CHAPTER 9

952 34 2
                                    


" Hahaha nerd, nerd, nerd... "

Naririnig kong sigaw ng mga batang nagkukumpulan. Sa tingin ko may inaaway na naman sila. Yung ibang bata ay tumatalon-talon pa habang sinisigaw ang 'nerd'. Bakit ba masyado silang palaaway?

" HOY! ANO YAN? "

Lumapit naman ako sa mga batang lalaki na nagkukumpulan. Matapang ako eh. Napatingin naman sila sa akin. Aba! Ang angas.

" Bakit? Sino ka ba? " maangas na tanong sa akin ng pinakamalaki sa kanila.

Actually, lahat sila ay maliit sya lang talaga yung medyo... malaki.

" Bakit nyo sya inaaway? Ha? " maangas ko ding tanong.

Maangas sya eh, kaya maangas din ako. Ha! 'Kala nya. 'Kala nya sya lang ang marunong maging maangas? Ako din uy.

" M-Miss, umalis ka na. Baka madamay ka pa. "

Napalingon naman ako sa inaaway at tinatawag nilang nerd. Wow! How thoughtful naman. Sya na nga tong inaaway pero ako pa itong inaalala nya.

Kung titignan mo talaga sya ay masasabi mong nerd talaga sya. Kulot ang buhok nya at may glasses syang suot. But his eyes caught my attention. He have this hazel brown eyes.

Nabalik nalang ako sa ulirat ng bigla akong itinulak ng isa sa kanila sa balikat ko, pero mahina lang naman. Hindi ko alam na nakatulala na pala ako sa tinatawag nilang nerd at ganun din sya sa akin.

" Pwede ba bata! Umalis ka na dito. " naiinis na sabi sa akin ng isa sa kanila.

Kung makabata nanan 'to, 'kala mo hindi din sya bata.

" Eh kung kayo kaya ang umalis. Hindi ba kayo nahihiya? Ang dami nyo tapos iisa lang sya? "

" Eh anong pakialam mo? Gusto mo isali ka namin para dalawa na kayo? Hahaha. "

Aba! Pilosopo. Tiningnan ko sila isa-isa ng masama. Kailangan kong makaisip kung paano ko maiiligtas ang nerd - - este ang lalaking 'to sa mga maangas na batang 'to.

Hindi kasi ako o kami makahingi ng tulong dahil nasa likod kami ng room, walang masyadong dumadaan dito kaya kawawa ka talaga kapag dito ka nila dinala.

Uwian na rin kasi kaya wala ng mga studyante na nagpalaboy-laboy dito o mga teacher sa mga classroom. Habang nag-iisip ako ay parang may bumabang anghel sa langit. Haha echos lang. May nakita kasi akong guard sa hindi malayo sa amin kaya napangiti ako ng malapad. Huminga ako ng malalim, as in yung sobrang lalim...

" KUYA GUARD!! MAY MGA BULLY DITO! " malakas na sigaw ko habang turo-turo ko ang mga lalaki.

" Hoy! Wag ka ngang maingay dyan. " tinakpan naman nila ang bibig ko pero kumawala ako sa pagkakahawak nila at patuloy parin sa pagsigaw.

" KUYA GUARD! MAY MGA BULLY DITO! KUYA GUARD! INAAWAY NILA AKO OH! "

My Playboy BestfriedWhere stories live. Discover now