Restless

65.3K 970 42
                                    

HANGGANG sa makauwi sila ay nanatiling tahimik si Will. Nagsalita na naman ito pero iyon ay noong utusan lamang siya nito na magbihis. Dahil roon, masasabi ni Ice na hindi na talaga apektado sa kanya ang lalaki. Turn off na ito sa kanya. Pero nang tanungin naman niya ito kung aalis na ba ito ay umiling ito. Babantayan daw siya nito.

Nag-aalala si Will sa kanya. Pero hindi niya gustong bigyan ng kahulugan iyon. For all she know, hindi bukal sa kalooban nito ang ginagawa. Dahil kung bukal iyon...bakit hindi siya nito maggawang kausapin? Bakit tila pinanlalamigan siya nito? Inisip ni Ice na kaya baka ginusto lang nitong bantayan siya ay para maglinis ng konsensiya nito. Kung titignan naman kasi talaga ang pangyayari ay may kasalanan ito.

Pinatulog na siya ni Will pagkatapos niyang makapagbihis. Natulog siya sa kama niya at ito naman ay sa couch sa loob ng kuwarto rin naman niya. Iyon lang ang lalong nagpatunay kay Ice na hindi na ito talaga interesado sa kanya. If he wanted a second round, tatabi ito sa kanya sa kama. Gagawa ito ng paraan. Pero hindi sila dumaan sa drug store para bumili ng kailangang contraception. Turn off talaga ito sa kanya.

Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng bagay ay sa latex pa ako nagkaroon ng allergy! Napag-alaman niya na iyon ang most common na type ng condom kaya hindi niya masisisi si Will na iyon ang dala nito.

Pero kahit ala-una na ng madaling araw, halos dalawang oras pagkatapos nilang makabalik sa apartment at pagpahingahin siya ni Will ay hindi pa rin maggawang magpahinga ni Ice. Gumugulo sa utak niya ang nangyari sa kanilang dalawa kanina ni Will. Gusto niyang mangyari muli iyon...pero hindi na nito iyon gusto. Sa inis dahil hindi pa rin maggawang makatulog ni Ice ay umupo na siya sa kama. Naramdaman iyon ni Will na mukhang hindi pa rin nakakatulog sa couch. Nilapitan siya nito.

"May problema?"

Humalukipkip si Ice. "Alam mo na mayroon."

Itinuro ni Will ang sarili. "Alam ko? Paano?"

"Niloloko mo ba ako? Alam ko na na-turn off ka sa akin! Hindi mo na ako gusto at---" hindi na napigilan ni Ice ang damdamin. Nagsimula na siyang humagulgol.

Tuluyang lumapit si Will kay Ice. Umupo ito sa kama. Kinalma siya nito sa pamamagitan ng pagyakap sa kanya. "Hush. Ano bang pinag-iisip mo?"

"Bakit? Totoo naman 'di ba? Napahiya kita. Napahiya tayo. You won't sleep with me again." Parang batang lumabi pa si Ice.

Natawa si Will. "Seryoso ka ba sa pinagsasabi mo?"

"Kung ganoon, bigyan mo ako ng dahilan kung bakit hindi mo ako maggawang tabihan! Kung bakit pagkalabas natin ng ospital ay hindi ka man lang dumaan sa drug store at bumili ng sinasabi ng Doctor ng non-latex condom para sa round two natin?"

Lumakas ang tawa ni Will. "Napahiya tayo...and shouldn't that be enough? Kung pupunta ako sa drug store para bumili ng non-latex condom o kahit anong contraception, they would also see me almost naked. Like what the medical stuffs did! Don't you realize that, my witch?"

Napakagat labi si Ice. May punto ito. "Ngayong nakabalik na tayo at puwede ng magbihis---"

Hinawakan ni Will ang pisngi ni Ice. "Hindi pa ba mahaba ang gabing ito para sa 'yo? I want you to rest."

"I feel restless when you are around."

Will gritted his teeth. "Sine-seduce mo na naman ba ako?"

Ngumisi si Ice. "Kung ganoon ang naiisip mo."

"You're such a witch." He hissed.

Hindi pinansin ni Ice ang sinabi ng lalaki. Inilagay niya ang ulo sa dibdib nito. Pinaglakbay niya ang mga kamay sa mabalahibong dibdib nito. Tinanggal ni Will ang kamay niya.

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon