Chapter 1

2.6K 33 1
                                    


Chapter 1

Hindi ko alam pero nang mapatingin ako sa direksyon niya ay kusa akong napangiti. He's wearing a complete uniform that makes him look neat. I examined his appearance. He looked so majestic from his disheveled hair, thick eyebrows, pointed nose, his jet black eyes down to his rosy lips. They're just too perfect for my sight. Kailan ko kaya siya mapagmamasdan ng malapitan?

Minsan kasi naaawa na ako sa sarili ko dahil hanggang tingin na lang ako sa kanya mula sa malayo.

"Ano, Aaliyah? Mag-aala spy ka na naman ba ngayon sa lalaking yan, ha?" reklamo sakin ni Bella, halata sa tono ng boses nito na naiinis na siya sa ginagawa ko ngayon. Nilapit ko ang hintuturo ko sa labi nya para patahimikin sya. Ang tinis ng boses, baka marinig pa kami ng sinusundan ko, mahirap na.

Nandito kami ngayon sa library. Hindi lang para makita ang kinahuhumalingan kong mukha ng aking crush, para na rin bantayan siya sa mga linta na baka bigla na lang sumulpot.

I knew his family background, who wouldn't? Sikat ang pamilya nila dahil sa successful ang business. I also knew his social media accounts dahil palagi akong nakasubaybay rito.

Mapa instagram, twitter or facebook pa yan lahat na follow ko na but sad to say he didn't knew that I exist.

Naging admin at creator rin ako ng facebook page ni Andrew mahigit 1k ang nagfollow sa page na 'yon. Doon ko mapagtanto na napaka layo pala talaga ni Andrew abutin.

Isipin mo napakaraming humahanga kay Andrew tapos kung magiging kami parang ang pangit pakinggan at napaka-imposible pa. Hindi sa dino-down ko sarili ko I just find it very impossible kaya hindi na ako aasa na mapansin pa niya. Ayos na ako na makita siya.

Since we're still in Elementary minsan ko na siyang naging classmate at kadalasan schoolmate lang kami pero hindi nya man lang ako napapansin. Sino ba naman kasi ang makakapansin sa itsura kong 'to? Sabog na sabog ang buhok, naka big glasses at hindi gaanong kaputian.

I'm not good looking like the other girl on my age. Hindi naman kasi ako sanay gumamit ng kahit anong mga cosmetic. Bella was really fond of collecting make-ups and skin care products... but I'm not. She actually want to teach me but I don't have a time for that. Kay Andrew lang ako may time.

Kaya hindi na kataka-taka na isa ako sa mga nobody na estudyante sa campus na 'to. I even hate joining a quiz bee or any other club that were crowded. I just hate attention so much.

"Haysst. Aaliyah Blaire Perez kailan kaya mauuntog 'yang ulo mo? Para magising ka na sa kabaliwan mo na 'to?" Maktol na tugon nya kaya sinenyasan ko syang tumahimik. Ang lakas talaga nang boses ng babaeng ito!

Siya si Ashleigh Bella Adler Magkaibang magkaiba kami ng personalities at syempre ng mukha. She's pretty unlike me. Ewan ko nga ba kung bakit kami naging magkaibigan kami ni Bella. Hindi ko alam paano nabuo ang friendship namin ngayon.

"Geez. Mauubos na lang yung oras natin kaka-bantay sa lalaking yan. Hindi ka ba tinatablan ng gutom? Ako kasi nagugutom na!" sarcastic na pagkakasabi niya. Thirty minutes left magsisimula na muli ang klase pero hindi pa rin kami naglalunch. Napabuntong hininga na lang ako saka nauna nang maglakad palabas ng library. Ayoko namang gutumin si Bella 'no dahil lang kay Andrew Stanler.

"Salamat naman." Pabulong na sabi ni Bella pero hindi nakatakas sa pandinig ko.

Mabilis dumaan ang mga oras, uwian na at syempre dating gawi babantayan ko ulit si Andrew... nang palihim, as usual. Gusto ko pa sanang sumama ni Bella pero hindi ko na lang siya pinasama dahil alam kong magmamaktol na naman 'yon kung matatagalan ako sa gagawin ko.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now