Chapter 10

810 16 0
                                    


Chapter 10

Kinabukasan ay alas nuwebe na ng umaga ako nagising. Napagod talaga ako kahapon sa paglilinis sa condo ni Andrew.

Naligo at nagbihis lang ako bago ako bumaba ng kwarto para mag-almusal. Gutom rin ako ngayon dahil hindi ako nakakain ng hapunan kagabi dahil nga sa pagsisinungaling ko na pinakain ng ako sa bahay nila Eya kagabi kahit ang totoo ay wala naman talaga akong kaklaseng nagngangalang Eya.

Napatigil ako sa paghakbang pababang hagdan ng tumunog ang cellphone ko. Hindi ko mapigilang mangiti ng mag-popped up ang pangalan ni Andrew.

From: Andrew
Morning, are you going here in my condo?

Mabilos akong nagtipa ng mensahe.

To: Andrew
Sorry, I can't go there. My brothers will surely won't allow me to go outside.

Pwede pa rin naman akong magpalusot na may gagawin ulit ako para payagan nila pero dinadagdagan ko lang ang kasalanan ko kaya bukas na lang ako babawi kay Andrew.

Wala na akong natanggap na mensahe muli sa kanya kaya tuluyan na akong nakababa. I saw Kuya Kien sitting in our sofa with laptop in front of him, si Kuya Aijan naman ay may ginagawang project yata nila.

Bumati lang ako sa kanila saka dumiretso na sa kusina para kumain.

Kuya Kien was a fresh graduate. He's still confused now, whether he'll stay here in the Philippines or help our relatives in the US to manage our family company there. Some of our relatives moved out in the US. Dad were also planning to migrate us, but I don't know what stopping him. Kuya Aijan is graduating in college this year, ako naman ay ga-graduate na rin ng senior high ngayong taon.

"Liyah, Bella's here!" napukaw ang diwa ko sa pag-iisip nang marinig ang sigaw ni Kuya Aijan mula sa salas. Kasunod niyon ay ang nakangiting si Bella na pumasok ng kusina. She smiled when she saw me. Nakalimutan kong sabihing, kapitbahay lang kami ni Bella kaya mabilis siyang nakakapunta rito at kilala siya ng pamilya ko.

"Anong ginagawa mo dito?" salubong ko rito habang kumakain.

"Pumunta ako dito kahapon pero sabi ni Tita wala ka daw dahil may ginawa kang report para sa lunes. Seriously? Baka nakakalimutan mong classmate tayo? And If I remember it right, walang reporting ang pinagawa sa'tin," tinaasan ako nito ng kilay habang nakapamewang sa harap ko. Mabilis akong tumingin sa bukana ng kusina baka may makarinig sa sinabi niya.

Hinila ko siya paupo sa gilid ko. Pwede ko kayang sabihin kay Bella ang totoo? I think I should ask Andrew.

"Don't say it out loud. May pinuntahan lang ako kahapon, iyon ang ginawa kong palusot." I heard her chuckled.

"Seriously, Aaliyah? Magsisinungaling ka na nga lang hindi pa gaanong katibay. Paano kung tinanong ako ng parents mo tungkol  sa reporting na sinasabi mo? Edi na buking ka!" bulong nito sa'kin.

Pinatahimik ko muna siya habang nagtitipa ng mensahe kay Andrew

To: Andrew
Andrew can I tell to my bestfriend what's happening between us?

Naghintay ako ng ilang minuto sa reply pero tawag ang natanggap ko sa mula rito. Sabay pa kaming napatingin ni Bella sa cellphone ko na nakapatong sa lamesa nang tumunog ito.
Napasigaw si Bella sa gulat ng makita ang rumehistrong pangalan sa cellphone ko kaya mabilis ko siyang pinatahimik bago sinagot.

"Hello?"

"Hmm...".

"Ahm... Andrew pwede ko bang sabihin sa kaibigan ko? I can't lie to her. I can't keep a secret from her."

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Kde žijí příběhy. Začni objevovat