CHAPTER 17

812 32 0
                                    

Naomi's POV:

" Pwede bang wag mo nang sagotin si Rome? "

I freeze. Nagulat talaga ako sa sinabi nya. Bakit ba ayaw nyang sagutin ko si Rome? Akala ko ba wala syang tutol don. Pero bakit ngayon. Tinignan ko ang mga mata nyang nagsusumamo. Nagsusumamo na pumayag ako sa hinihingi nyang favor. Hinaplos ko ulit ang buhok nya.

" Bakit naman? "

Tanong ko sa kanya pero sa buhok nya lang ako nakatitig. Hindi ko kayang pantayan ang mga titig nya. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan nya para hindi ko sagutin si Rome. Huminga muna sya ng malalim bago sumagot.

" K-Kasi... Kapag sinagot mo na sya at naging kayo... Mawawalan ka na ng oras sa akin. Makakalimotan mo na ako and worst iiwan mo na din ako. "

May point sya sa sinasabi nya. Na baka mawalan na ako ng time sa kanya pero hindi ko naman sya kakalimutan. Lalo nang hindi ko sya iiwan. Kinuha nya ang kamay ko na nakahaplos sa buhok nya at hinalikan ito. Nagulat ako sa ginawa nya pero mas nagulat pa ako ng magsimula ng tumulo ang mga luha nya.

" W-Wag mo akong iwan best. Please... I'm begging you. "

Ani nya sa gitna ng mga hikbi nya habang hinahalikan ang kamay ko. Hindi ko aakalain na mas magugulat pa ako dahil sa sinabi nyang mga kataga.

" Mahal na mahal kita Zara. Hindi bilang bestfriend kundi bilang isang lalaki na nagmamahal sa isang babae. Please don't leave me. I love you... I love you so much... "

Patuloy parin sya sa pag-iyak. Samantalang ako ay hindi makagalaw at hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga sinabi nya. Mahal nya ako? Pero paano? Bakit? Kailan? Ang dami kong tanong sa kanya pero mas pinili ko nalang na manahimik.

Nakapagdesisyon na ako. Tutuparin ko ang favor nya. I'll stay by his side no matter how hard it is. Susubukan kong suklian ang pagmamahal nya. Alam kong masasaktan ko si Rome sa desisyon ko. Pero kailangan ako ng bestfriend ko. Kailangan ako ni Trevor ngayon.

Niyakap ko nalang sya at hinagod ang likod nya para mapatahan sya. Masama sa kanya ang umiyak. Kahit bestfriend lang ang turing ko sa kanya ay susubukan ko. Susubukan ko para sa kanya. Siguro naman hindi nya ako sasaktan.

" B-Best? "

" Shh... Oo na. Hindi ko na sya sasagotin. "

" Thank you best. Thank you. "

Niyakap naman nya ako ng sobrang higpit na parang ayaw na nya akong pakawalan. Ilang minuto din ay kumalas na sya sa pagkakayakap at tiningnan ako.

" So tayo na? "

Nagulat naman ako sa tanong nya.

" Anong tayo na? Manligaw ka muna no! "

My Playboy BestfriedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ