Chapter 14

740 17 0
                                    


Chapter 14


"You're so beautiful as ever, girl! Gosh. Just like what I thought. May igaganda ka pa talaga." Tili ni Kikay habang pinapasadahan ng tingin ang kabuoan ko.

"A-ako ba talaga 'to? Hindi ako makapaniwala na ako 'to! Nanaginip ba ako? Sampalin mo nga ako Kikay." naka-awang pa rin ang labi ko habang tinitignan ang mukha ko sa salamin. Napansin kong ganito ang itsura ni mommy noong kabataan pa lang niya. Tama pala 'yung sinasabi nilang kamukha ko si mommy, hindi pa ako naniniwala noon dahil hindi naman ako kagandahan, pero ngayon, siguradong matutuwa sila mommy nito.

Tinignan ko si Andrew na ngayon ay matamang nakatingin sa akin. Nakabuka ng kaunti ang bibig niya at seryosong nakaupo sa sofa.

Nagpasalamat ako kay Kikay sa ginawa niya bago ako lumapit sa kinaroroonan ni Andrew. Nahihiya pa ako habang papalapit sa kanya dahil parang matutunaw ako sa mga titig niya. 
"Ahm... Andrew, okay lang ba 'yung make up ko?" napapakamot pa ako sa batok. Walang sali-salitang tumayo si Andrew saka lumabas ng salon nang matapos siya sa pagbayad. Nakasimangot akong sumunod sa kanya palabas.

I looked at him while we're walking, seryoso lang itong naglalakad na para bang pagmamay-ari niya ang nilalakaran. Maraming napapatingin sa kanya pero parang hindi naman niya napapansin. Ako lang yata ang nakakapansin.

Hindi ko alam kung saan ang susunod naming pupuntahan. Sana naman ay maisipan niyang kumain na kami ng tanghalian kasi nagugutom na ako sa pinaggagawa namin.

Nilibot ko ang tingin, nagbabasakaling makakita ng restaurant na pwedeng kainan pero ang napansin ko ay ang mga tingin ng mga lalaking nakakasalubong ko. Bigla tuloy akong nailang.

Pumantay ako sa paglalakad kay Andrew. Nagkabanggaan pa kami ng siko kaya nagtatakang napatingin siya sa akin.

"Sorry... naiilang kasi ako sa mg tingin ng lalaking nakakasalubong natin." Nilibot ni Andrew ang tingin. May dalawa pang lalaki na tika magkaibigan na maglagkit na nakatingin sa nakalabas kong hita. Nalukot ang mukha ko sa nasaksihan.

Nawala rin agad ng maramdaman ko ang kamay ni Andrew na humawak sa braso ko at mas binilisan ni Andrew ang lakad papalabas ng mall.

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Mainit at malambot ang kamay niya sa balat ko. Parang ayaw ko na tuloy matanggal ang kamay niya sa braso ko. It felt so surreal.

Naging tahimik lang ang lakad namin papunta sa kotse niya at hanggang ngayon hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko. May napapatingin sa amin pero napapayuko rin agad ako dahil nahihiya ako sa itsura ko ngayon. Kasi, kahit anong pagpapaganda siguro ang gawin ko hinding hindi ko maaabot ang standards ni Andrew. Masyadong mataas, e.

Nanghinayang ako nang tuluyan nang bumitaw ang kamay ni Andrew sa pagkakahawak sa akin. Nasa harapan na pala kami ng kotse niya.

Ako na ang nagbukas sa pintuan ng front seat. Alam ko kasing hindi gagawin ni Andrew para sa'kin iyon.

Tahimik lang ako habang nakaupo sa tabi ni Andrew habang nagmamaneho ito. Sa labas lang ako nakatingin para abalahin ang sarili. Ano ka ngayon, Aaliyah? Bakit natameme ka diyan?

"Your quiet. Is there something wrong?" Basag sa katahimikan ni Andrew. Sumulyap lang ako isang beses sa kanya saka muling umiwas ng tingin. Hanggang ngayon ay parang nararamdaman ko pa rin ang kamay ni Andree sa braso ko. Mababaliw na yata ako.

May something wrong na rsiguro dito sa puso ko. Kahit na ang tahimik lang namin, kahit na magkatabi lang naman kami at may ilang dangkal na agwat. Hindi ko pa rin mapigilan tumibok ng mabilis ang puso ko.

"Nothing." Tipid kong tugon saka pinaglaruan ang daliri ko na nakapatong sa aking hita. Nanlalamig at kinakabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Bakit kaya? Hmm.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now