Chapter 30

755 16 0
                                    


Chapter 30

Bigla kong naalala ang huling sinabi kagabi ni Andrew.

"Thank you, Aaliyah. Ya tebya liubliu always remember."

Ya tebya liubliu? Anong linggwahe iyon? At anong ibig sabihin niyon? Napahilot naman ako sa aking sentindo. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip sa nangyari kagabi.

Bakit niyakap ako ni Andrew? Pwede naman siyang magpasalamat sakin without hugging me. Pero bakit ginawa pa rin niya? Well, pabor naman sakin iyon dahil iyon ang first hug ko kay Andrew. But I'm still curious.

Siguro nilamig siya kagabi kaya yumakap sakin para sa body heat. Oo, tama. Yun nga.
Napailing ako sa naisip.

Papasok na ako sa skwelahan ng mapansing nakatingin sakin ang halos karamihan sa estudyante. Kaya nagtataka akong napatingin sa nasa gilid ko. May babae roon na nakatayo habang nakaismid na nakatingin sakin.

"Bakit sila nakatingin sakin?" Tanong ko rito pero mas lalo lang siya napaismid bago ako tinalikuran imbis na sagutin ang tanong ko. Napabuga ako ng hangin.

Ano ba kasing problema ng mga 'to?

"Para-paraan rin, e 'no?"

"Oo nga, desperada makasama lang ang crush niya. Ew."

"Kala siguro niya maagaw niya si Andrew. Oh! Girl gumanda lang ang mukha mo pero hindi parin sapat para maagaw si Andrew." 

Napakurap kurap ako ng mapansing saakin nakatingin ang narinig kong mga nagbubulongan. Bulungan ba talaga 'yon o sinadyang iparinig sakin?

Kahit na naguguluhan sa nangyayari ay dumiretso pa rin ako ng lakad papunta sa room namin pero bago pa man ako tuluyang makapasok narinig ko ang sigaw ni Bella.

"Aaliyah, oh my gosh! Dali may ipapakita ako sayo." natatarantang sambit ni Bella saka hinila ako sa gilid. Nagpatianod naman ako sakanya kahit na nagtataka sa reaksyon niya.

Inilahad niya sakin ang phone niya. Naka log in ito sa isang social media pero hindi roon ang nasa isip ko kundi ang post ng nag ngangalang Lene Fuerte.

Napakurap kurap ako habang binabasa ang kanyang post.

"Aaliyah Blaire Perez the desperate, assuming girl.

I'll tell you her secret. She's a certified stalker to his crush and his name is Andrew Stanler. She was desperate to be with Andrew kaya she's willing to be his slave. Desperate, bitch! Nagpaganda ka lang feeling mo maganda ka na talaga? Always remember that you're still the pathethic stalker of Andrew, the nerd in this campus so don't think highly of yourself." At sa ibaba niyon ay may iba't ibang photos kung saan kaming dalawa ni Andrew. Meron sa parking lot, sa labas condominium ni Andrew at marami pang iba.

Marami pang post ang Lene Fuerte na iyon pero hindi ko na binasa alam ko naman tungkol lahat ng iyon sakin. My fist form into a ball. Napatingala ako para pigilan ang luha na nasa mata ko.

Kaya pala nagtitinginan sakin ang mga estudyante kanina? Minamata na ako hindi ko pa rin alam. Bakit alam na alam ng Lene Fuerte na iyon ang tinatago ko? Napatingin ako kay Bella. Sila lang ni Axel ang nakakaalam sa sikreto kong iyon.

"Aaliyah. Promise, hindi ako gumawa ng bagay na iyan. Hindi ko rin kayang pagsalitaan ka ng gano'n. You're my bestfriend kaya tutulungan kitang alamin ang gumawa sayo nito, okay?" Napatango ako. Alam ko namang hindi ipapakalat ni Bella at Axel ang mga iyon, e. I trust them so much. Bigla pumasok sa isip ko si Andrew.

Andrew knew that I'm his stalker. Siya ba ang gumawa at nagpakalat nito?

Napailing ako saka hinila na si Bella sa room. Nakatingin naman sakin ang mga kaklase ko. Malamang alam na nila iyon. Sa social media ba naman ipost. It's too public.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now