CHAPTER 5

1.1K 34 8
                                    

Dedicate this chapter to:


readmoreyoona

mikesemillano


Thank you :)


- Enjoy :*



--------------------------------


CHAPTER 5


Naomi's POV:


Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nakatalukbo ng kumot. Hay! Hindi nya ba talaga ako titigilan? Kanina ko pa gustong matulog pero hindi ako makatulog dahil tawag ng tawag si Ace sa akin. Isang linggo ko na kasi syang hindi tine-text dahil naiinis ako sa kanya. Palagi nya kasi akong iniinis na pangit daw ako dahil ayaw ko daw magpakita sa kanya o kaya naman ay stalker nya daw ako. Marami pa syang mga tine-text sa akin na ikinaiinis ko, kaya ayan! Hindi ko sya sinasagot sa mga tawag at text nya. Napaupo naman ako sa kama ng tumigil na sa pagtunog ang cellphone ko at may nagtext. Kinuha ko naman ang cellphone ko para basahin ang mensahe.



-------------

From: HAMBORGER!

- Pwede mo bang sagutin ang tawag ko? Please. I just need someone to talk.


*


Ano namang kaemohan ang sinasabi nito? May problema kaya ito? Tungkol sa girlfriend nya? Nah! Imposible. Yun? Mamomoblema sa girlfriend? May playboy ba na namomoblema sa babae? Napatingin naman ako sa cellphone ko ng tumunog ulit ito. Napabuntong hininga naman ako. Wala namang mawawala sa akin kung sasagutin ko ito, diba? Huminga muna ako ng malalim bago ito sinagot.


" H-Hello? " huhu parang kinakabahan naman ako. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil ito ang unang pagkakataon na makakausap ko sya.


" Sorry kung naistorbo kita o kinukulit kita. " Parang may kakaiba sa boses nya. Parang may lungkot? But I'm not sure.


" Okay lang. Ano bang kailangan mo? "


Rinig na rinig ko naman ang malakas nyang pagbuntong hininga. May problema ata to eh. " Yung totoo. Gusto ko lang na may makausap. Yung tipong makakadamay ko." Aba! May namatay ba at kailangan nya ng kadamay? " Pwede ba akong magtanong? "


Nagtatanong ka na nga eh. Gusto kong sabihin yan, gusto ko syang barahin pero parang seryoso kasi sya, kaya wag nalang. Ramdam ko talaga sa tono ng boses nya na malungkot sya. " Ano yun? "


" P-Pwede ba k-kita... " rinig ko naman ang panginginig ng boses nya. Ano?? Manliligaw ba sya? Playboy sya pero bakit parang kinakabahan sya sa sasabihin nya? Lalaki nga naman. Pakaba-kaba effect pa para kapani-paniwala. Pwes! Hindi e-effect sa akin yan boy.

My Playboy BestfriedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora