Chapter 32

764 16 0
                                    


Nakatulala lang ako habang nasa tambayan namin Bella at Axel dito sa garden. Wala pa sila kaya hinihintay ko sila rito. Napabuntong hininga ako.

"May problema ka?" napalingon ako kay Axel na bagong dating kasunod lang si Bella. Malungkot akong napangiti. Siguradong mami-miss ko ang mga 'to. Ngayon pa lang ay naluluha na ako sa isiping iiwan ko ang bestfriend ko na si Bella at ang new found bestfriend ko na si Axel.

"I'm sorry kung may nagawa akong mali sa inyo. At thank you dahil pinasaya niyo ako" sambit ko sakanila. Nagtataka naman ang dalawa na napatingin sakin.

"Nalaman ng parents ko na naging slave ako ni Andrew. Galit na galit sila kaya tuloy na tuloy na talaga ang pag-alis namin" tugon ko saka muling umiyak. Napatabon si Bella ng bibig at gulat sa sinabi ko, napayuko naman si Axel kaya hindi ko alam ang naging reaksyon niya.

"Huwag ka nga magbiro ng ganyan, Aaliyah. Baka nang jo-joke time ka na naman" nakangiting sabi ni Bella at tuloy tuloy na umagos ang luha niya. Nasabi lang 'yan ni Bella para pagaanin ang atmosphere ngayon pero alam namin na hindi na babawiin ni Daddy ang desisyon niya. Narinig ko namang suminghot si Axel. Tumingin ako sakanya at nakita ko ang namumula niyang mata.

Umiyak rin ba siya?

"Sorry. Napuling yata ako" ani niya. But I know he didn't.

Yumakap ako kay Axel at naramdaman ko ring yumakap samin si Bella.

"Kailan ang alis niyo?" pagiiba ng topic ni Axel. Bumitaw muna ako sa pagkakayakap sakanya.

"This weekend, I think. Three days from now" malungkot kong tugon habang nakayuko at nilalaro ang sariling daliri. Nagkaroon naman ng ilang segundong katahimikan sa pagitan namin.

"I'll gonna miss you two. I promise na babalik agad ako kapag pinayagan ako ni Dad. Malay mo 2 years lang ako do'n diba? Uso na naman ngayon ang video call kaya doon na lang tayo mag-usap" sabay naman napabuntong hininga ang dalawa.

"Hwag nga kayong ganyan. Dapat magsaya tayo ngayon. Happy lang dapat okay? How about gala tayo today?" suhestiyon ko. Hindi naman umimik ang dalawa.

"Sa mall tayo mamaya, how about that? Libre ko kayo!" nakangiti kong sambit. Napabuga naman ng hangin si Bella.

"Okay, I'm in" napangiti ako kay Bella. Ngayon naman ay napatingin kami kay Axel na tahimik pa rin.

"I'm always in" mas lalong lumawak ang ngiti ko. Yown, oh!

Masaya kaming pumunta sa mall nung araw na iyon. Nag window shopping, kumain at nag laro sa mga arcades. Sa mga oras na iyon nakalimutan namin pansamantala ang problema ko.

Parang ayos lang ang lahat. Parang hindi ako aalis, gano'n.

"Dapat kasi ginalingan mo, makukuha na sana natin yung teddy bear" reklamo ni Bella kay Alex. Palabas na kami ng arcade ngayon ay mukhang mag-aaway na naman ang dalawa.

"Kung ikaw kaya ang naglaro? Magaling ka diba?" may halong sarcastic na pagkakasabi ni Axel. Inirapan naman ni Bella si Axel bilang tugon.

"Bili tayo Ice cream, Aaliyah" paglalambing ni Bella sakin saka kumapit sa kaliwa kong braso. Natawa naman ako saka marahang tumango.

"Kakakain mo lang, Bella. Ice cream naman ngayon? Wala ka bang kabusugan?" pang-aasar ulit ni Axel.

"Duh. Syempre natunaw na 'yon sa tiyan ko. Halika na Aaliyah, hwag na natin pansinin ang isa diyan" irap ni Bella. Napabuga naman ako ng hangin. Anong meron sa dalawang to at palaging nagbabangayan?

"Hwag na nga kayo mag-away. Baka magkain-love-an kayo. Labas na ako niyan ah" pang-aasar ko saka nginisihan silang dalawa.

"No way!"
"No" sabay na sigaw nila kaya napailing na lang ako.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ