Chapter 21

877 36 1
                                    

Naomi's POV:

" Sinong nagsabi sayo na pwede kang magpaulan? "

Napatingin ako sa may-ari ng payong.

Ngumiti ako sa kanya ng bahagya.

" Hindi naman ako nagpapaulan. "

" Eh anong ginagawa mo? "

Napailing nalang ako dahil ang seryoso ng mukha nya.

Tumingala ako sa langit.

" Dinadama ko lang ang bawat patak ng ulan. "

Tiningnan ko sya at nginitian.

Napabuntong hininga naman sya. Alam nya naman kasi na wala syang magagawa kung gusto kong magpaulan.

Pasaway ako eh.

" Tsk! Pasaway talaga. "

See?

Sungit nya ngayon ha. May PMS ata 'to eh.

" Tara na. Ihahatid na kita. "

Nauna na syang maglakad at iniwan akong nababasa ng ulan.

Bakit ba ang sungit nya ngayon? Talagang pinabayaan pa akong mabasa ng ulan.

Adik lang Naomi? Basa ka na po. Baka nakakalimutan mo.

Haha sabi ko nga.

Tumakbo ako para mahabol sya. Sumabay na ako sa paglalakad sa kanya ng maabutan ko sya.

Tiningnan ko sya. Nakahawak ang isa nyang kamay sa payong habang nasa bulsa naman nya ang isa nyang kamay.

Medyo messy hair pero gwapo parin.

" Staring is rude. You know. "

Napairap nalang ako at hindi na umimik.

Ganito naman kami palagi eh. Parang aso't pusa. Wala na nga sigurong paraan para peace kami palagi.

Bakit ba kasi kung kailan mahal ko na sya doon pa nya na-realize na kaibigan lang pala ang turing nya sa akin.

" Ano? Papasok ka ba o magpapatila ka nalang ng ulan dyan? "

Nabalik ako sa realidad ng sumigaw sya.

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa labas ng gate ng bahay ko at sya naman ay nasa pintuan na.

" Tsk! Kailangan talagang sumigaw? "

Inirapan nya lang ako at nauna ng pumasok.

Hanep ah! 'Kala mo bahay nya.

Pumasok nalang ako sa loob dahil lumalakas na ang ulan. May bagyo ata ngayon.

Nang makapasok ako ay nakaamoy ako ng isang mabango. Si manang siguro 'yon, nagluluto.

Inirapan ko si Trevor ng makita ko syang papalapit sa akin.

Gulat akong napatingin sa kanya ng punasan nya ako gamit ang hawak nyang towel.

Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya habang sya naman ay seryoso akong pinupunasan.

Kahit ilang beses kong gustong mag-move on sa kanya ay hindi ko magawa.

Dahil mahal ko sya at nabibigyan ako ng konting pag-asa na magkabalikan kami dahil sa pinapakita nya sa akin.

Hindi ko maintindihan ang ugali nya simula ng maghiwalay kami.

Minsan ang sungit nya, minsan mabait, minsan maalaga, minsan sweet, pero minsan parang hindi nya ako kilala.

Lalo na sa school. Lalo na kapag kasama nya ang mga babae nya o mga girlfriends nya.

My Playboy BestfriedМесто, где живут истории. Откройте их для себя