Unforgivable

48.4K 868 56
                                    

DAHIL nakilala at masasabi ni Ice na naging malapit na sila ni Ate Patty, naging madali para sa kanya ang naging plano para ayusin si Will. Naisip niya na tanging ang bagay na iniiwasan lamang nito an mag-aayos ng lahat. Kailangan nitong makausap ang ama.

Lahat ng mga bagay ay may dahilan. Nakatatak na kay Ice ang mga salita na iyon. Ganoon palagi ang sinasabi sa kanya ng Lola niya. Siguro kaya raw kinuha ng Diyos ang mga magulang niya ay dahil hindi siya gustong malayo ng Panginoon siya sa kanyang Lola. Noon kasing sabay na mamatay sa isang car accident ang kanyang magulang ay magma-migrate na sila sa ibang bansa pagkatapos ng isang buwan. Mawawalay na siya sa kanyang Lola. Hindi gusto ng Panginoon iyon. At hindi ba ay dahil rin sa Lola niya kung bakit siya napilitan na humanap ng trabaho? Sa trabaho na iyon ay nakilala niya si Will. Iyon ang pinakadahilan ng lahat.

Nakaramdam siya ng masarap na pakiramdam sa piling ni Will. Binigyan siya nito ng bagong mundo.

Para sa kanya, may dahilan rin siguro kung bakit ginawa ng ama ni Will ang pakikipag-affair sa sekretarya nito. Sinubukan niyang tanungin si Ate Patty at totoo ngang mayroon. Ikinuwento nito sa kanya ang istorya na hindi alam ni Will. Nang malaman rin daw nito iyon kaya lubos nitong naintindihan ang ginawa ng ama ni Will para rito. Pero kahit sinubukan nitong sabihin ang mga iyon kay Will, nagsisimula pa lang raw ito ay hindi na ito pinakinggan ng lalaki. Sa tuwing tinatangka nito muli ay ganoon pa rin ang lahat. Hanggang sa magsawa na raw ito.

Pero hindi si Ice. Alam na niya ang lahat at puwedeng siya ang magsabi. Pero sa tingin niya ay mas magiging maayos at kapani-paniwala ang lahat kung ang ama nito mismo iyon. Ito ang may kasalanan. Ito ang inakala ng anak na nakagawa ng mali. Dito dapat manggaling ang mga paliwanag. Hindi naman siya nahirapan na kumbinsihin ang matanda para makausap si Will. Natuwa pa nga ito na gumawa siya ng paraan para magkausap ito at ang matagal ng nawalay na anak. In-schedule niya ang pagkikita ng mga ito sa mismong opisina ng Limitations.

Nagulat ang ilang tauhan nang makita ang dating Presidente ng kompanya. Sinita pa siya nang ilan. Siya ang sumundo sa matanda sa entrance ng building pa lamang.

"Ang alam ko ay naka-ban sa opisina si Mr. Gasan. Sino ang nag-imbita para sa kanya na pumasok?" sita sa kanya ng isang matandang empleyado.

Muntik nang mapakagat-labi si Ice. Hindi niya alam ang patakaran na iyon pero hindi rin naman sila sinita ng guard. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil bago lamang ito. "S-si Sir Will mismo."

Nanlaki ang mga mata nito. "Niloloko mo ako!"

Ngumiti lamang si Ice. Nakita niya ang discomfort sa mukha ng ama ni Will.

"B-baka ikapahamak mo pa ang ginawa mo na ito."

"'Wag po kayo na mag-alala." Pagpapakalma ni Ice. Natatakot rin naman siya pero para sa ikakaayos rin ito ni Will. Inalalayan niya ang matanda para makapunta sa opisina, hindi na inalintana ang iba pang sita at usap-usapan.

Wala pa si Will nang dumating sila. Pero alam niya na darating ito. Nagtext ito kaninang umaga na papasok na muli sa opisina. Nang makalapit ito sa opisina ay inaasahan niya na magagalit ito pero naging advanced iyon. Pagpasok nito ay galit na agad ito.

"Ano itong narinig ko na dumating raw rito si Pa---ang lalaking iyon?!" dumagundong kaagad ang boses ni Will.

Sinalubong ni Ice ang tingin ni Will. Pinilit niyang nilabanan ang takot. "Nandito nga siya."

Nagngitngit ang ngipin ni Will. Nahagip rin nito ang lalaking sinasabi. Nagdilim ang mukha nito. "Ikaw ang may kagagawan ng lahat?"

"Oo."

Kumuyom ang kamao ni Will. "Damn you. Paano mo naggawa ito?"

"Gusto ko na maging maayos ka kaya gusto ko na magkaayos kayo ng Papa. Dinala ko siya rito para makapagpaliwanag siya sa 'yo. Gusto kong mawala ang takot mo."

Lalong nagngitngit ito sag alit. "At bakit mo ginawa ang lahat ng iyon? Ano ang gusto mong palabasin?"

Hinawakan ni Ice ang kamay nito. Niyakap rin niya ito. Galit na galit si Will. Sanay na naman siya sa pagiging mahigpit nito, mainitin ang ulo. Pero ngayon lamang niya nakita ang ganoong katindi na galit mula rito. Natatakot na talaga siya pero sinubukan niyang paganahin ang rational na bahagi ng kanyang utak. Kailangan niyang pakalmahin ito.

"I-I care for you, Will. Alam ko na kung bakit ayaw mong maging kagaya ng Papa mo. Kaya gusto mo na mag-resign ako sa trabaho, kaya ayaw mong makipag-affair sa akin kasi sekretarya mo ako. Kaya tayo nagtalo last time. Hindi mo ako gustong pakinggan. Ayaw mong tanggapin na mag-adjust na lang tayo samantalang iyon naman ang mas tama at karapat dapat na gawin."

"To hell with your care! Hindi ko kailangan noon!" kumawala si Will sa pagkakayakap ni Ice. Nang hindi niya ito pinakawalan ay itinulak siya nito.

Namutla si Ice. "I'm sorry---"

"You should be!" parang kaunti na lang ay mababasag na ang ngipin ni Will sa kakangitngit. "Ang ginawa mo na ito? It is so unforgiving. Hindi ka dapat nakialam sa buhay ko!" dinuro pa siya nito, hindi man lang nag-sorry sa ginawang pagtulak sa kanya. Malakas rin iyon na halos mapasandal na siya sa pader ng opisina.

"Sino ka ba sa tingin mo para makialam? Ni si Ate Patty ay hindi ginawa ang ganitong klase ng panghihimasok! Dahil alam niya ang lahat. Samantalang ikaw...hindi mo alam iyon pero ginawa mo ito! Wala kang alam sa buhay ko. Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko. Hindi mo ako lubos na kilala!"

"Alam ko. Pero sinabi sa akin ni Ate Patty ang lahat. And I told you, I care about you and---

Naningkit ang mga mata ni Will. "What? Why did you feel that? Dahil natulog ako na kasama ka? Pero hindi naman kita binigyan ng options para pakialaman ako tungkol doon 'di ba? Wala kang karapatan para pakialaman ako! We're just sleeping together. Tandaan mo iyon! Wala kang karapatan sa akin dahil hindi naman kita nobya o asawa! So please, get the hell out of here!"

Napakatindi ng galit ni Will. Hindi na iyon kinaya ni Ice. Nasaktan siya sa mga salita nito. Hindi naman siya manhid para maramdaman iyon. Iyon na nga ba ang sinasabi niya. Iyon ang kinatatakot niya. Nanghimasok siya sa buhay ni Will at minasama nito iyon. Pinamukha nito ang kung hanggang saan lamang siya sa buhay nito---ang pinakaayaw niyang mangyari sa kanya.

Nagtapang-tapangan kasi.

Hindi totoo ang nararamdaman nilang dalawa ni Ate Patty na espesyal siya kay Will. Dahil kung espesyal siya rito, hindi nito gagawin iyon.

Maaaring dala lang ng galit ni Will kaya nasabi nito ang mga iyon. Kailangan niyang intindihin ito. Pero hindi manhid ang kanyang puso para hindi siya masaktan. Lumayo siya kay Will, nagsimulang maglakad palayo. Umalis.

Nang hindi siya pigilan ni Will, lalong naramdaman ni Ice ang sakit. But then...kasalanan rin niya ang lahat. Nanghimasok siya samantalang alam naman niya na maaaring ganoon ang kahinatnan ng lahat.

Iyon ang reward ng mga pangingialam niya. Now, she had to taste the dose of her own medicine, gaano man kapait iyon.

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon