Chapter 32

843 25 0
                                    

Papunta ako ng comfort room ngayon kasama ko si Stephany, isa sa mga kaklasi ko.

" Nakakapagod pero ang saya. "

Ani nya sabay tanggal ng duot nyang heels.

" Oo nga eh. "

Ngayon naglalakad na sya ng nakapaa. Wala namang nakakakita sa kanya dahil medyo may kadiliman ang daan na papunta sa CR. Napailing nalang ako ng makarating kami ng CR ay hindi nya parin sinusuot ang heels nya.

Nadatnan namin ang iba naming kaklasi na nagse-selfie sa loob ng CR. Nako naman! Pati ba naman dito sa CR nagse-selfie sila. Wala talagang pinipili ang mga 'to. Napasali na din ako sa kanila ng hilain ako ni Stephany.

Pagkatapos ng ilang shoots ay nag-ayos kami. Naglagay lang ako ng konting pulbo at lipstic. Nang makalabas kami ay nakita kong kalalabas lang din nina Levi sa CR ng mga lalaki. Nasa likod nya sina Trevor at Jason.

" Uy Naomi! Ganda mo ngayon ah. "

" Haha baliw. "

Lumapit sya sa akin at nag-apir kami. Ganon din ang ginawa namin ni Jason. Napatingin naman ako kay Trevor pero hindi sya nakatingin sa akin.

" Tara na. "

Tawag nya sa dalawa at nauna ng maglakad.

" Una na kami Naomi. "

Paalam nilang dalawa. Tumango naman ako. Galit ba sya sa akin? Ano namang ginawa ko para magalit sya sa akin?

Naglakad na din kami ng mga kaklasi ko. Naunang naglalakad sa amin sina Trevor kaya naririnig ko din ang pagtatawanan nila. Nasa hulihan ako dahil hindi naman ako maka-relate sa topic ng mga classmates ko.

Nalungkot naman ako ng maisip ko na hindi ko makakasayaw si Trevor dahil galit ata sya sa akin. Ni hindi nga nya ako pinapansin.

Nakaupo ako sa pinakamataas na upuan dito sa gym at nakatingin sa mga nagsasayaw. Ang saya-saya ng mga mukha nila. Dapat ako din. Pero paano naman ako magiging masaya kung ang taong gusto kong makasayaw ngayong gabi ay hindi ako pinapansin. Napabuga nalang ako ng hangin.

" Problema mo Omi? "

Napatingin naman ako kay Zoe na kakaupo lang sa tabi ko. Buti pa ang babaeng 'to ang saya-saya nya.

" Wala. "

" Asus! Wala ka dyan, pero kung makabuga ng hangin, wagas. "

Hindi ko na sya sinagot at nakatingin lang ako sa mga taong masayang nagsasayaw sa gitna.

" Si Trevor ba? "

Napanguso akong tumango sa kanya. Wala naman kasi akong maitatago sa kanya dahil kilala na nya ako.

" Asus! 'Yon lang pala. Ayan na ang hinihintay mo oh! "

Tiningnan ko sya ng masama dahil sa biro nya. Hindi maganda ang biro nya ha. Nag-e-emote na nga ako dito dahil hindi ako pinapansin ni Trevor tapos bibiruin nya pa akong nandyan na daw ang hinihintay ko.

Tsk! Hindi ko talaga maisip bakit hindi nya ako pinapansin o kung galit ba sya sa akin? Minsan talaga ang lakas ng tupak ng mokong na 'yon. Sarap din iumpog ang ulo eh.

Okay lang sana sa akin kung magagalit sya bukas o sa susunod pang bukas. Bakit ngayon pa? Bakit ngayong araw pa? Ang gusto ko lang naman ay makasayaw sya. Dahil kahit ngayong gabi man lang ay makasayaw at makasama sya na parang kami lang muna. Na walang Michelle na iniisip.

" Kung makatingin ka. Tumingin ka kasi sa taong paakyat dito. "

Pairap akong tumingin sa hagdan at ganon nalang ang pagkagulat ko ng makita kong si Trevor na paakyat nga. Napalinga-linga ako sa paligid dahil baka hindi sya dito papunta.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng makita kong huminto sya sa harapan ko. Napatingin ako sa kanya, bahagya syang nakangiting nakatingin sa akin.

" Sayaw tayo? "

Napanganga ako sa tanong nya. Well, hindi ko naman inaasahan na sasabihin nya na 'may I have this dance?' mga ganon, pero... Haha mukha kasing nag-aya lang syang makipaglaro sa tanong nya.

Tinulak pa ako ni Zoe para mabalik ako sa realidad. Napatango nalang ako at tinanggap ang kamay ni Trevor. Hanggang ngayon ay gulat parin ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakasayaw ko ang lalaking mahal ko. Ang first love ko.

Tahimik lang kaming nagsasayaw. Nakahawak ang isa kong kamay sa balikat nya. 'Yong isa naman nyang kamay ay nasa bewang ko at ang isa pa naming kamay ay magkahawak.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis ay nagsitakbohan ang mga dugo ko patungo sa mukha ko. Kaya ang resulta ay pulang-pula na ito. Buti nalang medyo madilim sa dance floor.

Tahimik lang kaming nagsasayaw. Parang umatras ang pagiging masungit ko sa kanya at wala ng boses ang gustong lumabas. Dapat makapag-usap kami. Ayoko naman matapos nalang ang pagsasayaw namin ng hindi kami nag-uusap.

Huminga ako ng malalim at umangat ng tingin para makita sya. Pero mukhang wrong move ata dahil mas bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong nakatitig pala sya sa akin. Parang nakikisabay sa musika ang tibok ng puso ko.

" T-trev? "

Hindi ko mapigilan na mautal dahil sobrang titig nya talaga sa akin.

" B-bakit mo pala ako hindi pinansin kanina? "

Lakas loob kong tanong sa kanya. Napaiwas ako ng tingin dahil naiilang na talaga ako sa titig na binibigay nya sa akin. 'Wag kang ganyan Trevor, baka matunaw ako.

" Ang ganda mo Zara. "

Napatingin at napakurap-kurap ako dahil sa sinabi nya. Anong connect? Kahit anong pagpipilosopo ang gawin ko ay hindi ko maiwasan na pamulahan ng mukha.

Sinabi nyang maganda daw ako. Napayuko ako para takpan ang mga ngiting kumakawala sa labi ko.

" Sabay tayong umuwi mamaya. "

Napatingin ulit ako sa kanya. Ngayon ay nakangiti na sya na para bang ang saya-saya nya.

" Sige. "

Nakangiti kong sagot. Nagkwentohan pa kami habang nagsasayaw. Tawa ako ng tawa dahil sa mga ikunwento nya sa akin. Tama nga ako sa hinala ko kanina, napagtripan nga nila si Jason.

At talagang blinack mail pa nila ito. Kapag daw hindi sya sumali ay sasabihin daw nila kay Jen na gusto nya ito. Akalain mo 'yon? May lihim na pagtingin pala itong si Jason sa kaibigan kong si Jen.

My Playboy BestfriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon