Chapter 3

1K 28 1
                                    

Chapter 3

Para akong zombie na naglalakad sa kahabaan ng hallway. Kakaunti pa lang naman ang estudyante dahil napaka aga pa. Sa katunayan wala pa sa limang oras ang naging tulog ko kaya naisipan ko na lang na mag prepare na sa school at dumiretso na rito.

Para pasan ko ang mundo dahil sa mukha ko ngayon. Para kasing sirang plaka 'yong mga sinabi sa'kin ni Drew kagabi na patuloy na nag rereplay sa utak ko.

Dinaig ko pa ang broken hearted nito kahit wala namang kami. I think he doesn't remember me. Hindi man lang niya kinilala ang mukhang 'to!

Hindi rin naman nagtagal at dumating si Bella na mukhang good mood ngayon dahil malaki ang ngiti niya pero biglang napasimangot ang mukha nito ng makita ang itsura ko. Hindi ko siya masisisi kong bigyan niya ako ng ganya'ng tingin. Hayst.

"What the—an'yare sa face mo? Para kang living zombie! Nagsuklay ka na ba? Bakit ganito yung buhok mo?" Puna nya ng makalapit siya sakin at talagang may pahawak hawak pa siya sa buhok ko na parang hinangin ng eroplano sa sobrang gulo.

"Hindi ka na nasanay! Ganito naman talaga ang buhok ko." Nakasimangot na sabi ko at nangalumbaba sa arm chair.

"Oh? Anong nangyari sa pag stalk mo sa lalaking 'yon kahapon?" Mas lalo akong napasimangot. Naalala ko na naman ang hindi maganda sa pandinig ko na sinabi nito sa'kin. Inayos ko muna ang glasses ko dahil malapit nang mahulog sa ilong ko.

Dahil maaga pa naman at wala pang masyadong tao kinuwento ko kay Bella ang nangyari mula sa simula hanggang dulo.

"What? Tinawag ka talaga niya ng Creepy Ugly Stalker? Ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'yon para sabihin niya sa'yo yun! Akala mo kung sinong gwapo! Ang sama naman ng ugali! Ang sarap ibabad sa harina at gawing bola bola! Dalhin mo ko sa kanya now na! Nang matikman nya ang bagsik ng kamao ko," dito talaga ako natatakot kay Bella. Sa ratatat ng ratatat na panenermon niya! Dinaig pa si Mommy but still Im so lucky have her in my life.

Endangered na kasi ang mga tunay na kaibigan. 'Yung sasabihin ka kung may dumi ba sa mukha mo with matching tawa, yung pagsasabihan ka kapag mali yung ginagawa mo, papayuhan ka sa problema at ang mahalaga yung hindi plastic. Nangaganib na ang bilang ng mga loyal at true friends kaya I'm so lucky na kasama ko ngayon ang isa sa mga endangered human friend, si Bella.

"Hayaan mo na lang Bella, ayoko ng atensyon at gulo. Promise, titigil na ako sa ginagawa ko," I gave her an assuring smile but she just rolled her eyes.

"Naku, Aaliyah. Kabisado ko na 'yang nga linyaha mo. Matagal mo nang sinabi sa'kin na titigil ka na, pero ginawa mo ba?" sermon ulit nito. Ngumiti ako ng mapait.

"Hindi madaling itigil ang dating nakagawian na, Bella. Pero promise talaga, ngayon hihinto na ako. Na realize ko kasi na masyado akong naging agresibo sa kanya. Dapat dalagang pilipina lang ang galawan ko saka kung kami talaga ang nakatadhana, kahit maraming dumating na pagsubok, babalik at babalik pa rin kami sa piling ng isa't isa," nanlalaki ang mata ni Bella habang mahinang pumapalakpak.

"Wow! Coming from you! Gosh, sinaniban ka ba ng kung anumang espiritu? Waaah ibalik niyo ang totoong Aaliyah—" napatigil ito sa sinasabi ng mahina ko itong binatukan sa ulo. Nakasimangot ito habang hinahaplos ang ulo niya.

"Ang sama na nga ng mukha mo, ang sama pa ng ugali mo," natawa ako sa sinabi nito.

"Anong sabi mo?!" kunyari ay nagagalit kong tanong. Tumakbo agad siya papalayo sa'kin na agad kong hinabol. Para kaming mga bata habang naghahabulan, natigil lang ng hingalin na kaming pareho.

"Maiba nga ako, ano itong buhok na 'to nagsuklay ka ba?" Magkasalubong ang kilay niya habang sinusuklay ng kamay nya ang buhok ko.

Tumango ako bilang sagot.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now