Chapter 8

736 18 0
                                    

Chapter 8

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa library ni Andrew nang nakatulala at gulat dahil sa narinig kong tawag nito sa aking babe.

Muntikan pa akong matisod sa nakakalat na lata ng beer na nasa sahig. Lumanghap muna ako ng hangin para pakalmahin ang sarili. Ilang segundo lang ay maayos na ang paghinga ko.

Inumpisahan kong linisin ang kwarto niya. Napalunok ako ng makita ang mga nakakalat na boxer short.

Tinanggal ko muna ang mga gamit na nakapatong sa ibabaw ng kama niya at nilagay ko iyon sa isang tabi. Tinanggal ko ang lahat ng bedsheet niya saka pinalitan ulit iyon ng bago.

Masyadong dark tignan kung itim na bedsheet ang ipapalit ko kaya kulay asul ang pinalit ko dito. Pinagpagan ko ang unan saka muling ibinalik sa dating ayos nito.

Kumuha ako ng basket saka roon inilagay lahat ng kalat. Meron pang mga tissue na ewan ko kung saan pinampunas.

Winalisan ko ang mga sulok sulok ng kwarto niya bago gumamit ng vacuum para makuha ang mga alikabok.

Sunod kong ginawa ay inayos sa pagkaka tiklop ang nga damit niya sa kanyang walk-in closet. Inayos ko rin ang pagkakahanger ng mga long sleeve polo niya. One of this day, I'll iron it so it won't look rumpled.

Maraming mga nakapatong na abubot sa side table niya kaya tinanggal ko lahat ng gamit na naroon. Pinunasan ko muna ng basahan ang lampshade niya, maliit na calendar at isang alam clock bago muling binalik sa side table.

Sinbukan ko ring walisin ang ilalim ng kama niya. Napangiwi ako ng makakita ng condom. Nandidiring hinawakan ko iyon, kinalibutan ako sa nakita kaya mabilis ko iyong initsa sa basket na puno ng basura.

Bakit may condom sa ilalim ng kama niya? Mukhang nabanat lang iyon pero hindi naman nagamit siguro.

Natapos rin agad ako sa kwarto niya. Kaya sa sala naman ang sunod kong inayos

Ang mga maruming damit na nakuha ko ay nilagay ko sa isang planggana dahil lalabhan ko 'to kapag tapos na ako sa ginagawa. May nakita pa akong medyas na hindi naman mabaho, marumi lang talaga mukhang sinadyang banlawan sa putik.

Ang mga sapatos na nakalat ay nilagay ko sa shoe tray. Malinis naman ang mga iyon at walang mga alikabok.

Habang patagl ng patagl ay nagdududa na talaga. Mukhang sinadyang guluhin ang condo na 'to. Pero bakit naman gagawin iyon ni Andrew?

Napatingin ako sa glass table at nakita ko ang nakatambak na kung ano-anong mga bagay doon. Isinilid ko agad sa basket ang mga kalat, inilagay sa lababo ang mga hugasin saka pinunasan iyon.

Halos lumiwanag na ang sala niya dahil kahit papaano ay malinis na. Napangiti ako ang galing ko talaga.

Kahit naman overprotective ang mga parents at kuya ko. Hindi nila ako hinahayaang hindi matuto ng gawaing bahay. Lalo na si mommy, sabi niya ay kakailanganin kong matuto para daw kung mag-aasawa na ako. Hindi kami gaanong aasa sa mga katulong.

Advance talaga mag-isip si mommy e, ang bata ko pa para isipin ang pag-aasawa. Ni wala ba nga akong boyfriend, e.

Nang mapatingin ako sa relo na nasa palupulsuhan ko ay nanlaki ang mata ko nang makitang halos tatlong oras na ang nakalipas, almost eleven na ng umaga.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now