Chapter 2

1.1K 22 0
                                    

Chapter 2

Napahinto ako sa ginagawa nang marinig ang katok sa pinto. Kahit hindi ko pa sinasabing pumasok ay nakapasok na ito sa kwarto ko.

Napairap ako sa hangin nang ngumisi sa'kin si Kuya Kien. Mas lalo akong napasimangot. Bakit ang gwapo ng lalaking 'to? Samantalang ako wala man lang sa kalingkingan niya.

Kapatid ko ba talaga 'to?

"How's my dear pretty little sister?" tila nang-aasar pa ang tono nito. Lumapit siya sa sofa at prenteng umupo roon na para bang pagmamay-ari niya.

"I'm good, brother. Still beautiful as always,"I rolled my eyes on him. Kesa sa mainis sa kanya ay sasakyan ko na lang ang trip niya sa buhay.

He laughed so hard. "Beautiful as always, hm? Nice! Since maganda ka palagi, napansin ka na ba ng crush mo?" Nanlalaki ang ilong ko dahil sa galit nang nilingon ko siya. Sinamaan ko rin siya ng tingin.

"You know what Liyah, honestly, you're beautiful. Walang pangit sa mga Perez lahat may itsura... ikaw lang yata ang pinagkaitan," muli na naman itong tumawa.

Kung nakakamatay lang ang tingin ko, siguradong bumulagta na sa sahig ang lalaking 'to.

Badtrip na nga ako dahil sa nangyari kanina, mas lalo lang akong nababadtrip dahil sa kuya kong ito.

"Umalis ka na nga dito. Inaasar mo lang ako!" nakasimangot kong sambit habang itinuon na lang ang atensyon sa binabasa.

He chuckled, "honestly speaking, Liyah. Hindi na 'to biro. Maganda ka naman talaga just a liitle bit fixing in your face, mas lalo kang gaganda."

Fixing? Anong akala niya sa mukha ko may sira? Utak niya siguro may sira.

"No need to compliment me, my dear brother. Matagal ko ng alam na maganda ako. Don't state the obvious, duh!" Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko.

Napatabon pa ito sa kanyang bibig para pigilan ang tawa. Sige tawanan mo lang ako, pag ako gumanda ng bonggang bongga. Who you ka sa'kin.

Palagi ko na ngang dina-down ang sarili ko dahil sa pinagkaitan ako ng ganda. Magpapa-apekto pa ba ako sa iba? No way! Ako lang ang may karapatang laitin ang sarili ko.

Bigla kong naalala 'yung tinawag sa'kin ni Andrew na creepy ugly stalker. Hindi na yata mawawala sa isip ko 'yon. Hayst! Kung kailan namang gustong gusto ko na siya saka naman niya ako sasabihan niyon. Ang sakit kaya!

"Kuya..." nakatulala lang ako sa hangin. Nagtataka namang nakatingin sa'kin si Kuya.

"Pangit ba ako?"

Napatabon siya sa kanyang bibig, halatang pinipigilan ang tawa saka tumikhim at sumeryoso ang mukha. Alam ko namang tawang tawa na siya sa sinabi ko.

"Gaya nga ng sabi ko Liyah, maganda ka. Kapatid kita kaya maganda ka, okay? Huwag mo ng pagdudahan ang itsura mo," seryoso nitong sabi.

"So kung hindi mo ako kapatid, hindi ako maganda? Ganoon ba iyon?" I heard his low chuckled.

"No! That's not what I mean."

I sighed heavily. Bakit ba ako nagtatanong sa lalaking 'to tungkol sa itsura ko? Alam ko namang pinagti-tripan niya lang ako ngayon.

"Kuya..." mahina kong tawag sa kanya. Nakatingin ito sa'kin. Hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Ano ba ang kadalasang gusto ng mga lalaki sa isang babae?" I asked.

Baka sakaling may detalye akong magamit para kay Andrew. Kahit alam ko naman anong gusto niyang babae.

"Hm. Syempre maganda, kahit hindi man natin aminin, tumitingin pa rin tayo sa kagandahan ng panlabas. Hindi ko nilalahat pero, kadalasan sa mga lalaki iyon ang hanap. Sunod ay babaeng magaganda ang pigura, mas nakaka-attract kung maganda ang hubog ng katawan, bonus na lang kung makinis at maputi. Sunod ay ang height, 'yung ibang lalaki gusto 'yung maliit sa kanila 'yong babae para madaling matiris kung susuway. Sunod ay ang malaki ang—"

"Hep! Hep! Tama na, ideal girl mo lang ang sinasabi mo, kuya."

Muli akong napatanaw sa malayo. Siguro kung maganda ako, dati pa ako napansin ng crush ko. Reality really sucks!

Naramdaman ko ang pag-galaw ng kama kung saan ako nakaupo. Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit ni Kuya. Marahan nitong pinatong ang kamay sa ibabaw ng ulo ko saka ginulo iyon. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngiti lang ginanti nito sa'kin.

"A guy who doesn't accept your imperfection, will never be a man who deserve you. Don't worry Liyah, you'll be happy soon," marahan niyang hinalikan ang ulo ko saka ngumiti bago ito naglakad ng dire-diretso, hanggang sa makalabas ng kwarto ko.

Muling tumahimik ang buong silid.

Kuya Kien may be annoying sometimes but the truth is he's really sweet.

Napaigtad ako ng malakas na tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko iyong kinuha sa bedside table. Napairap ako sa hangin ng makita kung sino ang tumatawag.

"Yes, hello?" walang gana kong sagot dito.

"Hi, Aaliyah. Ahm, naibigay mo na ba sa kuya mo 'yung gift ko sa kanya?" napairap muli ako sa hangin ng marinig ang maarteng boses sa kabilang linya. It's Syha Monti one of my Kuya's admirer. Kakakilala lang namin few days ago, alam ko namang kaya niya lang ako kinaibigan dahil sa kuya ko. Para makalapit siya sa mga ito. If I know tuwing nakatalikod na ako ay purong panlalait lang ang sinasabi nito sa'kin.

"Yes, naibigay ko na," but the truth is... tinapon ko agad iyon nang makitang isang mamahaling sneakers ang regalo niya para kay Kuya Kien. Anong akala niya sa'min hindi maka afford ng mamahaling sapatos?

"Good, thank you Aaliyah," hindi na ako nag-abalang sumagot pa. Papatayin ko na sana ang tawag ng magsalita ito muli.

"Ahm, are you free this saturday?" tumaas ang isang kilay ko.

"Yes, why?"

"May party sa house namin sa sabado. Ahm... you can come here with your Kuya Kien," narinig ko ang pigil nitong kilig sa kabilang linya.

"Busy si Kuya Kien, kaya ako na lang ang pupunta," sinakyan ko ang trip ni Syha. Alam ko namang hindi niya ako iimbitahin ng hindi ko kasama si Kuya.

Natahimik ng ilang segundo ang kabilang linya.
"Ah ganun ba. Naku, huwag ka na lang pumunta mukhang hindi matutuloy Aaliyah, e." muntikan na akong matawa sa sagot nito. See, ang pepeke ng mga bwisit na 'to. Nakakadagdag badtrip!

"Bakit naman?" pinalungkot ko ang boses ko.

"A-Ano kasi... h-hindi pumayag si Daddy. Oo, hindi siya pumayag!" tuluyan na akong sumabog.

"Alam ko namang kinaibigan mo lang ako dahil kay Kuya Kien, Syha. Ang kapal ng mukha mong babae ka! Akala mo kung sinong maganda peke naman ang ilong. Huwag na huwag mo ng guguluhin ang kuya ko dahil ako ang makakalaban mo! Tatanggalin ko yang ipinatong mo sa ilong mo para bumalik 'yan sa dati! Tse!" mabilis kong binaba ang tawag. I even blocked her number para hindi na makatawag pa.

Isa lang 'yan sa maraming babae na nagkakagusto sa mga Kuya ko. Kaya minsan tuwing may babaeng nakikipagkaibigan sa'kin. Pinagdududahan ko agad na may gusto sa isa sa mga kuya ko. Kaya nga si Bella lang ang naging tunay kong kaibigan kasi hindi naman siya nagkagusto sa kuya ko. Naiinis pa nga siya minsan sa mga ito.

Pabagsak akong naupo sa kama. Muli na naman akong natulala. Ako kaya? Kailan matatapos itong pagkagusto ko kay Andrew?

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now