Candice

62K 1.1K 38
                                    


"HINDI mo dapat sinabi iyon!" pangaral ni Nina Kareene kay Ice nang ikuwento niya rito sa cell phone ang nangyari sa nakilalang chatmate sa World Chatters. Tumawag siya rito. Noong una ay naging matindi ang pananabik nito pero nang sabihin niya rito ang dulo ay naramdaman niya ang pagkainis nito.

"Eh ano ang dapat kong sabihin? Hindi ko ugaling magsinungaling, Kang."

"Hindi ka naman magsisinungaling kung sinabi mo talaga ang totoo mo na ginawa. Kung sinabi mo na kaya hindi ka nakasagot ay dahil you did what he is imagining to you, he will be more turned on!"

"Nakakahiya iyon."

"Ay naku, Chang! To think na ang saya-saya ko kanina dahil akala ko ay nag-evolved ka na. Because what you did to yourself? Pinalabas mo si inner goddess mo! Pinakinggan mo. Akala ko kinalimutan mo na ang hiya mo dahil doon."

Kahit hindi nakikita, namula pa rin si Ice sa sinabi ng kaibigan. Naalala rin kasi niya ang nangyari. Nakalimot siya. At siguro nga ay tama si Nina. Pinalabas niya ang kung ano ang sinasabi nitong inner goddess. Pinakinggan niya ang tawag ng laman niya. Hindi inisip ang hiya...kahit pakiramdam niya ay napahiya siya.

Kagabi pa nangyari ang naging usapan nila ni Liam. Kagabi, ang unang pinakaunang masasabi ni Ice na exposure niya sa kamunduhan. It was embarrassing yet she can't help but admit it was a good experience, too. Kaya lang ay sobra siyang binagabag noon. Tama ba talaga ang kanyang naggawa? Oo, nagustuhan niya ang nangyari. Pakiramdam niya ay dinala siya sa ibang mundo dahil lamang sa mga nabasang salita mula sa lalaki. Iyon ang dahilan kung bakit sinabi niya kay Nina ang nangyari. Gusto niyang hingiin ang opinyon nito. She was glad, yet, nainis ito sa nalamang huli niyang ginawa.

"Tapos na ang lahat. May magagawa pa ba ako para ibalik ang lahat? Isa pa, hindi ba dapat ay turn on iyon sa lalaki? Malinis akong babae. Hindi ba prefer nila ang mga inosenteng babae?"

"Ay naku, for light romance ka nga lang yata. Makaluma pa rin ang isip mo. Because you know, marami ng lalaki ngayon ang prefer ang may experience na babae. Mas gusto nila iyong may alam sa kama. Wild. Passionate. Hindi na uso ngayon 'yung tatanga-tanga pagdating sa kama!" pangaral muli ni Nina. "But then, kung sinabi mo kasi na itutuloy mo ang suggestion ko, edi sana binigyan kita ng tip. Magbasa ka na kasi ng erotica. Don't worry, mabilis mo lang matatapos ito. One hundred pages lang sa e-book reader ko ito."

Hindi pa man nakakasagot si Ice ay tumunog na kaagad ang notification ng Yahoo Mail niya. Nai-send na kaagad ni Nina ang e-book ng sinasabi nitong libro. "Basahin mo 'yan kung nahihiya ka pa rin naman pala. Makakatulong rin 'yan kung susubukan mo muling gawin ang ginawa mo kagabi."

"Makakasagot na ako nang ayos kay Liam kapag binasa ko ito?"

"Oo. Puwede mong i-plagiarize na lamang iyong sinasabi diyan noong babaeng bida habang nagse-sex sila ni guy. O just use the words as an inspiration. Para may ideya ka naman kung ano talaga ang nangyayari tuwing nagse-sex. Because you see, habol naman niya ay sex chat. Of course, he needs to be benefited, too. Its an interaction. Iyong ginawa niyo kasi, dirty talking lang iyon."

"O-okay. Sige. Susubukan ko na nga ito."

Dear Manang kong Puso, para lang hindi ako maging ignorante, okay?

"Good! Pero kung gusto mo, puwede rin naman tayong mag-meet up. Puwede kitang bigyan ng lectures about that. Or mas better yata kung pumunta na lang ako diyan sa apartment mo. Ako na lang ang makikipag-chat kay Liam!" humagikgik ang kaibigan pagkatapos.

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon