Chapter 33

815 15 1
                                    


Malungkot akong nakangiti habang naglalakad sa buong campus. Sinadya ko talagang dumating dito ng maaga para magawa ito.

Huling araw ko na lang ito dito. Aalis na kami bukas at wala na talagang makakapigil pa sa Daddy ko. Hindi na nga sana nila ako gusto papasukin dahil wala na namang gamit ang pagpasok ko ngayon pero hiniling ko kay Dad na kahit ngayong araw na lang hayaan niya ako.

Bawat sulok ng campus ay pinagmasdan ko ng maiigi. Naging parte rin ako ng skwelahang ito. Wala man ako gaanong kagandang memorya dito dahil isa akong nerd noon at kung itrato nila ako ay parang hindi ako nage-exist. Nagpapasalamat pa rin ako dahil dito ko na kilala si Axel. Isang tunay na kaibigan ko.

Sa bench kami dati magtambayan ni Bella noong wala pa si Axel. Pero ng dumating siya ay sa garden na ang naging tambayan namin. Sa bench na 'yon kami nagkukwentuhan tungkol sa lubos na paghanga ko kay Andrew. Kung paano ko siya sundan at kung paano ko siya hangaan.

Minsan nga sinasama ko pa sa kalokohan ko si Bella tuwing sinusundan ko si Andrew ng palihim. Sa bench na ito rin ako tumitili tuwing vini-visit ko ang profile ni Andrew sa facebook, twitter at instagram. Lalo na kung may bago siyang upload na photos hindi ako magkamayaw sa pagtili dahil sa sobrang kilig at sinasabayan lang ako ng tili ni Bella dahil para daw akong tanga kung ako lang mag-isa.

Natatawang napailing ako sa naalala. Pinalipas ko lang ang oras habang nakatingin sa mangilan-ngilan na mga estudyanteng dumadaan. Hanggang sa dumami na rin ang mga estudyante at umiingay na rin.

Napabuga ako ng hangin saka naisipan maglakad lakad muli. Naka civillan na lang puros ang suot ng mga nakakasalubong ko dahil wala narin namang maayos na klase.

Bumalik na ako sa garden para tignan kung naroon na ba si Bella at Axel. Napangiti ako ng nakitang seryoso silang nag-uusap. Himala at hindi nag-aaway ang dalawa.

Hindi ko sana sila lalapitan pero may sasabihin ako sakanila, e.

"Goodmorning." Bati ko saka marahang ngumiti sakanila. Napatingin silang sabay sakin. Umupo ako sa tabi ni Bella.

"May gusto akong sabihin sa inyo." Napasimangot naman si Bella.

"Is it a good news or bad new?" Sabat ni Axel.

"Both." Kahit nagtataka ang dalawa ay pinagpatuloy ko ang pagsasalita.

"The good news is I will be forever your bestfriend. I'll support you two what ever path you may take, you know thats how much you are important to me. I love you both... well, the bad news is..." Napalunok ako ng laway bago muling sabihin ang kadugtong.

"We're leaving tomorrow." Napatigil naman sa gulat ang dalawa at nanlaki ang mata na napatingin sakin. Saka malungkot na napailing-iling.

"Akala ko ba may ilang araw ka pa rito dahil inaayos pa ang mga papeles ng Daddy mo?" Tanong ni Axel.

"Napadali ang pag-aayos niya ng papeles, e. Kaya mapapadali rin ang magiging pag-alis namin." Tugon ko. Hinawakan naman ni Bella ang kamay ko saka marahang pinisil ito.

"Ang tagal na nating magkasama, Aaliyah. Hindi ko inaasahan na ngayon pa tayo magkakahiwalay." Sambit nito saka nanlalambing niyang ipinatong ang kanyang ulo sa balikat ko para humilig.

"Babalik rin naman ako agad. Hindi ako magtatagal do'n, promise."

"Wala na akong loka-lokang kaibigan nito." Naiiyak na sambit niya dahil pumiyok pa ang kanyang tinig. Napakagat labi ako para pigilin ang luha kong nagbabadya na sa pagbuhos.

"Bukas na nga tayo mag drama. Maiwan ko muna kayo, mukhang seryoso pinaguusapan niyo ni Axel, e." Hinawakan ako ni Bella sa braso ng makita niya akong tumayo habang napakamot naman sa batok si Axel.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now