At The Warehouse

70.3K 887 115
                                    

STILL no office romance. Sa kabila ng mga nangyari kayna Will at Ice ay iginigiit pa rin nin ni Will na sundin ang panukalang iyon. Simula pasko hanggang December twenty eight ng gabi ay magkasama sila. Hindi sila umalis ng apartment niya. They explored each other's world on those days. Pero kahapon, ang araw bago ang inventory counting sa printing press na masasabi na manufacturing site ng Limitations, ay nagsabi sa kanya si Will na uuwi daw muna ito sa sarili nitong townhouse.

"Bakit?" tanong niya kay Will nang magpaalam ito sa kanya.

Its been days. There had been so many rounds. Pero para kay Ice ay kulang pa rin iyon. Marami na siyang natutunan. Bu she was not just greedy with knowledge, she was also greedy with the experience...at siyempre, kay Will na rin mismo. Sa tingin niya ay hindi yata magiging sapat sa kanya ang lahat. Mayroon rin na nakakatakot na pakiramdam sa loob niya na gusto niya si Will sa panghabang buhay.

"Kailangan kong magpahinga. Kailangan pa nating pumunta sa inventory counting bukas."

"S-susunduin mo ba ako dito?" Wait, nagiging clingy ba ako?

Huminga nang malalim si Will. "Isa iyon sa iniiwasan ko. Hindi kita puwedeng sunduin. Magtataka sila kapag magkasabay tayong dumating. Hindi nila puwede na malaman na may namamagitan sa atin."

Napakagat-labi si Ice. "P-pero...ang lahat ng nangyari. Tapos na ba iyon---"

Tumiim ang bagang ni Will. "Hindi."

Nawala ang kalungkutan ni Ice. "All right."

Hinawakan ni Will ang pisngi ni Ice. "Naiintindihan mo ba ako?"

"I-its your rules. Dapat na intindihin ko iyon."

"Good."

"And besides...masaya na ako na sa kabila ng lahat, hindi mo pa rin gustong putulin ang kung anong mayroon tayo."

Sa totoo lamang ay hindi pa rin lubos na naiintindihan ni Ice si Will. Hindi pa kasi nito sinasabi ang dahilan kung bakit hindi nito gusto ang magkaroon ng office romance. Pero iniisip niya na siguro ay dahil sa pride nito. Ito ang nagsabi na bawal ang office romance sa kompanya at hindi naman maganda na bawiin nito iyon dahil lang sumuway ito roon. O kung hindi man bawiin at kapag nakita silang ganoon ng mga empleyado, hindi ba at mawawala ang respeto ng mga ito kay Will? Ito pa man rin ang presidente ng kompanya.

Tinitigan siya ni Will. Ngumiti ito. "You're wonderful, my witch. You cast a very hard spell on me."

Kung totoo ngang ganoon ang nangyari, idedeklara na ni Ice na panghabang buhay ang bisa ng kulam na iyon.

Dahil sa Maynila rin naman ang opisina ng Limitations, sa Maynila rin may apartment si Ice. Madali lang para sa kanya ang magbiyahe at pumunta sa printing press ng Limitations. Pagdating niya roon ay nakita agad niya si Will. Tila sandaling tumigil ang kanyang mundo nang magtagpo ang kanilang mga mata.

Nakagat ni Ice ang ibabang labi niya. Gustong-gusto niyang puntahan ang amo. Maglambitin sa leeg nito at pagkatapos ay mariin siyang hahalikan nito. Na-miss niya nang husto ang lalaki kahit iisang gabi pa lang naman sila nagkakahiwalay.

"Ice!" tawag sa kanya ng administration head nang makita siya. "Halika rito. Hahanapin natin ang magiging partner mo sa inventory counting."

Partner? Iyon ang unang beses na makasama si Ice sa isang inventory counting. Pero napag-alaman niya na tuwing year-end ay ginagawa iyon. Na-brief na rin siya kung ano ang ginagawa roon. Hindi niya lang alam na dapat pala ay may partner para roon.

Nang lumapit sa admin head ay naikrus ni Ice ang daliri. Sana si Will.

May kinuha itong malaking papel at card board. Pagkatapos ay may tinawag ito. "Dennis!"

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon