Chapter 22

869 32 2
                                    

Naomi's POV:

* poke *

* poke *

Naalimpungatan ako dahil may sumisindot sa pisngi ko. Hindi ko nalang 'yon pinansin at natulog ulit.

* poke *

* poke *

" Ano ba! "

Napadilat ako at bumungad sa akin si Trevor na syang sumisindot sa pisngi ko.

" Gising na po mahal na prinsesa, mala-late ka na sa school. "

Napapikit ako ng madiin.

Napatingin ako sa alarm clock ko ng hindi ito tumunog.

4:30 pa lang ng umaga, paano ako mala-late nyan. Tsk!

" Bangon na. Bangon na! "

Hinihila nya pa ang kumot ko habang sinasabi 'yon.

" Oo na. Oo na. Eto na. Lumabas ka na nga. "

Inis kong singhal sa kanya.

Buti nalang talaga at nakinig. Bumangon na ako ng nakalabas na sya ng kwarto ko.

Bakit ba kasi ang lakas ng ulan kagabi? Ayan tuloy. Dito sya natulog sa bahay.

May ungas tuloy na gumugulo sa akin. Tumungo na ako sa banyo at ginawa lahat ng dapat kong gawin.

" Good morning. "

Bati nya sa akin ng makapasok ako ng kusina.

Nakita ko syang nagpiprito ng bacon and hotdog. Walang egg kasi allergy ako sa egg at alam nya 'yon.

" Good morning. Si manang? "

Humikab pa ako dahil inaantok pa talaga ako.

Inilapag nya sa lamesa ang niluto nya bago ako sinagot.

" Nagsimba. "

Maikli nyang sagot.

Hinila naman nya ang isang upuan at pinaupo ako.

Nagtataka akong tinitignan sya. Naghain na sya ng kanin sa plato at nilagyan ito ng ulam.

May split personality sya. Kahapon ang sungit-sungit. Ngayon naman ang sweet.

Napapaisip tuloy ako. Bakit kaya pinili nya pang maging mag-bestfriend kami kahit na naghiwalay na kami.

I mean... Sabi nga nila friends can turn to lovers... But lovers can't turn to be friends.

'Yon ang sabi-sabi at paniniwala nila. Dahil nga sa may past na ang dalawa ay hindi na sila pwedeng maging magkaibigan dahil awkward na.

Pero ngayon, masasabi ko na hindi lahat ng exes ay hindi pwedeng maging kaibigan. Dahil pwede naman talaga kung tanggap ng dalawa na hindi na talaga sila para sa isa't-isa at kung hindi na talaga nila mahal ang isa't-isa.

Sa amin naman ni Trevor, hindi ko alam kung bakit nakipagkaibigan pa sya sa akin. Sa akin naman, tinanggap ko lang.

And beside, tinanggap ko lang naman na kaibigan lang ang turing nya sa akin, kahit na mahal ko parin sya.

Hindi naman nya mahahalata eh, kasi ayaw kong ipahalata. Ayokong sabihin nya na kung kailan wala na, doon ko lamang sya minahal.

I know, sa relationship namin ay parang naging unfair ako dahil pinapakita nya sa akin na mahal nya ako. Pero ako, I was just trying to love him back.

Alam ko naman na nararamdaman nya 'yon. Pero the time na nalaman ko na, na-realize kona na I was falling inlove with him. Na mahal ko na sya, doon din naman nya na-realize na kaibigan lang pala ang nararamdaman nya para sa akin.

My Playboy BestfriedWhere stories live. Discover now