CHAPTER 6

1K 41 4
                                    

CHAPTER 6

Naomi's POV:

Alam mo yung parang nagmumukha kang TANGA? Yun! Yun ang nararamdaman ko simula pa kanina ng makita ko si Ace. Hanggang ngayon! Nakakainis ang hangin na yun.

Kaya pala sinasabi nyang nakita ko na sya, dahil nakita ko na nga talaga sya. Pero ang nakakainis ay nagmukha akong tanga sa harapan nya. Curse you Ace.

" Pare okay ka lang? " rinig kong tanong ni Andrei pero hindi ko ito pinansin.

Hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa kanya dahil pinagmukha nya akong tanga. Arrrggh!

" Ano bang nangyayari sa kanya? "

Sana pala... Sana pala hindi ko nalang sya tinext noon... Sana pala hindi ko nalang sya kinaibigan. (>___<)

" Hayaan nyo na yan - - - Oh Omi... Saan ka pupunta? " tanong sa akin ni Zoe ng bigla akong tumayo.

" Magpapahangin lang. "

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at umalis na sa kubong tinatambayan namin. Kani-kanina lang natapos ang exam namin. Nakita at nakilala ko na din si Ace kanina at hindi ko talaga inaasahan yun.

Para tuloy akong baliw kanina na nagtatago pero wala rin pala dahil nahanap nya parin ako. Hanggang sa magsimula ang exam namin kanina ay dala-dala ko parin ang gulat dahil sa pagkakita ko sakanya. Muntik na nga akong hindi makafucos, buti nalang bumalik ako sakatinuan maya-maya, kung hindi baka bumagsak ako dun. Pagnangyari yun, titigbasin ko talaga ng itak si Ace.

Teka! Saan nga ba ako pupunta? Magpapahangin? Saan naman ako magpapahangin nito?

Para tuloy akong baliw na naglalakad dito ng walang patutunguhan. Saan ba magandang magpahangin? Napaisip naman ako. Umilaw naman bigla ang imaginary bulb ko. Hihi alam ko na.

Habang naglalakad ako naisip ko na naman ang nangyari kanina.

** FLASHBACK **

" Ace. " tawag ulit ng kung sino man ang tumatawag sa kanya.

Hoy Ace! Tinatawag ka na ng kaibigan mo, kaya utang na loob lumayas ka na sa room na ito at wag na wag kang magpapakita sa akin.

Napatingin naman ako sa pares ng sapatos na huminto sa gilid ko. Walangjo ka talagang Ace! Bakit ba pumunta ka pa dito? Gusto mo tapagang masapak? Dahil sasapakin talaga kita.

" Ace, tara na. "

Napaangat naman ako ng ulo ko ng wala sa oras dahil sa narinig ko. Kaya pala familiar ang tumatawag sa Ace na yun ay dahil si Levi ang tumatawag. Napatingin naman ako sa tinatawag nyang Ace.

" Oh Naomi, ikaw pala. " ngumiti naman ako sa kanya kahit pilit. " Tara na Ace, baka malate pa tayo. " Napatingin ulit ako sa tinatawag ni Levi na Ace.

At ang walanjo ay ngumiti lang ng malapad at nag-peace sign.
Nakatulala lang akong tinignan sya. Hindi ako makapaniwala na sya si Ace. Na sya yung katext ko. Na sya yung mahangin at mayabang.

Tulala parin ako hanggang sa makaalis sila...

** END OF FLASHBACK **

Oh diba? Para akong timang na nagtatago para lang hindi ako makita ng Ace nayun... Pero ang hindi ko pala alam ay nasa tabi ko lang pala ang tukmol.

Kaya pala gulat na gulat ang mga kaklasi ko kanina ng tumabi sya sa akin dahil sya pala si Ace the Playboy. Tsk!

Arrggh! Ginawa nya akong parang tanga! Opo! Tama po kayo ng nabasa. Kahit wala naman akong sinabi. Pero hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na si Ace at si mahangin este si Trevor ay iisa. Anak nga naman ng tipaklong. Akalain mo yun? Nakita at nakilala ko na pala sya at hindi lang yun, nakausap ko pa.

My Playboy BestfriedWhere stories live. Discover now