Chapter 27

705 20 0
                                    


Chapter 27

NAGING busy na kami nila Axel at Bella dahil sa nalalapit na final. Minsan na awkward na ako tuwing kasama si Axel dahil nga sa nalaman kong may feeling siya para sakin. I don't want to hurt him.

Pero minsan parang walang lang nangyari. Ganoon pa rin si Axel laging nang-aasar, laging dumadamay kapag may iniisip ako.

Hindi pa siguro malala yung pagkagusto niya sa akin kaya nakokontrol niya pa kahit papaano. Hindi katulad ko na hindi marunong ikontrol ang feelings para kay Andrew.

Speaking of Andrew. Mukhang wala na talaga akong pag-asa pa na sabihin man lang 'yung nararamdaman ko sa kanya.

Bantay sarado na siya palagi sa girlfriend niya na si Xylene. Lalapit pa lang ako sinasamaan na ako ng tingin ni Xylene. Ayoko sa gulo kaya lumalayo na lang ako. Everytime na magkakasalubong kami hindi man lang niya kayang tumingin sa akin. Parang back to zero muli katulad dati na parang hindi niya alam na may Aaliyah na nage-exist.

Ang kaibahan nga lang ngayon hindi na ako nag i-istalk sa kanya.

I always saw him with Xylene... and he's happy so I think it's about time na kalimutan na ang lahat. Move on, move on rin pag may time. As long as he is happy with her, magiging happy na rin ako.

That's a one thing that love taught me. Never hold on to the person that wasn't happy to be held. Your just making everything complicated.

Yes! Nanghihinayang ako sa time na magkasama kami ni Andrew that I wasn't able to confess to him. The truth is I'm afraid that he would reject me. I'm afraid of rejection.

I'm not pretty nor sexy. I'm not his ideal girl. Lahat ng naging ka fling ni Andrew may ibubuga sa kagandahan katulad ni Anika na cheerleader. Even his girlfriend, Xylene.

Sa una pa lang alam ko na na hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Hindi kailan man magkakatuluyan ang isang nerd na stalker sa gwapong basketball player. Ngayon ko lang na narealize na masyado pala akong naging assumera, masyadong tumaas ang confident ko na nasa puntong hindi na tama.

I have read an article and it says that the first thing you have to do in moving on is to accept things that aren't meant to be.

Here I am trying to accept the things between me and Andrew. Sino nga ba naman ako? Sa dinami-raming nagkakagusto kay Andrew imposible na magkagusto siya sakin. Yung dating pagseselos ni Andrew 'kuno' hindi naman talaga para sa akin iyon. Or nagkamali lang si Axel sa pag-interpret ng mga action ni Andrew.

Masaya naman ako nung hindi pa kami nagkakasama ni Andrew. Tanging si Bella lang ang kasama ko no'n naging masaya naman ako. Ngayon sisiguraduhin kong sasaya pa rin ako kahit wala na si Andrew sa buhay ko. Kakayanin ko kasi kailangan.

Ngayon pa ba ako hindi gagawa ng paraan para sumaya kung nadagdagan na ako ng isang kaibigan at si Axel iyon. They always make me happy.

"Lalim naman ng iniisip mo." Napakurap kurap ako ng pitikin ni Axel ang noo ko.

"Andius Xim Eleazer Lutchavez, nakarating na sa mars yung imagination ko, e. Panira ka." He frowned when I called him in his complete name. Natawa naman kami ni Bella dahil doon.

"Grabe. Hindi ba nawalan ng tinta ang ballpen na ginagamit mo palagi sa taas ng pangalan mo?" Pang-aasar ni Belle.

"Marami naman akong extra pen. So don't you worry." Kindat ni Axel. Napa roll eyes naman si Bella sa tinuran ni Axel.

"Edi ikaw na rich!" Tugon ko. Nagtawanan naman kami.

Nasa cafeteria kami ngayon para sa lunch time. Magre-review narin para sa papalapit na final. Hindi sinasadyang napatingin ako sa gilid namin. Isang table lang ang pagitan namin ni Andrew kasama si Xylene.

Nagulat ako ng makitang nakatitig sakin si Andrew. Seryoso ang kanyang mukha kaya hindi ko mabasa ang expression niya. Nakatingin si Xylene sa phone niya kaya malayang nakatingin sakin si Andrew. Ngumiti lang ako ng tipid sakanya saka iniwas ang tingin at hindi na muling tumingin pa.

Ramdam ko pa rin na parang nakatitig siya sakin pero hindi na ako muling lumingon sa pwesto nila.

Natapos ang lunch break ng puro tawanan. Muntik na nga kaming hindi nakapag review dahil puro kwento si Axel samin. Buti na lang ay pinahinto ko sa pagkukwento si Axel at sinabing mag review muna kami bago siya nagkwento dahil ang first subject namin sa hapon ay mag lo-long quiz.

***

"Bye. Aaliyah, Axel. Una na ako huh." Paalam sa amin ni Bella. Nakangiti naman akong tumango saka kumaway sa kanya. Ganon rin si Axel.

"Got a call from my Dad. We have a dinner today, you want to come?" Mabilis naman akong umiling.

"Hindi na, Axel. Uuwi na rin ako."

"Ihatid muna kita pauwi sa inyo." Umiling ulit ako. Saka marahang ngumiti.

"No need na, Axel. Salamat na lang. May dinner pa kayo ng family mo, maghanda ka na. Malapit lang naman yung bahay namin kaya ko na 'to." Ngiti ko sa.kanya para mapanatag ang loob niya. Ngumiti naman siya bilang tugon saka mabilis na idinampi niya ang kaniyang labi sa noo ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan. Umiling iling naman ako agad. Axel is a sweetman natural lang na gawin niya 'yon, Aaliyah.

Lumingon pa siya ng isang beses sa akin bago tuluyang umalis. Naisipan kong maglakad na lang pauwi sa amin. Exercise na rin. Matagal tagal ko na kasing hindi ito nagagawa.

Napadaan ako sa park kaya naisipan ko munang maglibot. Maaga pa naman.

Maraming nagtatawanan na mga bata at mukhang nagkakatuwaan na sa nilalaro nilang habulan. Nakangiti rin akong nanonood sa.kanila. Nakakamiss rin pala maging bata.

Napalanghap ako ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam na walang gumugulo sa isip ko ngayon. Nalibang ako sa panonood kaya hindi ko namalayang magtatakip silip na pala.
Kulay kahel na ang kalangitan nagpapahiwatig na malapit na ang dilim.

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan at naglakad na pauwi. Bago makarating sa amin ay kailangan ko pang dumaan sa may eskinita. Hindi naman gaanong madilim pero nakakatakot rin dahil walang kabahay bahay sa lugar na ito at wala ring ilaw. Kaya umaasa na lamang ako sa kaunting ilaw mula sa kalangitan. Buti na lamang at naisipan ko agad umuwi. Hindi ko na yata kaya pang tahakin ito kung gabi na at madilim na ang paligid.

Lumanghap muna ako ng hangin saka marahang binuga ito. Pinapakalma ang sarili. Buong tapang kong tinahak ang eskinita.

Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Dapat pala ay umuwi agad ako o di kaya'y sumakay na lamang ng pampasaherong sasakyan. Hindi sana manginginig ang tuhod ko sa takot.

Napahinto ako sa paglalakad ng maramdamang parang may sumusunod sakin o baka guni-guni ko lang 'yon? Muli akong humakbang at naramdaman kong muli na parang may taong nasa likod ko. Mabilis akong lumingon pero wala naman. Nagkibit balikat na lang ako. Mabilis akong humarap sa dinaraanan ko pero nagulat ako ng bigla na lang may tumakip sa bibig ko at hinila ako sa gilid ng sirang kotse.

Nagpumiglas ako sa pagkakahawak ng kung sino man pero masyadong malakas siya para magawa ko iyon. Tuloy tuloy na umagos ang luha ko sa takot. Nanginginig rin ang tuhod ko kaya muntik na akong mapaupo pero mas mabilis nahawakan ng lalaki ang beywang ko saka niyakap iyon.

Pamilyar ang amoy ng lalaki pero ayokong mag-assume. Imposible ring siya ito.

"Shh. I'm sorry." Ani niya. Mas lalo namang lumakas ang iyak ko ng makilala kung kaninong boses galing iyon.

"A-andrew."

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now