Chapter 17

683 15 0
                                    

Chapter 17

"A-andrew" I blurted, still stuttering. Bigla tuloy akong natakot sa tingin ni Andrew. Para akong nililitis ng mga tingin niya.

His eyes diverted beside me, looking at Axel with his eyebrow furrowed then he looked at me again.

"Umayos lang ang kaunti ang itsura mo, may umaaligid na agad sa iyo. That's good," he said then face his back on us before walking away. I don't know if it was sarcastic... or not.

Tumingin muna ako kay Axel nanghihingi ng permiso kung pwede ko bang sundan si Andrew. Mukhang naintindihan naman niya ang ipinahihiwatig ko dahil ngumiti siya ng tipid saka marahang tumango.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at tumakbo agad ako sa direksyon kung saan naglakad patungo si Andrew. Luminga linga ako sa paligid. Nakita ko siyang prenteng nakasandal sa isang puno pero hindi siya nagiisa sa naabutan ko. Napatigil ako sa paghakbang nang makilala kung sino ang kasama niya.

He's with Xylene, his ex girlfriend.

Napahawak ako bigla sa aking dibdib ng maramdamang kumirot iyon. Bakit ko nga ba sinundan si Andrew?

Wala naman akong dapat ipaliwanag sa kanya tungkol sa amin ni Axel. Dahil wala naman talagang relasyon sa pagitan namin ni Axel at mas lalong wala ring namamagitan sa amin ni Andrew. Hindi porket pinakilala niya na ako sa parents niya bilang girlfriend niya ay girlfriend niya na talaga ako.

I think I have to remind myself again that we're just prentending that time. Wrong assumption can really lead to a broken heart.

Napangiti ako ng mapait. I heard them talking so happily, instead of watching their fun talk I turned my back on them. I'm not a masochist. I know where and when to stop.

Siguro nagkabalikan na sila. Well, good for them.

NAKATINGIN lang ako sa malayo buong klase namin sa subject na 'yon. I just didn't feel listening. My mind is occupied with Andrew in my head. Malala na nga siguro ako.

"Tahimik natin, ah?" I sighed. Mukhang hindi pa nakakalipad ang balita na nagkabalikan na si Andrew at Xylene. Balita ko dati ay lumipad ng ibang bansa si Xylene para doon ipagpatuloy ang pag-aaral niya. Kung ganoon bakit nandito siya ngayon? Bakit bumalik pa siya?

"Huh?" Balik tanong ko kay Bella na ngayon ay naka crossed arm sa harapan ko habang nakataas ang kilay.

"Aaliyah, earth 'to! Earth 'to! Kung saan saan lumilipad ang utak mo. An'yare ba?" Ngumiti lang ako ng tipid kay Bella. Wala ako sa mood ngayon makipag-asaran kay Bella.

"Aaliyah! Bella!" Narinig naming may tumawag mula sa likod namin. Sabay kaming lumingon ni Bella at nakita namin si Axel na nakangiting kumakaway sa amin. I'm not really used to look at Axel's smiling face. Nakakapanibago talaga. He used to be quiet while reading ton of books para na nga siyang may sariling mundo noon, e.

"An'yare kay Axel? 'Diba snob ang isang 'to dati? Bakit ngayon namamansin na?" Biglang tanong ni Bella. Siya rin siguro ay nahihiwagaan sa pagbabago bigla ni Axel. Lahat naman siguro ng makakapansin nang pagbabago ni Axel ay magugulat talaga.

"I don't know. Let's wait him to open up to us,"

"Pauwi na ba kayo?" biglang singit ni Axel kaya sabay kaming napatingin ni Bella sa kanya.

"I still have to pass this papers to Mr. Bernal, and then may pupuntahan ako bago umuwi sa amin," saad ko saka itinaas ang papel na kailan kong ipasa sa isang subject teacher namin.

"Then, I'll company you to Sir Bernal," ngiti ni Axel. He's actually good looking. Typical baby face but still look cool.

"Ehem." Sabay kaming napatingin ni Axel kay Bella na ngayon ay naka crossed arm na.

"Baka naman gusto niyo akong isali sa usapan at titigan niyo." Kunyari ay nagmamaldita niyang sabi pero ang totoo ay nang-aasar lang ang isang 'to.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Axel. "Sorry,"

"Teka nga, Axel. Ano bang nakain mo at lumabas ka na sa sarili mong mundo? Nakakapanibago ka, ah." Napasapo ako sa mukha nang marinig ang tanong ni Bella habang nilalakbay namin ang kahabaan ng corridor papunta sa office ni Sir Bernal. I just told her to wait for him to open up, but then there she is asking why did he change suddenly.

"Sorry if you still feel uncomfortable with me. I just realize na mas sasaya ang high school life ko kung makikipag kaibigan ako. 2 months na lang gagraduate na tayo at gusto kong sumaya sa dalawang buwan na iyon, before I leave." Napa 'oww' kaming dalawa ni Bella dahil sa narinig sa kanya. Kaya pala bigla na lang siyang naging friendly sa amin and to my other classmate.

I even heard them talking about Axel. How handsome and intelligent he is. Dapat daw ay kinaibigan nila ito noong una pa lang.

"'Yun lang naman pala. Okay friends na tayong tatlo, diba Aaliyah?" Baling sa akin ni Bella. Nakangiti naman akong tumango sa kanya.

"Dapat dati mo pa 'yan narealize. Let's go, one of these day I'll treat you!" biglang sambit ni Bella kaya napasigaw kami sa tuwa.

"I think we should hangout this Sunday. Celebration to our new-made friendship?" nakangiting nagkatinginan kami ni Bella.

"'Ge, let's do it! Axel it's you treat!" biro ko sa kanya na hindi ko akalaing seseryoshin niya.

"Okay, my treat. I'll message you two!"

Napahinto lang kami sa pag-uusap ng makitang nas gate na pala kami.

"You two were neighbors, right? Ihatid ko na lang kayo!" suhestiyon ni Axel. Mabilis kaming nagkatingin ni Bella. She knew I still have to go to Andrew's condo... and I can't say it to him because it's a secret.

"Ahm... ano kasi Axel—" I can't find a words to tell.

"Pupunta pa kami ng boutique! Oo! Tama! Bibili pa kami ng mga underwear e! You know, lingerie hehe," napaiwas ng tingin si Axel nang marinig ang sinabi ni Bella. Napasapo muli ako ng mukha.

"A-Ah, g-ganon ba? Then I'm going home f-first. Bye, i-ingat kayo?" mabilis na tumalikod sa amin si Axel saka umalis habang namumula ang dalawang tenga.

Kinurot ko agad sa tagiliran si Bella nang makitang malayo-layo na si Axel.

"Sa dami ng pwede mong idahilan bakit iyon pa, namula tuloy si Axel!" napaigik si Bella saka natatawang lumayo sa aking kaunti.

"Eh sa wala na akong maisip irarason eh. At least effective 'di ba? Saka nakita pa natin ang embarrased-face ni Axel! Ang cute lang!" natatawa niyang litanya. Napairap na lang ako sa hangin.

Bigla ko na namang naalala ang nakita ko kanina. Kasama ni Andrew 'yung ex-girlfriend niya na si Xylene. Siguro nagkabalikan na ang dalawa at tinatago lang sa lahat. Tumatawa pa nga silang dalawa. Hmp! Hindi ko dapat iniisip ang gano'n wala naman akong pake sa kanila kung magkatuluyan sila ulit. Ano naman sa'kin 'yon? Crush ko lang naman si Andrew.

"Mag-ingat ka, Aaliyah. Nandiyan na 'yung sundo ko." Tipid naman akong ngumiti sa kanya.

"Sure ka ba talaga na hindi ka sasabay sa'kin?" Pamimilit ni Bella.

"Oo nga hindi ako sasabay. Baka magalit si Master Andrew kung hindi ako pupunta ngayon sa condo niya," Ngumiti naman siya habang tumatango. Pumasok na si Bella sa back seat ng kotse nila. Kumaway kaway siya sa'kin bago pinaandar ng driver pauwi ang kotse nila.

Napabuntong hininga ako habang nakatanaw sa dinaanan ng sasakyan nila Bella. Bago pumara ng taxi para makapunta na sa condo ni Andrew.

Hindi ko alam kung bakit nilalamig ang kamay ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now