At The Office (SPG)

70.5K 908 55
                                    

CONCENTRATION. Concentration. Concentration. Kulang na lamang ay i-chant ni Will ang mga salitang iyon. Gusto niyang ipagduldulan sa kanyang isip na tambak na naman ang paper works niya. Normal lang naman iyon dahil kakatapos lamang ng kanilang bakasyon. Unang araw rin ng pasok sa opisina ngayong taon. May hangover pa ang mga tao sa nagdaang holidays. Pero hindi ganoon si Will. Sa maraming taon na pamumuno niya sa Limitations, sanay siya na kapag natambakan siya ng trabaho ay ginagawa niya kaagad iyon. Ayaw niya ng tambak na trabaho. Mas nararamdaman niya ang pagiging productive niya kapag ganoong mga panahon. Palaging nakatuon ang isip niya na kailangan niyang tapusin ang mga tambak. Pero kahit tatlong oras na sa opisina ay hindi magustuhang gawin ni Will ang trabaho.

All he wanted to do was to ravish the woman outside his office.

Bumuntong-hininga si Will. Pang-sampu na yata niya iyon kahit masasabi na nagsisimula pa lamang ang araw. Naka-dalawang stick na rin siya ng sigarilyo. Gusto niyang kumalma. Pero paano niya magagawa iyon kung nasa labas lamang ang babaeng masasabing dahilan ng holiday hangover niya? Ang babaeng pinagbuhusan niya ng mga araw na iyon...at hindi makita at maramdaman ang araw kung kailan masasabi niyang tama na ang lahat.

Now that he had a fill of her, he couldn't get enough of her. Hindi siya makatakas sa sumpa nito. He couldn't find his god damn control. Ito na nga ba ang kinatatakutan niya kaya hindi niya gustong maangkin si Ice, ang patulan ito. Natatakot siya na kapag naangkin niya ito ay mahirapan siyang makapagtrabaho. He will distract her. Maalala niya ang mga maiinit na sandali na hawak niya ito at inaangkin. And he wouldn't move on, get over.

Walang pumapasok sa isip ni Will kundi ang imahe ni Ice na hindi man niya gustong tignan kanina nang pumasok siya sa opisina ay hindi rin niya maggawa. He couldn't get enough of her. Pero masisisi ba siya? She looks ravishing with her sophisticated pinstripe plaid ruffle pencil dress. May pagkamaikli iyon kaya naman sinubukan niyang sitahin ito. But she was not just a tease, she was also proving that she could be a femme fatale, too. Sinagot siya nito. Kahit naman kasi may pagkamaikli ang tabas ng damit ay tinernuhan nito iyon ng itim na fish net stockings. Pero kahit ang purpose ay para takpan ang slim na legs nito ay mas lalo pang nagpainit sa kanyang dugo.

Alas onse na nang makapagdesisyon si Will nang tamang gawin. Tumayo siya ng swivel chair at nilabas si Ice. Nakita niyang wala itong masyadong ginagawa. Nilalaro-laro lamang nito ang suot na itim na high-heels. With just a sight, a shiver went through his spine and travelled until his manhood. He wanted to groan. Naiinggit siya kay Ice. Gusto rin niyang laruin ang sapatos nito. Gusto niyang tanggalin iyon mula rito...throw it anywhere he wanted. At ang susunod niyang gagawin ay halikan ang mapupulang paa na iyon. Gusto niyang maglaro ang kanyang labi at kamay sa paa nito. Paakyat sa kung ano ang iniisip niyang gustong maangkin rito kanina pa pero pinipigilan lamang niya.

Ganoon kaapektado si Will kay Ice. Nang tumingin ito sa kanya ay binigyan pa siya nito ng dati ay kinakategorya lamang niya bilang matamis na ngiti. Pero sa pagkakataong ito, nagiging delusional na yata siya dahil naisip niya na mapanukso iyon.

"Yes, Sir?" tanong ni Ice. Formal pa rin naman iyon, kagaya nang inaasahan niya rito. Kagaya nang gusto niya. Siya talaga ang may problema dahil iba ang naiisip niya. Hindi niya kasi sigurado kung sinadya siyang binigyan nito ng "beautiful eyes" o iyon ang iniisip niya...dahil iyon ang gusto ng makamundong bahagi ng katawan niya.

"Don't play with your shoes."

Sinunod ni Ice ang utos niya. Isinuot nito ang sapatos. "Anything, Sir?"

Will gritted his teeth. Ito na nga ba ang sinasabi niya!

Ngayon lamang lumabas si Will sa opisina niya dahil nga iniiwasan niya si Ice. Alam kasi niya na ang mga bagay na iniiwasan niya ay mangyayari. Wala talaga siyang self-control pagdating sa babaeng ito...so he decided to have his fill. Baka sakaling kapag nakuha niya iyon ay matahimik na siya at makapagtrabaho na.

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon