CHAPTER 16

919 33 1
                                    

Naomi's POV:

Nakatingin ako sa dalawang paparating sa kinaroroonan ko ngayon. Iiling-iling akong nakatingin sa kanila habang papalapit sa akin. Nakangiti silang dalawa habang magkahawak ang mga kamay. Mukhang okay na sila ah.

" Oh ano? Okay naman siguro kayo di ba? Nag-cutting pa kayo eh. "

Nagkatinginan naman sila at napangiti. Napailing nalang ako at itinaas ang dalawa kong kamay na sinasabing 'wala na akong magagawa'.

" Love birds nga naman. Oh sya. Tara na at ako'y nagugutom na. "

Tumalikod na ako at nauna sa kanilang maglakad. Naramdaman ko naman sa sumunod sila sa akin. Pag-ibig nga naman oh. Nakarating na kami ng canteen at sabay-sabay na kumain.

Hindi ko mapigilan na mapangiti habang nakatingin sa kanilang dalawa. Ang sweet nila. 'Kala mo sila lang yung tao sa mundo. Walang pakialam kung anong sinasabi ng nasa paligid nila. Hay! Sana sila na talaga.

Dumaan ang oras at uwian na... Sinundo na ni Levi si Zoe at magda-date pa daw sila. Nauna na din si Rome dahil tumawag ang mama nya at pinapauwi sya ng maaga. Kaya ito ako ngayon, mag-isang naglalakad sa daan.

Kinuha ko mula sa bulsa ko ang phone ko ng mag-vibrate ito.

From: Trevor :)

- Papasok na ako bukas best. See yah :)

Napangiti nalang ako sa text nya. Buti naman at pwede na syang pumasok. Naglakad na ulit ako pauwi. Binuksan ko na ang gate at isinara. Pumasok na ako sa bahay at nakita ko naman si Manang na papunta sa kusina.

" I'm home manang. "

" Oh nandyan ka na pala. Sige iha, gagawan lang kita ng merienda mo. "

" Thank you manang. "

Ang bait talaga ni manang. Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Humiga muna ako sa kama ko at napatingin sa kisame. Maganda kasing tingnan yung kisame ko kasi may mga star na design. Parang galaxy yung kisame ko.

Bumaba na din ako ng tinawag ako ni manang. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam muna ako kay manang na magpapahangin muna ako sa garden. Wala naman akong gagawin ngayon eh. Wala din naman akong homework.

Napangiti nalang ako ng wala sa oras dahil sa iniisip ko kung ano kaya ang magiging reaction nya bukas. Balak ko na kasing sagutin si Rome bukas. Nagpaalam na din ako kina mommy at pumayag naman sila basta wag lang pabayaan ang pag-aaral.

Mabait si Rome, sweet, caring, matalino, at bunos na ang pagiging gwapo nito. Lahat ng gusto ko sa iisang lalaki ay nasa kanya na. Wala na akong hahanapin pang iba sa kanya. Isa pa gusto ko din naman sya at araw-araw nyang pinaparamdam sa akin kung gaano nya talaga ako kamahal.

Kaya nga araw-araw masaya ako. Kahit nga makita lang sya ay masaya na ako. Ito ang unang beses na kinilig ako na nakikita nila, nya. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na kapag nandyan si crush ay para ka ng maiihi sa kilig. Act normal lang ako.

Kaya nga sinabihan ako ni Zoe ni abnormal daw ako kasi hindi ko pinapakita ang kilig -.- Abnormal ba agad? Di ba pwedeng nakakahiya kapag nakahalata? Ay ewan! Basta buo na ang desisyon ko. Sasagutin ko na si Rome bukas. Napatigil ako sa pag-iisip ng mag-ring ang phone ko.

My Playboy BestfriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon