In the now

54.1K 922 7
                                    

...

Liam: You're so talkative. I don't want you to be. Not this time. So I've pinned you in the wall. I shut you up by kissing you. Now, all I could hear about was your groan...my favorite sound of all. Nilaro ko ang mga labi mo at ibinalik mo sa akin ang kaparehong intensity. You tasted really good... you know, like drugs. No, hindi ako gumagamit ng drugs. Pero nai-imagine ko na ang ginagawa kong ito ay ang unang beses ko na gamitin iyon. It got me thrills. A current running through my body. Your lips...it's addictive.

Liam: Niluwagan ko ang pagkakahawak sa 'yo. Tinanggal ko ang mga kamay ko sa dingding...so that I can explore you. More of you. But I am still kissing you. I inhale as I lick, suck, and nibble my way through the other parts of your body...

...

NAKAGAT ni Ice ang kanyang labi nang mabasa niya ang message na iyon mula kay Liam. Hindi ito online sa ngayon. He messaged her a few hours ago...ang oras na tila kakatapos lamang na mangyari ang unang halik niya.

At sa pagkakataong iyon ay hindi na lamang iyon mula sa pagbabasa. Her lips was devirginize today...by her boss!

It wasn't supposed to happen so. Ramdam rin niya na pagkakamali ang tingin roon ni Sir Will. Nang matapos kasi ang halik ay basta na lamang siya iniwan nito. Leaving her wanting for more, in a tight breast and damp underwear.

It was hot. Walang experience si Ice sa mga halikan pero kung tatanungin siya, ganoon ang naramdaman niya sa halik ni Sir Will. Literally ay ganoon naman talaga. Kapag hinahawakan niya ang kanyang mga labi, nararamdaman niya na mainit nga iyon. Kahit nakauwi na siya sa bahay, tila naiwan pa rin ang kaluluwa niya sa opisina---sa lalaking palagi niyang kasama roon.

Binubuhay rin ng nabasa niyang chat ni Liam ang nangyari sa kanya kanina. Ganoong-ganoon ang pakiramdam niya ng halikan siya ni Sir Will. The thrills were real!

Ngayon lubos na nasabi ni Ice na walang exaggeration ang mga sinasabi sa kanya ni Liam. It was all real because she has felt it all, too.

In just one kiss. Paano pa ang mga susunod?

Experience is the best teacher. Umaalingawngaw ang mga salita ni Nina sa kanya. Totoo nga. Pakiramdam niya, dahil sa mga nangyari sa kanila ni Sir Will ay mas lalo pang lumalim ang kaalaman niya. Nangangati ang ilang bahagi ng katawan niya dahil sa hindi malimot na sandali na binuhay ng mensahe ni Liam at masaya siya na nahawa rin ang kanyang mga kamay.

Natagpuan ni Ice ang sarili na napapangiti. Mali ang nangyari pero para sa kanya ay hindi. Nakatulong iyon ng malaki sa kanya. She experienced a kiss...by a man she fancied for months now! Mas lalong nabuhay ang inner goddess niya na siyang nagbibigay sa kanya ng drive para makapagsulat.

Damn my conservative beliefs. She was already in the now.

Kung nakakaramdam man si Ice ng kalungkutan...iyon ay dahil sa isipin na mahihirapan na siguro na makakuha pa ng pangalawang pagkakataon.

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon