Trouble

70.1K 981 51
                                    

SANDALING tinitigan muna ni Will ang namumulang mukha at katawan ni Ice bago niya tuluyang layuan ito. He could say that it was the best lay of his life. Dahil ba iyon sa iyon ang unang beses na nakipagtalik siya sa wala pang karanasan na babae? Masyado ba siyang dinala sa trono sa isipin na siya ang nakauna kay Ice? O iyon ay dahil sa matagal na rin na pag-iinit ng dugo niya sa babae?

Will's control finally comes to an end.

Hindi siya sanay na magkaroon ng second round sa mga babae. Bihira niyang gawin iyon. Pero pagkatapos ng nangyari sa kanila ngayon kay Ice, pakiramdam niya ay kaya niyang manirahan sa loob nito pang-habang buhay. Unang beses niyang makaramdam ng ganoon katindi na damdamin. He wanted to be with Ice over and over again. For the first time in his life, he found fulfilment in sex that he wanted to cherished forever.

But she needed a break.

Ito ang unang beses ni Ice. Nag-a-adjust pa ito sa nangyari. Hindi dapat niya pinipilit kaagad ang sarili rito. He could see the evidence now. She was very sore. Isa pa, nag-aalinlangan rin siya. Dapat ba talaga na i-break niya na naman ang mga patakaran niya para kay Ice? Hindi siya nagkakaroon ng kahit isang maikling affair sa mga empleyado niya. For eight years, naging matagumpay siya roon. May iilang beses naman na nate-tempt rin siya. Pero ngayon lang niya pinagbigyan ang sarili. Naging matindi ang atraksyon niya kay Ice. Pero 'di ba dapat ay tama na ang una? He had his fill now. Pero kulang pa rin.

Will wanted to cursed his self. Nakulam na nga ba talaga siya? Hindi siya makaalis sa kulam na iyon. Ice must be a really good witch to cast a spell as good as that.

Hindi man gusto, lumayo si Will kay Ice. Tumayo siya sa kama.

"S-saan ka pupunta?" hinihingal na wika ni Ice. But then...her voice was still sexy. Nararamdaman na naman niya ang muling paninigas ng pagkalalaki niya. Pero hindi dapat niya asikasuhin iyon. Ice was breathless. Of course, she was very tired. Unang beses nito iyon. Nabaguhan ito. And he also needed a break from being ruthless.

Bahagyang nilapitan niya muli ito. Hinawakan niya ang pisngi nito. "I'm just giving you a break. Now, tell me where I could also. I need to smoke."

Itinuro ni Ice ang terrace sa likod ng apartment. Tumango si Will. Kinuha niya ang boxer shorts, sandaling sinuot iyon sa sarili. Kumuha rin siya ng sigarilyo at lighter mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Kapagkuwan ay nagpunta na siya sa terrace at doon ginawa ang paninigarilyo.

Bihirang manigarilyo si Will. Pero sa tuwina, madalas na may dala siyang ganoon. Lalo na at kapag alam niyang mapapasok siya sa isang mabigat at matinding sitwasyon. Kumakalma siya kapag nakakapanigarilyo siya. Iyon ang gusto niyang mangyari sa sarili niya. Pero nagpupumilit pa rin na pumasok ang itsura ni Ice sa kanyang isip.

She was breathtakingly beautiful. Tama lang ang ginawa nito sa sarili nito noong mga panahong kung magdamit ito ay tila lumpia---balot na balot. Tama lang na itinago nito ang ganda nito. It was so beautiful and it needed to be protected.

And that he needs to be protected.

Aasa ba ng mas higit si Ice sa kanya? Wala silang pinag-uusapan. Parang kagaya lang iyon ng mga dating affairs niya. A little seducing and then ended up in bed. Medyo mahaba nga lamang ang nangyari sa kanila ni Ice. At wala itong karanasan. At hindi ba at nakakatakot ang mga virgin na babae? Aasa ang mga ito ng higit pa sa isang lalaki dahil ibinigay ng mga ito ang lahat para sa lalaking iyon. Naiisip niya na maaaring ganoon si Ice. Pero sa halip na matakot nakaramdam siya ng kagustuhan sa puso. Gusto niyang kuhanin ang responsibilidad kay Ice...dahil gusto niya pa ng maraming rounds kasama ito.

Was this getting serious? Ang akala ba niya ay pagnanasa lamang ang lahat? Bakit tila mas higit pa iyon roon?

Siguro nga. But damn himself with that. Parang sa nararamdaman niya...ginaya na rin niya ang kanyang ama. Maaring makakaapekto ang ginagawa niya sa Limitations---ang kompanyang ibinangon niya sa unti-unting pagkabagsak noon simula nang magka-affair ang kanyang ama sa sekretarya nito. Ang affair na siyang nagpagulo rito dahilan para mapabayaan nito ang sariling pamilya...pati na rin ang kompanya.

Ikinatatakot ni Will na umulit ang nakaraan. Kailangan niyang itigil ang sinimulan nila ni Ice. Ayaw lamang pumayag ng isang bahagi niya---isang bahagi na hindi niya gustong i-recognize.

Patapos na si Will sa paghithit ng unang stick nang makarinig siya ng pagkabagsak. Nakaramdam kaagad siya ng takot sa kanyang dibdib. Parang sa kuwarto nanggaling ang nabasag na iyon. Itinapon niya ang cigarette stick at sinunod ang instinct niya na bumalik muli sa kuwarto.

And it wasn't a sight to behold.

Natagpuan ni Will si Ice na mas mapula pa kaysa kanina. Hindi na rin normal na hinihingal pa rin si Ice pagkatapos ng nangyari sa kanila.

"What happened?" nakita niyang nabasag ang lampshade.

In a breathless voice, sumagot ito. "I-I don't know. H-hindi ako makahinga...Ang hirap..." hinawakan nito ang dibdib.

Hospital. Iyon na lamang ang naisip ni Will na kailangan nito. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Pinangko ni Will si Ice, kumuha ng kumot na maaaring ipagtaklob sa hubad pa rin nitong katawan at pagkatapos ay isinakay na sa kanyang kotse.

Having an affair with his secretary was trouble. Pero ang nakita niyang anyo nito ngayon at ang naramdaman niya? He knew he was in a serious deep shit.

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon