internet cafe at nagdo-dota.

Dota boy nga ang bansag sa kanya eh.

" Ayan! Dota pa kasi. "

Napanguso naman sya sa sinabi ko.

Napailing nalang ako at tinuruan sya. Madali lang naman kasi history 'yong subject namin. Madali lang intindihan lalo na kapag 'yong mga highlights lang 'yong mini-memories mo.

" Oh, naintindihan mo? "

Tumango naman sya.

" Haha ang galing mo talaga magturo, kaya labs kita eh. "

" Baliw! "

Tumawa lang sya sa naging tugon ko.

'Yong sinabi nya na labs nya ako ay wala lang 'yon. Inuoto lang ako ng lalaking 'yon para ganahan akong turuan sya.

" Naks! Anong lab-lab yan? Wag ganyan Naomi, magseselos si Lumundag nyan. Haha "

" Ulol! "

Singhal ko kay Balagtas, pero tumawa lang ang baliw.

Si Lumundag? Pinagkakamalan kami na may relasyon dahil sa closeness din namin.

Ewan ko ba sa mga tao kung bakit lahat nalang ng nakikitang bagay ay binibigyan ng meaning.

Magkaibigan lang kami ni Lumundag. Nagbibigayan din ng kaalaman. Tulad nalang pag-history time namin.

Nagtatanongan kami sa isa't-isa kaya naman mas madali namin nami-memories ang inaaral namin.

Kaya minsan pinagkakamalan kami na magsyota.

" Asus! Lumundag oh! Nagtataksil sayo si Naomi. "

Sumbong nya pa kay Lumundag.

Tinapon ko sa kanya ang makapal na librong hawak ko kaya sapol na sapol ito sa mukha nya.

Nakita ko na napailing nalang si Lumundag sa amin.

" Aray! Masakit 'yon Naomi ha. "

" Oo at kapag hindi ka pa tumigil. Itong bag ko na 'to ang itatapon ko sayo. "

My Playboy BestfriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon