The Truth

48.5K 851 26
                                    

MATAGAL ng nakaalis si Ice sa harap ni Will pero babago lamang niyang napagtanto ang lahat ng ginawa. Nahilamos niya ang dalawang kamay sa mukha. Sinaktan niya ito.

Na-guilty si Will. Mali ang ginawa niya sa sekretarya. Dapat ay tinanggap niya ang dahilan nito na pinapahalagahan siya nito. Hindi rin dapat niya pinagmukha rito na wala itong karapatan sa kanya. Masyado siyang nagpadala sa kanyang galit. Masyado rin kasi siyang nabigla. Ano ba naman kasi ang naisip nito at pinakialaman siya nito sa bagay na iyon?

Papayagan ni Will na manghimasok si Ice sa buhay niya. Pero ang ganoong ka-personal? Walang kahit sino ang nakapilit sa kanya na kausapin ang pinakakinamumuhian niyang tao sa mundo. Kahit si Patricia ay hindi. Masyadong naging malalim sa kanya ang sakit na idinulot ng ama at hindi na niya gustong ayusin iyon.

Huminga nang malalim si Will. Well, kung hindi niya gustong ayusin ang problema sa ama, dapat ay ayusin niya ang naging problema kay Ice. Naisip niya ang mukha nito kanina nang pagsalitaan niya nang masama at maitulak pa. He felt horrible. Kailangan niyang humingi ng patawad kay Ice. Wala naman itong ginagawang masama. Ang taong natira sa opisina ay ang gumawa noon.

"Ginawa lang naman niya iyon para sa ikabubuti mo, Anak." Bago pa man makapagdesisyon si Will kung hahabulin si Ice o ang ipagpaliban muna ang lahat ay nagsalita ang taong matagal na niyang nilimot.

"Kapag kasali ka sa usapan, walang mabuti roon." Gusto niyang pakalmahin ang sarili dahil gusto niyang puntahan si Ice. Habulin ito. Sa totoo lang ay na-missed na niya ito. Dalawang araw siyang nag-inarte para iparamdam rito na nagtatampo siya rito. Dumalaw siya sa printing press---doon nag-business trip kuno. Pero ang totoo ay tinignan lamang naman at chineck niya ang mga ginagawa at transactions roon para maiwasan si Ice.

Napakahirap ng dalawang araw na iyon lalo na at simula nang may mangyari sa kanila ay nasanay na siya na nasa tabi ito. Na-excite pa man siya na pumasok ngayong araw dahil makikita na niya ito. And damn his office ethics. Nasa plano niya sa unang gagawin sa pagbabalik ay ang halikan ito. Pero mas hinalikan siya ng galit nang habang naglalakad siya patungo sa opisina ay nalaman niya na naroroon naman ang lalaking kinamumuhian niya sa loob ng maraming taon.

"Hindi kita masisisi kung nasasabi mo ang mga salitang iyan sa akin. Pero sana ay maisip mo na kaya ginawa lang rin ito ng nobya mo ay para sa ikabubuti mo."

"Nagsisisi ako sa ginawa ko sa kanya. Hindi ko dapat siya pinagsalitaan nang masakit. Hindi ako nagpadala sa galit. Mali ako na saktan siya. Hindi ko dapat na saktan siya. Sa ating tatlo, ikaw lamang dapat ang masaktan!"

At hindi dapat kita kinakausap. Gustong magmura ni Will. Bakit nga ba niya ginagawa?

Malaki ang galit niya sa ama. Ito ang nagturo sa kanya para ipatupad niya ang no-office romance sa Limitations. Isang distraction ang makipag-affair sa kapwa empleyado, malaki ang magiging epekto noon sa kompanya. Dahil ito mismo ay ganoon ang ginawa na muntik ng ikabagsak ng Limitations.

Pero hindi lamang iyon. Sinira rin ng pakikipag-affair nito sa sekretarya nito ang pamilya nila. Iyon ang ikinamatay ng kanyang ina. Masisisi ba siya kung ganoon na lamang ang kanyang galit rito? Hindi na niya gustong makita ito habang buhay. Naging malalim ang sugat sa kanyang puso.

"May pagkakamali ako. Aminado naman ako roon. Pero iyon ay ang masyado lang ako na nagpa-distract sa nangyayari noon."

"Lang?" tumawa si Will. "Napakarami mo na pagkakamali---"

"Hayaan mo akong magpaliwanag, anak."

Tumiim ang bagang ni Will. "'Wag mo akong tawagin na anak. Simula nang pagtaksilan mo si Mama, parang pinagtaksilan mo na rin ako. Kami ni Ate Patricia. Kaya hindi ko ba alam kung ano ang pumasok sa kokote niya para mapatawad ka niya."

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Where stories live. Discover now