Chapter 26

713 24 0
                                    


Chapter 26

Nakatanaw lamang ako sa kalangitan ngayon. Nagkikislapan ang mga bituin na ikinagaan ng pakiramdam ko. Napakagandang pagmasdan ang milyon milyong mga bituin sa kalangitan habang narito ako sa balkonahe ng kwarto ko.

Siguro kung mabubuhay ako sa ibang katayuan gusto kong maging bituin. Gusto kong magbigay liwanag sa madilim na kalangitan.

Gusto kong ipakita sa mga taong humaharap ngayon sa malalaking problema na kung naiisipan na nilang sumuko, tumingin lamang sila sa bituin. Hindi man mababawasan ang problema na kinakaharap. Tumutulong naman para linisan ang isipan at ipahatid na kahit sa anumang madilim na problema dapat hindi sumuko.

"Lalim ng iniisip mo, ah." Napatingin ako sa aking likod ng marinig ang tinig ni Mommy. Marahan siyang ngumiti saka lumapit sa akin.

"Anong iniisip ng sweetie pie ko?"

"Tungkol lang po sa mga bagay bagay." Ngiti ko rito. Hinawakan naman ni Mommy ang kamay ko na nakapatong sa rehas saka ang isa niyang kamay ay pumulupot sa aking balikat habang nakaharap kaming dalawa sa nagkikislapang kalangitan.

"Napakasaya ko dahil lumalaki na ang sweetie pie ko. Napakabilis ng panahon. Dati nakasuot ka pa ng eyes glass, buhaghag ang buhok at walang kaayos-ayos sa mukha. Ngayon kahit simple lang ang pananamit ay maganda na. Nagdadalaga na ang sweetie pie ko. Baka sa susunod nito magdala ka na ng asawa dito sa bahay." Sambit ni Mommy. Napangiti naman ako saka yumakap sa kanyang beywang.

"Ganyan naman po talaga 'yon, e. Kung gusto nating pabilisin ang oras saka naman babagal. Tuwing gusto naman nating pabagalin ito ay saka naman bibilis. Katulad na lang ngayon gusto kong mas patagalin pa ang oras. Gusto ko pang manatili dito upang ipagpatuloy ang pag-aaral kasama si Bella. Ngunit napakabilis tumakbo ng oras, e. Isang buwan na lang gagraduate na kami." Hindi ko mapigilang malungkot. Kakaunting oras na lang at magiiba ng kami ng landas na tatahakin ng bestfriend ko na si Bella.

"Mommy. Kahit ano pong mangyari, hindi po ako mag-aaral sa ibang bansa. Hindi ko doon ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Gusto ko pa rin po dito. Ayokong mapalayo sa inyo at sa mga kaibigan ko na napalapit na sa akin." Bigla kong naisip si Andrew. Hindi man naging maganda ang una naming pagkikita, umaasa pa rin ako na mayroon akong kahit na maliit na puwang sa kanyang puso.

I stopped stalking him nang tanggalin na niya ako sa pagiging slave niya. I just realize na hindi pala talaga maayos sa babae ang ginagawa ko. Nakahit saan siya magpunta ay nakasunod ako. It's as if I'm taking his privacy away from him.

"I understand, sweetie pie. And I know your Dad will understand too." Napangiti ako saka mas lalong hinigpitan ang yakap ko kay Mom. Naramdaman ko namang hinalikan niya ako sa aking ulo.

"I love you, Mom."

"I love you, too, My sweetie pie." Natulog ako ng magaan ang pakiramdam at may ngiti sa labi dahil sa naging pag-uusap namin ni Mommy.

*****

Nakaupo lang ako sa bench mag-isa. Nagre-review para sa nalalapit na final-exam. Maaga pa kaya wala pa sina Bella at Axel. I texted them na dito sila dumiretso na sinang-ayunan nila.

Mayroon na ring mga estudyante na naglalakad papasok, nakaupo sa bench katulad ko at ang iba naman ay nagkukwentuhan.

Yumuko muli ako upang makafocus sa pagrere-view ng mga notes pero na disturbo ang ginagawa kong iyon ng magtilian ang mga babae na nasa kabilang lamesa. Kaniya-kaniya silang nakatingin sa phone nila. Ang reaksiyon ng iba ay dismayado ang iba naman ay masaya. Na ipinagtaka ko. Halos lahat rin ng dumadaan ay nakatutok sa kanilang phone.

Binukasan ko rin ang phone ko at nag log-in sa isang social media. Pero bago ko pa magawa iyon ay napatingin ako kumakaripas na takbo ni Axel habang hawak rin ang kaniyang phone.

Hinihingal siyang napahinto sa tapat ng lamesa ko at huminga para pakalmahin ang sarili. Binigyan ko rin siya ng tubig na agad niyang ininom.

"Bakit ka ba nagmamadali kasi." Singhal ko sakanya.

Napatingin naman siya sa phone niya saka itinapat ito sa mukha ko.

Napahinto ako ng makita kung sino iyon.

Andrew and Xylene

May iba't ibang kuha ng litrato. Ang isa ay nakahalik si Andrew sa pisngi ni Xylene, magkaholding hands sila, nakapiggy-back ride si Andrew kay Xylene at marami pang sweet post na masakit sa mata... at puso.

Ang caption na nasa taas ay
'I'll never let you go again this time' marami ng likes, comments at shares kahit 1 hour ago pa naupload ni Andrew.

Hinawi ko ang kamay ni Axel na may hawak na phone saka napayuko.

Sabi na nga ba, e. Magkakabalikan rin sila. Haha.

Kusang tumulo ang luha ko na parang gripo. Tuloy-tuloy walang tigil. May napatingin na sa akin at nagtataka kung bakit ako umiiyak kaya mabilis niligpit ni Axel ang gamit ko saka hinila sa tagong lugar. Napansin kong sa garden niya ako dinala.

Umupo ako sa bermuda grass saka doon ipinagpatuloy ang pag-iyak.

"I lose, Axel. I lose!' humahagulgol na sabi ko saka tinabunan ang mukha gamit ang kamay ko. Ang tinutukoy ko ay ang deal namin ni Axel. Kahit alam kong malabo pa sa sikat ng araw na magkagusto sa akin si Andrew sumugal pa rin ako. Sumugal pa rin ako dahil tanga ako. Tama nga si Andrew vovo ako! Vovo!

Naramdaman kong umupo rin si Axel sa tabi ko. Walang siyang sinasabi at tahimik lang niyang hinaghagod ang likod ko.
"Axel. Napapagod na ako humanga sa taong walang pake sa akin. Napapagod na akong magpanggap na wala lang pero ang totoo ay meron naman talaga. Napapagod na akong gawin ang bagay na dati ikinasasaya ko at higit sa lahat--pagod na akong masaktan." Gumagaan naman kahit papano ang nararamdaman ko dahil sa marahang haplos ni Axel sa likod ko.

Ramdam ko kasi na kahit wala na talagang kahit ano man sa pagitan namin ni Andrew, nandito naman si Axel para pagaanin ang loob ko. He's like a brother to me. Ganito kasi 'yung Kuya Aijan at Kuya Kien ko. Kahit over protective ang mga iyon sa akin napapagaan naman nila ang loob ko sa pang-aasar at pagpapatawa nila sa akin tuwing masama ang loob ko. And I like Axel to be my brother too. I hope we stay like this forever.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko saka marahang ngumiti kay Axel.
"Thank you so much, Axel. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka ngayon sa tabi ko. Hindi ko na rin alam kung paano ka pasasalamatan sa kabaitan mo sa akin."

Ngumiti siya sa akin saka ipinatong ang kamay niya sa ulo ko para guluhin ito. "Your smile is enough for me." Kindat niya pa.

"Since I lose in our deal. Ngayon mo na sabihin sakin kung anong gusto mong gawin ko sayo dahil nanalo ka."

Napangiti naman siya ng tipid.

"I want you to heal your own broken heart. I want you to move on, Aaliyah. If you needed me, you can use me. I'm willing to be your rebound." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Matagal akong napatitig sa kanya.

Naghihintay ng kadugtong na nagbibiro lang siya. Pero wala akong narinig mula sakaniya. He also stare at me pinapantayan ang intensity ng paninitig ko sakaniya. Seryoso siyang nakatingin sakin so I think hindi talaga siya nagbibiro sa sinasabi niya.

"Bakit mo ginagawa 'to, Axel? Bakit gusto mong gawin kitang rebound?" Seryoso lang siyang nakatingin sa akin ng ilang segundo.

"Hindi pa ba obvious na gusto kita, Aaliyah? I like you not as a friend, not as a sister but because you are you." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. A-axel likes me? How come?

My heart ache. Nasasaktan ako para kay Axel 'cause I know I may not be able to return his feelings for me. I like him as a brother but I like Andrew as a man. Hindi ganoon kadali mag move on. It takes time. It takes process.

"I know that looks, Aaliyah. I'm not waiting something in return, okay? I just want you to be happy, and I'll be happy too." He smiled... but it didn't reach his eyes.

My heart ache painfully for him.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now