Chapter 4

872 28 0
                                    

Chapter 4

Halos dalawang araw rin ang nakalipas simula nang maging slave ako ni Andrew. Nakakapagod pero at least, sa wakas alam ko na ang cellphone number niya. Hindi pa rin kami nagpupunta sa condo niya dahil may ginagawa pa daw siya.

Sinabi rin niya na may mga rules na kailangang sundin, sasabihin niya kung naroon na kami sa condo niya dahil naroon ang patakaran.

Minsan minsan ay nakakatanggap ako ng text messages sa kanya. Mga pasikretong utos katulad na lang ngayon.

From: Andrew
Bili mo ako ng bottled water sa cafeteria, place it in my usual place. You only have five mins. to do it. 'Pag hindi mo nagawa patay ka sa'kin.

Kahit iyon lang ang text niya ay hindi ko mapigilang mapangiti. Mabilis kong isinukbit ang bag ko sa balikat, paalis na sana ako ng pigilan ako ng nagtatakang si Bella.

"Saan ang punta mo? Iiwan mo 'ko dito?" magkasalubong ang dalawa nitong kilay. Malapad akong ngumiti sa kanya.

"May bibilhin lang ako sa cafeteria, saglit lang talaga 'to," naguguluhan pa rin ito habang nakatingin sa nakangiti kong mukha. Wala lang, masaya lang ako.

Binitawan rin naman niya agad ako kaya mabilis akong tumakbo papunta sa cafeteria, muntikan pang mahulog ang eyeglass ko sa pagmamadali buti na lang at nasalo ko agad. Mabilis lang akong nakabili dahil kakaunti lang ang bumibili.

Habang bitbit ang bottled water ay hindi ko mapigilang mapangiti habang papunta sa sinasabi niyang usual place. Kaming dalawa lang ang nakakaalam sa usual place na sinasabi niya.

Sa likod iyon ng locker room, walang gaanong pumupunta roon kaya siguradong walang makakakita sa'min ni Andrew.

May mga upuan rin na nakapalibot sa puno na gawa sa semento. Hindi gaanong napupuntahan ang lugar na ito dahil malayo sa mga classroom.

Naroon na siya at prenteng nakaupo a isang upuan. Naka crossed arm ito at magkasalubong ang dalawang kilay. Mabilis akong napatingin sa relo ko, wala pa naman sigurong limang minuto 'diba?

Mukhang kagagaling lang niya sa pagpa-practice ng basketball dahil nakasuot pa siya ng jersery short saka isang plain white v-neck shirt.

Wala bang tubig doon? Bakit ako pa ang pinabibili niya?

Masama ang tingin na pinukaw nito sa'kin ng makita ako. He walked near me before he took the bottled water in my hand. Mabilis niyang ininom iyon.

Napalunok ako sa laway nang makita kung paano magtaas baba ang adams apple niya. Parang nauhaw rin yata ako. Napakurap ako ng ilang beses.

Kalahati na ang tubig ng matapos siya. Wala sa sariling inilahad ko ang kamay sa harap niya.

"What? Inuhaw ka rin?" pang-aasar nito. Mabilis akong napailing habang tumatawa ng pilit. Minsan talaga gumgalaw ang katawan ko ng wala sa kontrol ko.

"H-hindi ano... ano kasi.... bayad mo! Oo bayad mo sa bottled water. Mahal kaya iyan, wala ng libre ngayon," tinaasan niya ako ng kilay bago inihagis sa'kin ang bag niya na nakasukbit kanina sa balikat niya.

Naguguluhan akong napatingin sa kanya.
"Kunin mo wallet ko nand'yan," irap nito bago muling uminom ng tubig.

Patago akong napangiti. Kung may makakakita sa'min ngayon, aakalain sigurong may relasyon kami. Hindi ko mapigilang kiligin.

Ilang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa kaya amoy na amoy ko ang napakabango niyang amoy. Kahit pawisan pa ay ang bango pa rin niya! Pasimple ko siyang sininghot habang kinukuha ang wallet niya sa bag.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now