Tied (SPG)

63.6K 864 18
                                    

PLEASURE punishments. Iyon ang titulo ng article na binabasa ni Ice sa men's magazine na pinahiram sa kanya ni Nina nang minsan na magpunta ito sa apartment niya. Hindi niya binasa iyon dahil interisado siya na matuto o dahil gagawin lang niyang material sa pagsusulat niya kagaya nang unang purpose noon. Hindi pa rin niya itinutuloy ang kanyang sinusulat. Hindi pa siya nagdedesisyon. Pero dahil wala siyang maggawa, napagdiskitahan niya iyon. Gusto rin niya na magbasa para maalis kahit papaano ang kanyang kalungkutan.

Natapos ni Ice ang article pero mas lalo yatang sumama ang kanyang pakiramdam nang maggawa iyon. Maganda ang laman, marami siyang natutunan sa article. Pero ginagamit ang mga punishments na iyon sa sex. It was a kinky, dominatrix inspired punishments and sex tips. Pero aanhin niya ang natutunan kung hindi naman na niya magagawa iyon sa lalaking tanging naiisip niya kapag nababanggit ang salitang sex?

Gabi na pero hindi pa rin nagpaparamdam sa kanya si Will. Galit ito sa kanya. Masasabi naman niya na masama ang loob niya rito. Pagkatapos niyang umalis sa opisina nito ay umuwi siya ng bahay. Umiyak, nagkulong at nakatulog na siya pero wala pa rin siyang balita kay Will. Pero ano pa ba ang aasahan niya? Hindi siya susundan ni Will para magpaliwanag.

Hindi kagaya ng sinusulat ni Ice sa nobela ang buhay niya. Hindi si Will ang paborito niyang hero. Hindi ito gentleman at hindi romance ang mayroon sila. All they had was lust. Or so was he to her. Bawal siyang umasa na pupunta ito sa bahay niya, hihingi ng patawad at magpapaliwanag na kaya lang nito nasabi ang lahat sa kanya kanina ay dala lamang ng gulat at galit na rin sa nakita.

Kung erotic romance ang kailangan ni Ice na nobela, ang tanging nagkaroon lang siya sa totoong buhay ay ang una. Something "erotic" lang ang nakuha niya mula kay Will. Walang romance dahil kung may ganoon, hindi dapat ito nagalit na pinakialaman niya ang buhay nito. Dapat ay pinahalagahan nito ang nararamdaman niya, ang pagpapahalaga niya. Pero ang tanging mahalaga rito ay ang katawan niya.

O iyon ang akala niya.

Alas otso nang gabi nang may kumatok sa apartment ni Ice. Hindi na siya umaasa na si Will iyon. Pero akalain ba naman niya na kapag hindi pala umaasa ay darating ang inaasahan?

Nahulog yata ang puso ni Ice nang makita si Will. May hawak pa itong malaking pumpon ng pulang rosas. Nakangiti ito pero naging alinlangan nang makitang hindi siya nakangiti.

Pero parte lamang iyon ng pag-iinarte niya. Kahit gusto niyang makita si Will, gusto niya pa rin na maramdaman nito na masama ang kanyang loob. Magaling rin siyang umarte dahil napigilan niya ang sarili na yakapin ito, lalo na sa itsura pa nito ngayon.

"Anong kailangan mo?" nakataas ang isang kilay na wika ni Ice.

"Forgiveness." Iniabot nito sa kanya ang bulaklak.

"Forgiveness? Para saan?" kunwari ay taka pa na sabi niya. Hindi niya kinuha ang bulaklak. Hah! You should taste the dose of your own medicine, jerk!

"For everything. For today." Huminga malalim si Will. "Hindi ko dapat sinabi ang mga salitang iyon. Dapat tinanggap ko na pinapahalagahan mo ako. Concern ka sa akin. I appreciate it. And I'm wrong. Hindi kita dapat pinagsabihan ng ganoon. May karapatan ka sa akin."

May karapatan ka sa akin. Sa mga salitang iyon ay namula na si Ice. Gusto na rin niyang mapangiti. Kinagat niya ang ibabang labi para huwag ipahalata iyon. "At iyon ay dahil?"

Sinalubong ni Will ang mga mata ni Ice. "Espesyal ka sa akin."

Tumalikod si Ice. Sa mga salitang iyon, hindi na niya mapipigilan pa ang pagngiti. At paano niya hindi ipapahalata iyon kay Will? Hindi pala siya magaling umarte. Kaya tumalikod siya para hindi makita ni Will na naapektuhan siya.

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon