Chapter 34

860 29 0
                                    

Naomi's POV:

Nang matapos ang tugtog pang-couple ay nagsimula ng magwala ang mga tao sa loob ng gym dahil pumalit ang musikang disco.

Napadpad na din ako papunta sa dance floor dahil bigla nalang akong hinila ng classmate ko.

Nakakatuwa. Nakakawala ng problema ng magsimula ng magsaya ang bawat tao. Kanya-kanyang moves. Freestyle kung baga. Nagsimula na din kaming magtatalon-talon.

Nagtatawanan kaming nagsasayawan nina Zoe at Jen. Tawa lang kami ng tawa kahit wala naman talagang nakakatawa.

Ilang oras pa kaming nagsayawan ng inanunsyo na, na tapos na ang prom night. Nakakabitin pero hindi ko maiwasan na napangiti.

This night is one of the best night of my life.

Naglakad na kami ni Jen palabas. Nauna kami habang nasa likod namin sina Zoe at Levi na naglalandian.

" It was fun. How I wish maulit kaso imposible na eh. "

" Oo nga eh. Next month ga-graduate na tayo. "

" Waahh! Oo nga. "

Natawa naman ako ng bigla akong yakapin ni Jen habang naglalakad kami. Umaakting pa sya na umiiyak.

" Mami-miss kita. Mami-miss ko ang kasungitan mo. "

Napangiwi naman ako at hinampas sya ng mahina sa braso nya.

" Ganon? "

" Haha biro. Pero totoo nga, mami-miss talaga kita. Kayo ni Zoe. "

" Awph! Mami-miss din kita. "

Niyakap ko naman sya.

" Hoy! Ano 'yan? Bakit kayo-kayo lang? "

Napahiwalay kami at napatingin sa likod. Nakita namin si Zoe na nakanguso.

" Sali ako! "

Lumapit sya sa amin at niyakap kami ng mahigpit. Napatawa nalang kami ni Jen.

" Ano ba 'yan? Ang drama ha! "

Nagtawanan nalang kami at nagpatuloy sa paglalakad. Malapit na kami sa gate ng sikuhin ako ni Zoe at Jen kaya napatingin ako sa kanila ng may pagtataka.

" Hinihintay ka na ng prince charming mo oh! "

Sabay silang ngumuso kaya napatingin ako sa unahan. Nakita ko si Trevor na mukhang may hinihintay. Napangiti naman ako ng maalala ko na may usapan pala kami na sabay kaming uuwi.

Lalapit na sana kami ng biglang may bumangga sa amin.

" Hey! "

Angal ni Zoe. Lumingon naman ang bumangga sa amin at ngumisi.

" Bitch! "

" Aba't - - - "

" Wag mo nang patulan. Hindi natin ka-level yan. "

Harang ko kay Zoe dahil susugurin na sana nya si May. Yes, si May at ang dalawang alipores nya ang bumangga sa amin.

Ngumisi muna sya bago kami tuluyang tinalikoran. Naningkit ang mga mata ko ng makita kong lumapit sya kay Trevor at kung paano sya kumapit sa braso nito.

" Aba! Ang kapal ng mukha. "

Angil pa ni Jen dahil sa ginawa ni May. Hindi ko nalang ito pinansin at nagtuloy-tuloy nalang sa paglalakad.

" Tara. Mukhang hindi naman ako ang hinihintay. "

Mukhang si May ata ang hinihintay nya. Sabagay, ano bang laban ko kay May? Maganda sya at sexy.

My Playboy BestfriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon