Hot Christmas Day

58.8K 1K 61
                                    

"I WANT you."

Pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon ay nakagat ni Ice ang kanyang mga labi. Pasko ngayong araw. Hindi naggawang makauwi ni Ice dahil nawalan siya ng masasakyan pauwi sa probinsya nila sa Batangas. Napakarami ng pasaherong nagsisi-uwian kahapon. Para hindi na lamang masyadong ma-miss ni Ice ang pasko kasama ang masasabing pamilya, nakipag-video chat siya sa mga ito kaninang umaga hanggang tanghali.

Nang hapon ay sina Nina at Mara naman ang inasikaso niya. Lumabas sila para i-celebrate kahit papaano ang pasko. Pero naging mabilis lamang iyon dahil parehong may lakad kasama ang pamilya ang mga ito. Kaya naman nang dumating ang gabi...ang isang taong masasabi niyang pinahahalagahan niya ang inasikaso ni Ice.

Si Liam...na siya rin pala na si Sir Will.

Dahil sekretarya ni Sir Will, madali lang para kay Ice ang ma-contact ito. Nang dumating ang alas sais ng gabi, tinawagan niya ito at binati ng Merry Christmas. Binati rin naman siya nito bilang courtesy na rin sa ginawa niya. Kinumusta niya ito pero iyon ay minasama na ng lalaki. Sinabihan siya nito ng kung ano raw ang gusto niya.

Sumagot ang inner goddess ni Ice. At iyon nga ay ang kagustuhan niya na makasama si Sir Will o Liam or whatever.

Basta ang mahalikan muli ng lalaking humalik sa kanya sa Christmas Party.

Umungol ito. "This is your boss."

"I know. And I am your sexy secretary, remember?" hindi sigurado ni Ice kung sexy ang boses niya sa pagbabanggit nito. Hindi niya sigurado kung maapektuhan ang kanyang amo. Pero nang marinig ni Ice na nag-iba ang paghinga ni Sir Will ay nagkaroon siya ng pag-asa.

"Hindi pa ba malinaw sa 'yo kung bakit kita tinatanggihan, Iceliana? I do not do office romance. You could not want me!"

"Ikaw ang boss. You can provoke the rules."

God, ano ba ang pinaglalaban ko?!

Sinabi na naman ni Ice sa sarili na tama na. Nasasaktan na siya dahil sa boss na hindi niya maintindihan kung bakit ba pinagpipilitan pa rin na hindi sila puwede sa isa't isa. Pero mahahalata mo naman na malaki ang kagustuhan nito na makuha siya. Iyon na lang ang iniisip ni Ice na dahilan kung bakit pinagpipilitan niya pa rin.

His boss wanted her. The feeling was mutual. Kaya hindi ba dapat ay ipaglaban nila iyon? Babae siya at hindi dapat niya ginagawa. Pero makabagong panahon na ngayon. At sumasabay na nga siya sa makabago 'di ba? Nag-ayos siya ng sarili, sinubukan niyang magbago ng genre sa pagsusulat at pinakinggan ang hiling ng Inner Goddess niya. It was time to do something to satisfy herself, too. To complete her...

"No---"

"Suot ko ngayon ang binigay mo sa akin sa something soft. The red lingerie..."

Was she dirty talking? Pero kung iyon ang paraan para makuha niya ang boss, then be it.

Ice could not deny it anymore. Ang kaalaman na si Sir Will at si Liam ay iisang tao ay nagpasabik lamang lalo sa kanyang pagkababae. Wala ng halaga sa kanya kung mawala ang lahat, maangkin lang siya nito. Makuha niya lamang ang lalaki.

Pakiramdam ni Ice, kung hindi niya makukuha ang boss ay ikamamatay niya iyon. Ilang araw na rin ang nakalipas pagkatapos ng Christmas Party. Bakasyon ang kasali sa administrative division ng Limitations hanggang first week ng January. Babalik ang ilan sa December twenty nine sa trabaho pero sa may Quezon City iyon---sa printing press ng Limitations. Mag-inventory count sila pero isang araw lang naman. Kasali siya sa mga napili. Kaya simula noong Christmas Party, hindi pa sila nagkikita ni Sir Will.

Pero hindi pa rin natahimik si Ice. Pakiramdam niya ay mas lalo pa siyang pinag-init ng mga araw na magkahiwalay sila. Ika nga, "absent makes the heart grows funder". Or in her case...ang pagkababae niya.

Kung bakit ba naman kasi lagi akong binibitin ng lalaking ito!

"Enough."

Pero hindi nagpapigil si Ice. Totoong suot niya ang lingerie. Sinubukan lang naman niya dahil nami-miss niya talaga ang lalaki. Pero mas lalo pa noong pinagningas ang init na nararamdaman niya para rito. Kaya kahit mali, napakalakas ng loob niya ngayon. She feel beautiful...and greedy. Gusto niya pang maramdaman na mas maganda siya. Mas mararamdam niya iyon kung makakausap niya si Liam. Or mas better...ang halikan ni Sir Will...

"Ilalarawan ko sa 'yo ang pakiramdam ko. Ang tingin ko sa sarili ko. Because I loved this outfit. And I want you to loved it, too.

"It fitted perfectly to me. Parang alam na alam mo kung ano ang size ko. And my breasts? I feel like they became bigger than before. Na-emphasize ng sikip ng damit. It was full it was perfect to cupped, perfect to---"

"Damn." Nagmura na si Will sa kabilang linya. Napangisi si Ice. Ibig sabihin lamang noon ay apektado ito sa ginagawa niya. Gusto niyang palakpakan ang kanyang sarili. Sa mga nakalipas na pag-uusap nila ng isa pang katauhan nitong si Liam, ito lamang ang madalas na nakikipag-interact. Ito ang naglalarawan ng mga dapat nangyayari. Ng mga suot niya, ng mga ginagawa nila. Ngayon ay siya na mismo ang gumagawa noon. Naipagkrus rin ni Ice ang kanyang mga kamay. Sana ay maging matagumpay ang paglalakas niya ng loob.

Pero hindi. Bago pa man makapagsalita muli si Ice ay nakarinig siya ng tatlong tunog sa telepono---indication na pinatay ni Will ang tawag niya. Sinubukan niyang tawagan muli ito. Pero pagkatapos ng ilang ring ay pinatay rin nito iyon. Nang subukan niya muli, napunta na siya sa voice mail nito. Pinatay na ni Will ang cell phone.

Masama ba ang ginawa niya? Hindi ba iyon nagustuhan ni Will? Siguro nga. Kulang pa talaga siya sa practice. O sadyang hindi lang bagay sa kanya ang mga ganoong bagay dahil hindi naman kasi talaga siya mababang babae?

Nilukob ng lungkot ang puso ni Ice. May pagkakamali ba talaga siya? Eh sa hindi naman niya makontrol ang inner goddess niya na kapag si Sir Will ang naiisip ay nagiging aktibo. Hindi nga lang ganoon kagaling kagaya ng inner God nitong si Liam pero sinusubukan naman niya 'di ba? Iyon ang mahalaga.

Maaaring makaapekto sa trabaho ni Ice ang kanyang ginagawa. Maaaring tanggalin siya ni Sir Will. Pero sa kabila ng takot, tila mas malakas pa rin ang tawag ng kanyang laman. Ganoon katindi ang kanyang nararamdaman para rito. Kaya kung gaano katindi ang kanyang pag-iinit sa lalaki, ganoon rin katindi ang sakit na naramdaman niya na nabigo siya.

Binalewala siya ni Will, ni Liam. Hindi sapat ang lahat para rito.

Paiyak na muli si Ice, paraan para mapakawalan niya ang bigat ng kanyang damdamin nang may kumatok sa kanyang pinto. Naiwan niyang bukas ang gate kaya naging madali para makapasok ang kung sino na iyon at kumatok. Bahagyang kinabahan pa siya. Sino ang maaaring dumalaw sa kanya ng tila wala man lang konsiderasyon na tumawag sa gate at nagdire-diretso sa kanyang pinto? Ganoon pa man, pinili ni Ice na laksan ang loob.

Tuluyan ng napaiyak si Ice...sa tuwa. Lahat ng sama ng loob niya ay dagling natunaw nang makita ang lalaking akala niya ay tunay na binalewala siya. Kung paano nito nalaman ang bahay niya, hindi na iyon mahalaga. Her wish came true!

"Sir---"

"Liam." He said in a husky yet sexy voice. Hinapit nito ang kanyang baywang. "You witch. You should thank God we are on vacation now. Technically out of the office!"

Tila galit ito pero nagniningas naman sa apoy ang mga mata nito. Mula sa pagsasalubong sa kanyang mga mata ay unti-unti rin na bumaba iyon. And with those looks, dagling nag-init na rin si Ice.

"And so I will do this..."

Ibinigay ni Will ang regalo na gustong makuha ni Ice ngayong pasko---ang halik nito at ito mismo.

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon