Confused Will

54.7K 984 9
                                    

SIMULA nang mamatay ang ina ni Will at masira ang pamilya, dalawang bagay na lamang ang lubos na minahal niya: work and sex. Hindi niya pinagsisihan iyon dahil minahal rin siya ng dalawang bagay na iyon. Limitations is on top of his game...and sex? He always had it mind-blowing. Amazing. Earth-shattering. Wala pang sex experience si Will na hindi siya na-satisfy.

Hanggang kahapon.

He was horny. Pero hindi na iyon bago sa kanya. Minsan ay iniisip niyang may bipolar disorder siya. Kapag nasa opisina siya ay istrikto siya. Tila wala siyang emosyon. Hindi niya ipinapakita ang ngiti sa mga empleyado niya. Pero kapag natapos na ang office hours ay kakaibang tao siya. He became the charming and playful William Gasan. Pero kaya lang naman siya ganoon ay gusto niyang magkaroon ng disiplina. Professional siya sa trabaho. Ipinapakita niya sa mga tao na ganoon siya para irespeto siya ng mga ito. But outside, he couldn't hide the real him.

And whenever he was outside the office...he always felt horny. Almost everyday, kapag walang mabigat na problema sa opisina para hindi siya makapag-over time ay pumupunta siya sa bar---the best place to have a hook-up. Kagabi ay galing siya roon kahit medyo marami siyang kailangang gawin sa trabaho. Kailangan niya kasi ng malalabasan ng init. Pero kahit nakuha niya ang pinaka-hot na babae kahapon...it was the lousy lay of his life.

May kailangan siyang iba. May kailangan siyang babae. Pero hindi kailanman niya makukuha iyon. Kahit ramdam niya na willing ito...hindi pa rin iyon tama. It was a rule he shouldn't have break. Hindi lang niya rule na inilagay iyon sa opisina. Iyon rin ang rule na inilagay niya sa sarili niya simula nang mamuno siya sa Limitations marami ng taon ang nakakaraan.

At ang nangyari? Hindi niya maggawang makapag-concentrate sa opisina. Muli.

Isang linggo ng ganoon si Will. Kailangan na niyang may gawing aksyon. Pero anong aksyon? Wala siyang makita. Dahil kagaya ng pinaglalaban ni Ice, wala naman itong ginagawang masama. Hindi nakalagay sa rule book na hindi puwedeng magsuot ng masisikip na damit.

Ang may problema ay si Will mismo...at ang kanyang maduming utak.

Ano ba kasing iniisip ng sekretarya niyang si Iceliana at naisip nitong magpalit ng image? Okay na siya sa manang nitong itsura. Dahil doon...wala siyang distraction sa opisina. Walang kademonyohan. Pero simula nang suotin nito ang pulang bestida...ito na ang laman ng utak at pagkalalaki niya. Kahapon ay sinubukan niyang gumawa ng paraan para alisin iyon---at iyon nga ay ang humanap ng ibang babae na magtatagal ng init sa katawan niya. He ended up being more frustrated.

Inisip na nga niya iyon. Kaya sa loob ng isang linggo na iyon, hindi talaga siya lumabas. Kahapon lang niya naisipan. Alam kasi niya na mali rin iyon. Hindi si Ice ang babae. Hindi ito ang babaeng gusto niyang makuha. Okay naman sana kasi ang lahat. May mga ilang gawain pa siya kung saan niya inilalabas ang sexual frustration niya sa dating manang na sekretarya kagaya ng pakikipag-chat. Pero naging matindi ang pangangailangan niya kahapon....because well, he just broke his rule! And he was tempted to do it again and again.

No, no, no. Iyon ang palaging sinasabi ni Will sa sarili sa tuwing nakikita niya si Ice at naalala ang ginawa niya rito kahapon. Ibinaba nito ang lahat ng depensa niya. Walang kahit sinong sekretarya niya ang sumagot sa kanya at hindi niya inaasahan iyon kay Ice. Pakiramdam niya ay naging tigre ang babae. And well, he always loved tigers! Especially in bed. Agresibo siya. Iyon ang nakita niya kay Ice at hindi na niya napigilan ang sarili. Lalo na at talaga namang ginugulo siya nito sa nakaraang linggo na iyon.

Dapat ay lumayas na ang init. He had his fill...all right. Pero kulang pa. Malaking kulang. He just doesn't want to claim her lips, her mouth....there's a big urge to claim her body...and soul.

Soul? He couldn't do that. Katawan lamang ang dapat dahil kapag kaluluwa na ay buong pagkatao na nito ang kailangan niya. Ang puso nito, ang pag-ibig. He couldn't do love. So mas maigi na nga na isubsob na lamang talaga niya ang sarili sa mga nararapat na bagay---sa trabaho.

Kahit mahirap. Kahit masakit---lalo na sa kanyang pagkalalaki.

Ang kung anong mayroon lamang sila ni Ice ay business. He couldn't mixed business and pleasure, like he always said to his self. History shouldn't repeat itself.

Kinuha ni Will ang laptop. Kailangan niyang ibaling sa iba ang matinding sexual frustration na nararamdaman niya para sa sekretarya sa pamamagitan ni Candice. Bukod kay Ice, ito lang rin ang babaeng naiisip niyang makuha. And if he couldn't have the secretary in his real life, he would have this secretary of his on a fantasy world they have created...

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon