Revealed

69K 1K 32
                                    

"WHAT are you doing, Tito Liam?"

Mula sa kinauupuan ay muntik nang maibagsak ni Will ang nasa kandungan na laptop. Kinagat niya ang kanyang labi, pinilit na alisin ang ngiwi dahil sa disappointment na pumasok sa kalooban niya nang makita ang pamangkin na lumapit sa kanya. Hindi man niya gusto, kinailangan niya rin na ibaba ang screen ng kanyang laptop. Marunong ng magbasa ang anim na taong gulang niyang pamangkin na si Winona. Kapag nabasa nito ang mga hindi nararapat para sa edad nitong isinusulat niya sa pamamagitan ng kanyang laptop ay malaki ang tsansa na maalala nito iyon. Nasa stage na ito na curious sa lahat ng bagay. Siguradong malilintikan siya kapag humingi ito ng paliwanag kapag nabasa nito ang mga sinusulat niya.

"Just...that." nginitian ni Will si Winona. Pinalapit niya ito sa kanya. Niyakap at hinalikan. "Happy Birthday, princess."

Nagpasalamat ang munting prinsesa ng kanilang pamilya. Pero hindi pa rin naalis ang curiousity nito. Tumingin ito sa laptop niya. "You're working, Tito?"

"No. You do know I don't work at home. Lalo na at birthday mo pa. May inaasikaso lang akong personal matters."

Hindi ako magaling magsinungaling, pamangkin. So please stop your curiousity! Wika ni Will sa loob-loob niya.

"Personal matters like?" hindi pa rin nagpapigil si Winona.

"Personal matters na hindi naman ganoon kaimportante at bawal mong malaman." Nginitian niya ito, trying to ease her and take away her curiousity. Nagpalit rin siya ng topic. "Nasaan na ang playmates mo?"

"Pinaalis ko na po. Sabi po kasi ni Mommy, kaya ka nagla-laptop dahil nabo-bored ka. Hindi daw po kasi kita inaasikaso."

"Oh... ako talaga ang paborito mong Tito, ha?" hinalik-halikan niya ang pamangkin.

"Of course! Wala naman siyang choice, eh." Wika ng tila may ESP na kapatid niyang si Patricia. Nakalapit na rin ito sa kanya.

Nang mamatay ang ina ni Will pitong taon na ang nakakaraan, ang nakatatandang kapatid niyang si Patricia at ang ngayon na pamilya nito ang tinuturing na lamang niyang pamilya. Not his father...not of course him.

Iniwan na sila ng kanyang ama. Simula nang mag-resign ito sa Limitations, sumama na ito sa babae nito, ang dating sekretarya. Simula noon, wala na siyang pakialam rito. Ganoon rin naman ito sa kanya. Ni hinayaan na nga lamang nitong pamunuan niya ang Limitations na ito ang dating presidente. Pero kung may maganda man na idinulot ang ginawa nito, iyon na siguro iyon. Dahil sa kanya, hindi nasayang ang Limitations---ang kompanyang minana pa ng ama sa Lolo niya. Dahil sa kanya, mas gumanda pa ang Limitations.

Nag-iisang kapatid lamang ni Will si Patricia. Pero kahit mas matanda ito sa kanya, hinayaan nitong siya ang mamuno sa Limitations. Mas may alam siya sa business dahil business management graduate siya samantalang ito ay fashion design. Nag-aral pa ito sa ibang bansa para roon. Hindi naman nito gustong sayangin nito iyon para pamahalaan ang isang business na hindi nito passion. Ni isang beses ay wala siyang nakuhang pakikialam rito sa pamamahala niya ng Limitations. Kahit isang beses ay hindi man lang siya nito nagtangkang tanungin tungkol roon o kahit ang bisitahin siya sa opisina. Wala itong pakialam sa business ng pamilya dahil mayroon rin itong sariling business. Nagmamay-ari ito ng sikat na fashion boutique na ngayon ay may limang branches na sa mga sikat na mall sa Pilipinas.

"Hey," Bati ni Will sa kapatid. Hinalikan niya ito sa pisngi upang dagdag bati. Tinapik naman niya sa balikat ang asawa nitong si David. "Hindi na busy?"

"Hindi naman talaga kami busy dahil may organizers ang party ni Winona."

"Really? Ang akala ko ay busy kayo sa party---"

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon