Chapter 5

898 24 0
                                    

Chapter 5

KINABUKASAN ay maaga pa lang ay nakatanggap na ako ng mensahe galing kay Andrew.

From: Andrew
Meet me in the parking lot at five.

Dahil sa isang mensaheng iyon ay naging good mood tuloy ang umaga ko. Nakangiti ako habang nakatingin sa salamin na nasa harap ko at sinusuklay ang basa ko pang buhok.

Ang layo na talaga ng nararating ng relasyon namin ni Andrew. Akalain mo 'yon, dati hanggang tanaw lang ako sa kanya mula sa malayo pero ngayon may number na kami sa isa't isa.

Kahit noong una napaka-imposible na mapansin niya ako, basta talaga may tiwala ka sa sarili at may tiyaga. Walang imposible.

Nag-blower na rin akong buhok para matuyo agad. Naglipbalm rin ako para hindi ma dry ang lips ko.

Pakanta-kanta pa ako habang pababa. Nakita ko sa dining si Mommy, Daddy at Kuya Aijan na nagbe-breakfast kaya sumalo na rin ako. Masaya ko silang binati ng isang good morning saka hinalikan si Mom at Dad sa magkabilang pisngi.

"Hm? Mukhang masaya ka ngayon, ah," puna ni Kuya Aijan nang umupo ako sa gilid niya.

Nakatingin rin sa'kin si Mommy at Daddy na nagtataka. Pinapanood ang bawat galaw ko.

"Wala lang, maganda ang gising ko e," ngiti ko saka kumuha ng pagkain.

Natapos agad ako sa pagkain na hindi pa rin nawawala ang pagtataka sa mukha nila. Hinatid lang ako ng family driver namin papunta sa skwelahan.

Nagulat pa ang guard na nagbabantay sa gate ng batiin ko ito ng good morning na hindi ko naman ginagawa talaga. Sorry na, good mood ako ngayon e.

Nakasalubong ko pa si Syha na nakacrossed arm at balak yata akong gantihan sa ginawa ko sa kanya sa tawag. Pero nginitian ko lang ito saka nilagpasan.

Wala na yatang makakabago sa mood ko today! Narealize ko lang na ang swerte ko ngayon. Sana magpatuloy na!

Pati si Bella ay nagtataka sa'kin.
"'Yung totoo, Aaliyah. Naka drugs ka ba?" akusa nito sa'kin. Napatingin ako sa paligid bago ito hinampas sa braso. Buti na lang walang nakarinig o baka meron pero walang pake.

"Masaya lang, nagda-drugs na?" irap ko sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Kahit sinong nakakakita sa'yo aakalain nagda-drugs ka. Nakangiti ka mag-isa tapos biglang tatawa!" napahagikgik ako. Sorry na nasobrahan yata ang saya ko.

Natapos ang araw na iyon na walang pasikretong inutos si Andrew. Nakita ko siya kanina kasama ang mga kaibigan niya pero hindi niya ako napansin.

Alas kwatro na nang matapos ang klase ko. Nagpaalam ako kay Bella na maglilinis muna ako ng Cr sa gymansium. Gusto pa sana niyang sumama pero pinauwi ko na agad.

Pagdating ko sa gym ay katahimikan ang sumalubong sa'kin. Wala palang practice ng basketball ngayon, kaya pala hindi ako nautusan ni Andrew bumili ng tubig.

Mabilis lang akong natapos sa paglilinis ng dalawang Cr dahil wala namang gumamit nito ngayong araw.

Ang saya ko dahil ngayon ang rin matatapos ang ginagawa kong ito. Tapos na rin sa wakas.

Nagreport lang ako sa Detention Office bago akong tuluyang umalis.

Nagulat ako nang makitang malapit na magalas singko. Magkikita pa naman kami ngayon ni Andrew ko.

Half-running ang ginawa ko para lang maka punta agad sa parking lot. Ayoko siyang paghintayin doon ng mag-isa. Mainipin pa naman iyon.

Nang malapit na ako sa parking lot ay inayos ko ng kaunti ang uniform ko. Nakangiti ako habang patalon-talon na hinahanap ang sasakyan ni Andrew.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon