Chapter 12

704 15 0
                                    


Chapter 12


Ilang araw rin akong hindi nakapunta sa condo ni Andrew. Lagi kong dinadahilan na hindi ako pwedeng magabihan dahil nga magagalit ang kuya ko. Hindi pa naman umuuwi si Mommy at Daddy mula sa business trip nila.

Kahit hindi ako nakakapaglinis sa condo niya ay nauutusan naman niya ako sa skuwelahan ng palihim. Minsan inuutusan ako bumili ng lunch niya saka dinadala ko sa gym tuwing may practice sila ng basketball.

Nakakapansin na nga ang mga ka teammates niya tuwing palagi akong nag-aabot ng pagkain sa kanya tuwing lunch pero buti na lang hindi naman gaanong nakikiisyuso.

Natapos ang weekdays na ganoon lang ang ginagawa ko. Maaga akong nagising ngayon sa hindi maipaliwanag na dahilan. Alas syete pa lang kasi kagabi ay natulog na ako kaya ngayon ang aga kong nagising kahit sabado naman.

Nakatulala lang ako habang naka-upo sa kama ko. Kakagising ko pa lang at napaka-aga pa kaya pwede pa akong mag aksaya ng oras kakatulala, wala naman akong pasok ngayon tapos wala pa akong plano sa mga gagawin ko ngayon. Sa tingin ko, pupunta na lang ako sa bahay ni Bella at doon tatambay maghapon.

Nagulat ako ng bigla na lamang may kumatok sa pintuan.
"Come in." humihikab  pang sigaw ko para marinig sa labas. Dahan dahan namang gumalaw ang seradura ng pinto ko, tanda na may papasok.

"Liyah, you have a visitor now. Bilisan mo. 'Wag paghihintayin ang bisita." Sagot ni Kuya Kien. Hindi naman pumasok ng tuluyan sa kwarto ko si Kuya Kien. Ulo niya lang ang pinasok niya sa pintuan para silipin ako.

"Okay, kuya. Susunod ako," walang ganang sambit ko. Naka-pajama at over sized na shirt lang ang suot ko kapag natutulog.

Hindi ko na inabala pa ang sarili ko mag-ayos. Sigurado naman ako na si Bella ang bisita ko ngayon o ang kapitbahay naming 10 years old na gustong makipaglaro sa 'kin. Nasa dalawang iyon lang ang bisita ko ngayong araw.

Kinkusot ko pa ang mata ko habang bumababa ng hagdan. Baka mamaya y may muta pamg nakadikit sa gilid ng mata ko, e di tinawanan ako ni Bella. Bakit kasi ang aga ko nagising ngayon, e. Ang sarap pa naman sanang matulog ngayon sa malambot kong kama.

"Liyah, bakit ganiyan lang ang suot mo!" rinig kong sabi ni Kuya Kien. Lumaki ang mata ko nang makita ang nakaupo sa sofa namin.

Si Mommy at Daddy na siguradong kakauwi lang kaninang madaling araw, si Kuya Aijan at Kuya Kien na prenteng nakaupo sa sofa.

Nagawi ang tingin ko sa nakaupo sa pang-isahang sofa.

Nanlaki ang mata ko nang makitang si Andrew iyon. Wait, what? Andrew? Bakit nandito si Andrew?! Oh my gosh! Nandito si Andrew! Hindi man lang ako nakapag-ayos kahit wala naman talagang maaayos.

My goodness! Hindi pa ako nakapag tooth brush. Hindi ko rin alam kung may natuyo bang laway sa bibig ko or may muta pa ba ako dahil hindi ko man lang naisipang tumingin sa salamin! Goodness! What to do? What to do?

Narinig ko ang mahinanag pagtikhim ni Andrew. Nang magsalubong nag tingin namin ay una itong umiwas ng tingin. Naramdaman ko tuloy ang init na ng mukha ko.

"Argh! Bakit hindi niyo sinabi sa 'kin kung sino ang bisita! Kuya Kien! Arrggh!" Reklamo ko habang tumatakbo pabalik sa kwarto. Narinig ko pa ang tawanan nila sa ibaba na mas lalong nakapag painit sa mukha ko.

Napasandal ako sa pintuan habang nakapikit. Nakakahiya 'yon! Wala na! Na turn-off na siguro sa 'kin si Andrew kahit wala naman talaga siyang gusto sa 'kin. Pero wait! Bakit parang hindi galit ang pamilya ko nang makitang lalaki ang bisita ko?

Mabilis lang akong nag-ayos sa sarili ko. Hindi rin naman ako pala-ayos kaya konting suklay lang tapos na.

Nakasimangot ako habang pababa sa hagdan. Nakita ko silang nakatingin sa 'kin kaya mas lalo akong napasimangot.

"Sweetie, bakit ganyan ang suot mo? Aalis daw kayo nitong si Andrew." Puna ni Mom. Naka jeans lang at simpleng shirt lang kasi ang suot ko.

"Anong gusto mo, Mom? Mag dress ako? No way!" Reklamo ko. Napatingin naman ako kay Andrew na hanggang ngayon ay pinapalobo ang pisngi para pigilan ang tawa.

"Let's go! Sabi mo aalis tayo?" Aya ko kay Andrew na nakikipag kwentuhan kay Kuya Kien. Oh? Hindi ako na inform na friend na pala sila ngayon? Paano nangyari 'yon?

Tumingala naman siya sa 'kin. Since nakaupo siya sa couch habang ako nasa harap niya nakatayo.

"Bye. Ingat kayong dalawa." Paalam nila bago pinaandar ni Andrew ang sasakyan niya papunta sa hindi ko alam na lugar.

"Since when did you get along with my family?" Tanong ko rito. Para mawala ang awkward sa pagitan namin. Tahimik kasi.

"Kanina lang. They asked so many question about me and of course I answer them politely. They are friendly so we easily get along." Paliwanag nito. Hindi na ako sumagot pa kaya muling tumahimik na naman sa pagitan namin.

"I'm sorry. I shoudn't said it." Malambing ang kanyang tinig. Kahit wala siyang ibang sinabi alam ko na agad ang gusto niyang ipahiwatig.

Yumuko ako. Saka nilaro laro ang daliri. Nag sorry lang naman siya pero kung maka pintig naman ang puso ko parang lalabas na sa rib cage nito. Yung boses kasi niya, e. Para akong sinusuyo sa sobrang gaan.

"Are you not going to respond? I already said I'm sorry. Sorry for insulting you, okay? It's my fault." Mahina niyang sambit. Lumingon muna ako sa bintana saka tumikhim. Yung ngiti ko kasi ang lawak, e. Baka makita ni Andrew. Asarin pa ako

Putek! Nag-sorry lang yung tao, kinikilig naman mga internal organs ko nito. Pero kasi, naiimagine ko na mag boyfriend, girlfriend kami tapos sinusuyo niya ako. Kyaaah! Sarap sa feelings n'on, pero gaya nga ng sabi ko 'imagine' ko lang yun. >_<

Narinig ko naman ang pagtikhim ni Andrew kaya nabalik ako sa reyalid. Shocks! Kung ano ano kasing iniisip ko!

"Ahm, it's okay. I'm sorry din kung naging sensitive ako." Mahina kong tugon.

"Saan nga pala tayo pupunta?" Dugtong ko pa ng napansing nagbabyahe pa rin kami.

"You'll know later." Tugon ni Andrew saka sumulyap pa sa 'kin ka isa bago tumingin muli sa kalsada.

Laking pasasalamat ko na makarating agad kami sa mall... Mall? Bakit dito? Dito ba kami mag de-date? Wait nga lang wala naman siyang sinabi na mag de-date kami, a. Hayst. Dear self, 'wag ka ngang assuming.

Nakasunod lang ako sakanya habang papasok sa mall. Maraming nakatingin sa'min habang naglalakad lalo na ang mga babae. Sa'min nga ba nakatingin o kay Andrew lang?

Napatunayan kong kay Andrew nga dahil parang mga kinukuryente ang mga babaeng nalalagpasan namin dahil sa kilig.

I look at his reaction. He's face is so serious. Hindi siguro niya napapansin yung mga babaeng kinkilig sa kanya o baka hindi lang talaga niya pinapansin?

Napahinto rin ako sa paglalakad ng huminto kami sa isang botique. Puro pambabae ang nasa display sa loob kaya nagtataka akong napatingin sa kanya. Isang ideya ang pumasok sa isip ko kaya napatabon agad ako sa aking bibig.

OMG! Hindi ako na inform na miyembro pala ng LGBT ang isang 'to! Pero sayang! Ang gwapo niya kung magbi-binabae lang si Andrew. Gosh! gusto kong maiyak na matawa na ewan. Huhuhu ilang years na ako nag ka-crush sa kanya tapos ganoon lang pala siya? Pero diba may hinalikan na siya dati? May girlfriend nga siya, e. Kaya napaka-imposible na maging bakla si Andrew. Hindi maaari!

"Don't look at me like that, Slave. Tsk!" Naiinis na aniya. Hinawakan niya ang braso ko saka marahas na  hinila papasok. Pwede naman sigurong hinay hinay lang 'no?

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora