A Night To Remember

59.9K 1.1K 49
                                    

KAHIT nag-alinlangan si Ice na dumalo sa Christmas Party at hindi na nga sana gustong makita ang regalo na matatanggap, hindi niya pa rin naiwasan na hindi iyon hanapin sa kumpol ng mga regalo. Pero sa kasamaang palad, walang regalo ang nakapangalan sa kanya.

Inisip ni Ice na kaya ganoon ay baka late lamang ang monito niya. O kaya ay baka absent. Napag-alaman kasi niyang may isang hindi dumalo sa event. Kaya lang ay babae iyon. Hindi naman niya lubos maisip na si mail na kanyang monito ay babae. Ganoon na ba karumi at mapaglaro ng utak ng mga kabaro niya?

Pero nang mapadaan muli si Ice sa Christmas party nang mag-aalas onse na at malapit na ang pagtatapos ng party ay wala pa rin na regalo. Lahat ng mga regalo ay nakuha na kanina. Kung na-late man ang dating ng regalo, dapat ay makikita niya iyon agad roon. Pero wala.

Baka naman may nakakuhang iba. Isa pang nasa isip ni Ice. Pero hindi niya gustong isipin. Sayang kung ganoon. Pero teka, bakit sayang? Samantalang nababahala na siya 'di ba? Natatakot na siya sa maaaring makuha niya sa pagkakataong ito.

Napabuntong-hininga si Ice. Bakit nga ba? Nararamdaman man niya ang mga pag-iinit sa nakukuha pero hindi iyon tuluyan na pinapalabas ang kanyang Inner Goddess. Hindi na niya naituloy pa ang sinusulat na erotic romance book. Hindi niya kailangan ng mga bagay. Ang kailangan niya ay experience mismo.

Ang kailangan niya ay ang mga bagay na ibinibigay sa kanya ni Sir Will at Liam....

Pero tama na raw sabi ni Lord. Hindi na niya muling matitikman ang bagay na iyon. Dapat ay ipagpasalamat iyon ni Ice. Mali ang kanyang ginagawa. Para sa isang konserbatibong bansa pa rin kagaya ng Pilipinas, lahat ng mga naiisip niya ay masama pa rin sa kabila ng kanyang edad...

Ang huling program sa Christmas party ay ang company photoshoot. Nag-photoshoot ang lahat ng empleyado at pagkatapos naman ay ang bawat empleyado sa bawat department. Pinakahuli ang mga empleyado sa Office of the President. Sila lamang ni Sir Will ang nakuhanan ng larawan. Tanging sila lamang naman ni Sir Will ang tao roon dahil ito bilang presidente at siya naman bilang empleyado nito.

Naramdaman kaagad ni Ice ang awkwardness. Iyon ang pinakaunang kinuhanan sila ng larawan na sila lamang dalawa.

"Wala na bang ilalapit 'yan?" ramdam ni Ice na nararamdaman rin ng photographer ang awkwardness sa kanilang dalawa ng boss. Sinenyasan sila nito na maglapit sila.

Humakbang silang pareho ni Sir Will palapit sa isa't isa.

"Closer!" sigaw pa rin ng photographer. "Sir, ilagay niyo po ang kamay niyo sa baywang ni Ma'am."

Napaawang ang mga labi ni Ice sa suggestion ng photographer. Department photoshoot lamang iyon. Bakit naman kailangan ng ganoon? Though hindi niya maiwasan na makaramdam ng pag-iinit sa gustong gawin ng photographer sa kanilang dalawa.

Wala na siyang pag-asa kay Sir Will. Sinusubukan rin naman niya na limutin ang gabing iyon. Pero ang photographer na ito ay binubuhay ang lahat sa kanya. God, she missed his touch. Gusto niyang maulit ang mga iyon. Kahit mali.

Napakagat-labi si Ice. Naalala niya ang nangyari noong gabi sa isipin na gagawin ni Sir Will ang gusto ng photographer nila. Napatingin siya kay Sir Will na nahuli niyang nakatingin na rin pala sa kanya. Nakakita siya ng kakaiba sa mga mata nito---na well, nakita na rin naman niya. It was something to do with fire---kagaya nang nakita niya rito noong gabi sa apartment niya. Mas lumala pa iyon nang makita ang pagkagat ng labi niya. May masama ba sa ginawa niya? Napansin rin kasi niya na tila pinipigilan nito ang paghinga. Na hindi naman nagtagal ay nahawa rin siya.

Hindi inaasahan ni Ice na susundin ni Sir Will ang photographer. That made her held her breath. Naging rough rin kasi ang ginawa ni Sir Will. Mabilis na hinapit nito ang baywang niya na halos sa ginawa nito ay napasubsob na siya sa matitipunong dibdib nito. Dagling init rin ang kanyang katawan. Kanina ay iniisip lamang niya, hindi naman niya hiniling. Pero iyon, binigay pa rin ni Lord sa kanya.

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon