Sabotage

45.1K 747 19
                                    

IT HAD been a rough day. Kinailangan ni Will na pumunta pa sa printing press ng Limitations para malaman at ayusin ang problema. May sumasabotahe sa kompanya.

Sa nagdaang linggo ay hindi iyon ang unang beses na nagkaproblema sa printing press. Pero sa mga naunang problema ay hindi iyon binigyan ng malaking atensyon ni Will. Hangga't maaari, ayaw niyang umalis pa ng opisina. Gusto lamang niyang kasama palagi si Ice, ang nakikita ito. He was that crazy about her.

Kung tutuusin, puwede naman niyang isama si Ice. Pero iniisip rin niya ang opisina. May mga importante kasing dokumento na dumadating na kailangan ng mabilis na aksyon. Noong nakaraan kasi na isinama niya si Ice nang minsan rin siyang dumalaw sa printing press, nagkaroon nang ganoon kaya nagka-problema tuloy. Minabuti niyang iwan na lang kay Ice ang opisina, ipinaubaya ang mga importanteng dokumento rito. Sinubukan na lamang niyang tapusin ng mabilis ang problema sa printing press. Pero hindi pa rin siya naging lubos na matagumpay.

Hold ang mga deliveries ng magazine na sana ay ngayon sa iba't ibang stall. Na-delay kasi sa production---ang unang beses na nangyari sa printing press. Hindi nila sigurado kung ano ang nangyari. Oo, nagkaroon ng problema sa mga inventories nila noong nakaraang linggo. May mga supplies sa pagpi-print silang nawala. Pero lahat naman ng iyon ay naremedyuhan na. Dapat ay hindi na-delay ang production. Pang-ilan na ito kaya naramdaman na ni Will na may mali na roon.

Sabotaging. Iyon ang hula ng manager sa printing press. Iniimbestigahan na kung sino iyon, ano ang layunin ng nanabotahe na iyon. Pero ano pa ba nga ang layunin ng isang nananabotahe? Siyempre, gusto nitong sirain ang kompanya.

Kailangan nilang malaman kung sino iyon para mabigyan ng parusa.

Nasa ganoon siyang lagay nang maabutan niya si Marcelo Alfante sa opisina niya. Hindi mismo sa loob pero sa may table ni Ice. Wala naman itong ginagawa na kahina-hinala. Taimtim na nakaupo lamang ito. Pero hindi pa rin naiwasan na mag-init ng ulo ni Will.

Dati ng kakompetensiya ni Will si Marcelo Alfante sa negosyo. Ito ang major competitor, ang taong tuwang-tuwa noong muntik ng bumagsak ang Limitations. Hindi siya masisisi kung nag-isip siya ng masama nang makita ito roon, lalo na ngayong lumabas pa ang issue ng sabotaging sa kompanya.

Wala na siyang balita tungkol kay Mr. Alfante simula nang malugi ang magazine company nito ilang taon na ang nakakaraan. Ganoon pa man, hindi niya maiwasan na magduda. Paano kung ito pala ang may pakana ng lahat? Ang Limitations ang pinakananagungang magazine publishing company sa Pilipinas. Napakaliit lamang ng porsiyento sa market ng ilan pang competitors simula nang malugi ang negosyo ni Mr. Alfante. Masasabi ngang para wala na rin siyang kalaban sa industriya dahil hindi naman iyon nakakaapekto nang malaki sa Limitations.

Pero ayaw pa rin na basta-bastang gumaan ng loob ni Will. One mistake can bring everything down. Kaya minsan, kahit maliit na bagay ay talagang pinagtutuunan niya ng pansin. Kahit ang pagdududa.

"W-Will, nakarating ka na pala." Nang lingunin niya ang nagsalita ay nakita niya ang namumutlang mukha ng nobya.

Dumagundong ang puso ni Will. Bakit mukhang natatakot ito?

"I-ikaw ba ang nagpapasok kay Mr. Alfante?"

Napalunok si Ice. "Oo. Tito ko siya, Will. Kapatid siya ni Mama."

Naningkit ang mga mata ni Will. Pero hindi siya nagsalita. Pumasok siya sa opisina. Tinignan niya nang maigi iyon, sinigurado kung may nabago. Nagpunta rin siya sa kanyang mga importanteng dokumento. Tinignan kung may nawala ba roon. Everything seems to be in place pero nasa loob pa rin ni Will ang masamang damdamin.

Kung anu-ano ang pumasok sa isip ni Will. Lubos siyang nagtitiwala kay Ice. Ibinigay niya rito ang mga gawain na noon ay siya lamang ang gumagawa. May access ito sa mga importanteng dokumento.

Kapag trinaydor siya nito, maaaring ikalugi iyon ng kompanya.

"Nag-iisip ka ba ng masama?" sinundan siya ni Ice sa loob ng opisina.

"Dahil kamag-anak mo siya, alam mo naman siguro kung ano ang business niyo dati. Siya ang pinakamalaking competitor ng Limitations."

"Oo. Pero matagal na iyon. Wala na siya sa business at wala na rin siyang balak bumalik roon. Kontento na siya sa buhay niya sa Batangas."

Mataman na tinignan niya si Ice. Mukhang nagsasabi naman ito ng totoo. Pero kinakabahan pa rin siya.

Nakakatawang mas iniisip niya noon na "distraction" ang magkaroon ng sekretarya. Hanggang doon lamang ang line of thinking niya ng kasamaan na maaaring gawin ng mga ito. Hindi niya ganoong nilagyan ng pagpapahalaga ang pagtitiwala sa mga ito. Masyado rin siyang nakulam ni Ice para makuha nito kaagad iyon. Pinagkakatiwalaan niya ito nang husto. Mahal na niya ito. Kaya dapat ay pagkatiwalaan niya rin ito na hindi ito gagawa ng masama para sa kanya.

Mahal siya ni Ice. Ilang beses na nitong sinabi iyon sa kanya at pinagkakatiwalaan niya naman na totoo iyon. Bagaman may mga ilang bagay na hindi pa rin ito handa, masasabi ba niya na dahil roon, hindi siya pinagkakatiwalaan ng nobya? Palagi naman nitong sinasabi na para rin sa relasyon nila iyon.

Nagtagis ang mga bagang ni Will. "May sumasabotahe sa kompanya."

Nanlaki ang mga mata nito. "Hindi---"

Nasabunutan ni Will ang sarili. "Maliit pa lang naman na problema kung tutuusin. Pero gusto kong bigyan ng atensyon. Binibigyan ako noon ng takot at kaba. At ang nalaman ko na ito, ginugulo ako noon. Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Importante pa ba iyon? Matagal na siyang wala sa business. Mabait rin si Tito. Sa katotohanan, siya ang sumubok na magpasok sa akin sa kompanya. Kinausap niya ang HR manager na naging kaibigan niya dati para tumulong sa akin na makakuha ng trabaho."

"Hindi mo ba nakikita na puwede kong pagdudahan rin ang bagay na iyan?"

"Hindi. Wala akong ginagawang masama, Will. Alam mo iyan. Ilang buwan na akong nagtatrabaho sa 'yo. May nangyayari ba na masama---"

"Wala noon pero puwede natin na ikonsidera na kaya wala ay dahil hindi ko naman lubos na ipinagkakatiwala sa 'yo ang lahat. Pero ngayon..."

Ayaw pagdudahan ni Will si Ice. Pero maaalis ba iyon sa kanya ngayong may mga nalaman siyang iba pa palang bagay na hindi niya alam tungkol rito?

Inisip rin ni Will ang mga dati nilang pagtatalo ni Ice. Hindi ba at minsan ay ginusto na niya itong patigilin sa pagtatrabaho bilang sekretarya niya? In-offer pa nga niya na susuportahan na lamang niya ito sa buhay. Pero iginiit ni Ice na hindi. Gusto pa rin nito na maging sekretarya niya. May magandang dahilan naman ito kung bakit kaya tinanggap na rin niya iyon.

Pumasok rin sa isip ni Will ang hindi pa gustong magkaroon ng anak na issue ni Ice sa kanya. Bakit? Gagawin nga ba talaga na komplikado noon ang lahat? Gusto niyang mangyari iyon dahil gusto niyang magkaroon ng mas malaking hold kay Ice. Kapag nagkaanak siya rito, kapag pumayag ito na magpakasal ito sa kanya, hindi na ito makakawala pa sa kanya. Pero ayaw ni Ice. Maaari ba niyang kuhanin na pahiwatig iyon na hindi naman talaga ito lubos na nagtitiwala sa kanya? O hindi kaya kaya ayaw nitong mas lumaki pa ang hold niya rito dahil baka mas mahihirapan itong makawala sa kanya kapag nalaman niya ang totoong pakay nito.

Pinagkakatiwalaan niya si Ice pero hindi niya maiwasan na magulo sa mga nalaman.

"Hindi mo ako pinagkakatiwalaan." Mababakas ang sakit sa tono ni Ice. Nasaktan ito.

Nagulo lalo si Will. Hindi naman niya gustong masaktan si Ice. Pero gulong-gulo pa rin siya dahil sa mga nalaman...

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon