The Boss and The Secretary

64.2K 1.1K 59
                                    

KAHIT sabihan man ni Ice na hindi niya gustong ikonsidera ang ideya ni Nina, natagpuan pa rin niya ang sarili na nagbubukas ng laptop at pumupunta sa website ng World Chatters. Dahil hindi niya na-logout ng ayos ang account niya roon, nanatili pa rin sa list niya ang usapan nila ng ka-chat noong nakaraang araw ng Pilipino na si Liam. Napakagat-labi siya. Siyempre, hindi niya nagustuhan ang nangyari. Pakiramdam niya ay nabastos siya. Pero hindi ba at iyon ang kailangan niya? Ang matuto ng kabastusan.

"You're an adult. Twenty five ka na. For Pete's sake, 'yung kaklase ko nga noong high school, apat na ang anak sa edad na 'yan!"

"Wala ka namang dapat alalahanin, Chang. May makakaalam ba kung sakaling ginawa mo 'yan? Saka 'di ba 'yang mga chat-chat na 'yan, puwede naman i-fake ang profile. Walang makakaalam ng information about you. And take this note always kapag feeling mo mag-give up ka na: This is just completely research. No more no less."

Um-echo ang mga boses ng kaibigan kay Ice. Lumalakas naman ang loob niya, lalo na kapag naalala niya ang mga sinabi ni Mara. Hindi naman talaga siya makikilala. Kung ginawa man niya iyon, walang makakaalam. Walang iisipin ang mga tao sa kanya---ang palaging sinasabi sa kanya ng Lola sa tuwing tinatanong niya ang mga ito kung bakit kailangan niyang sundin ang mga paniniwala nito. Lahat raw naman kasi iyon ay para sa ikabubuti niya, lalo na ang magsuot ng mga mahahabang damit.

Pero kung gagawin niya iyon sa World Chatters, sa bagong tao na gustong gumawa noon...wala rin naman makakilala. Stranger ang user name na ginagamit niya. Hindi rin niya nilalagyan ng About Me ang profile niya. At si Liam, ang lalaking huli niyang naka-chat at nagtangka...hindi rin siya nito nakilala. Kung gagawin niya iyon sa lalaki, walang mawawala sa kanya. Hindi niya ibinigay ang identity niya.

At kung si Liam...hindi ba at makakabuti rin iyon? Pilipino siya. Maaari silang mag-usap ng Tagalog, mas maiintindihan niya. Magagamit rin niya ang mga salita nito sa libro dahil Tagalog. Mas kailangan niya iyon. Isa pa, magpapakahirap pa ba siya para maghanap?

Huminga nang malalim si Ice. Nakita niyang online si Liam. Kinuha na niyang cue iyon.

Help me, God.

Pakinggan ka naman kaya ni Lord?

Stranger: Are you still interested?

Hindi naman nagtagal at nagreply si Liam.

Liam: With you? Hindi ka galit? :O

Stranger: I was.

Liam: Hmmm... So you are game now, huh?

Stranger: Sa tingin ko ay nasa mood na ako...

Nanginginig na si Ice. Pero nakaramdam rin siya ng paglakas ng tibok ng kanyang dibdib. Gusto niyang i-categorize iyon bilang kaba. Pero kung kaba iyon, bakit parang nakakaramdam rin siya ng excitement? Matagal-tagal rin kasi na sumagot si Liam.

Liam: I always imagine how to have an office sex 'cause well, I have not experienced it. Ano sa tingin mo? Magandang theme ba iyon?

Theme. Oh God, may mga ganoon pa sa sex chat?

Minsan na niyang narinig ang roleplaying kay Nina. Ginagamit rin daw iyon sa sex kapag nagiging boring na. Hindi ba at parang ganoon rin ang sinasabi ni Liam sa kanya ngayon?

Ito pa man rin ang unang beses na gagawin iyon ni Ice at nakahanap na agad siya ng hindi pang-ordinaryo. At office sex bilang theme? Hindi pa siya nakaka-get over sa nangyari sa kanila ni Sir Will. Hindi man siya napagalitan nang husto ay pakiramdam niya ay matinding napahiya siya. Simula noon ay hindi pa siya nakakatingin ng diretso sa boss.

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon