Chapter 24

683 22 0
                                    


Chapter 24


I look at the mirror infront of me. I look like a shit with my black eyebags and puffy eyes. Isama mo pa ang magulong buhok.

Nakatulogan ko na ang pag-iiyak kagabi dahil sa nangyari samin ni Andrew. I should be happy at least that I had given a chance to be with him in one month. Hindi lahat ng mga nagkaka-crush nabibigyan ng pagkakataon na mabigyan ng atensyon ng crush nila. I should be proud that I'm one of those lucky admirers na nakasalamuha ng mga crush nila. Even though it's just one month but at least it's worth it.

Bago pa ako malate dahil sa pagmumuni ay nag-ayos na ako para sa araw na 'to. I put some powder in my face and lipgloss and I'm done.

Walang gana akong pumunta sa dining area. I saw Mom, Dad and Kuya Aijan eating their breakfast kaya sumabay na rin ako.

"Morning po." Bati ko sakanila saka tipid na ngumiti.

"Are you okay, Aaliyah? What's with your eyebag?" Napahawak naman ako sa ilalim ng aking mata. Naglagay na nga ako ng powder para hindi gaanong makita pero mukhang napansin pa rin.

"I'm good, Kuya Aijan." I smiled at him.

"Anyway, Aaliyah. Bakit hindi na pumupunta dito si Andrew?" Mapatigil naman ako sa pagsubo ng kutsara na may pagkain.

Andrew.

By just hearing his name my heart is aching.

"Don't know." Tipid kong sagot. Napansin siguro ni Kuya na wala ako sa mood para magkwento kaya iniba niya ang topic. Buong umagahan ay tipid na tango at iling lang ang tugon ko tuwing tinatanong ako ni Mommy't Daddy.

I know they know that I'm not okay but they still keep their mouth shut na ipinagpasalamat ko.

I bid my goodbye to them bago pumasok sa skwelahan. Nakayuko lang ako habang pumapasok sa mataas na gate ng paaralan. Maaga pa naman para sa first subject kaya kakaunti pa lang ang nga estudyante but still ayokong may makakitang ganito ako ngayon. I'm a mess.

Napahinto ako sa paglalakad ng mauntog ako sa matigas na bagay. Nakita ko ang isang pares ng sapatos sa harap ko. I know who it is kaya hindi parin ako tumingala.

Lumayo ako ng kaunti saka mahinang umusal ng sorry. Bago humakbang papalayo pero bago pa mangyari iyon ay nahawakan na niya ang braso ko saka hinila kung saan.

Napansin ko na sa football field niya ako dinala. Kami pa lang ang tao rito kaya walang makakakita samin.

"Aaliyah." Sambit niya. Hinawakan niya ang baba ko saka itinaas. Nagsalubong ang tingin naming dalawa.

"No one's here. Tayong dalawa lang. You can now cry." As if on cue naguunahan sa pagtulo ang luha ko. Napahagulgol ako sa pagiyak. Naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap ni Axel saka ang panaka naka niyang paghagos sa likod ko.

Buong minuto na pag-iyak ko ay tahimik lang si Axel na ipinagpasalamat ko. He comfort me with his 'it's okay' and 'papangit ka lalo niyan' imbis na naiiyak ako, napapatawa niya ako sa simpleng panunukso na 'yon.  I'm grateful to be his friend. Axel is one of a kind. Kung wala lang siguro akong crush kay Andrew baka dito ako kay Axel magkagusto. He's gentleman, thougthful, joker and kind. Siguradong napakaswerte ng magiging girlfriend niya.

"Sorry." Sambit ko ng makitang nabasa ang dibdib ng uniform niya dahil sa luha ko.

"for?" Tinuro ko ang dibdib niya. Napa 'ohh' naman siya ng makitang basa iyon.

"It's okay basta pure luha lang yan walang sagol na sipon." Mahina kaming natawa. Natahimik naman kami ng ilang segundo. We're just staring at each other before I smiled on him.

"Thank you so much, Axel. Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan."

"Just be happy, Aaliyah. That's more than enough for me. Hindi na ako manghihingi ng anumang kapalit. I just want to see your smile again. A genuine one." Hindi ko alam pero bigla na lamang ako naiyak dahil sa sinabi niya. Malas ako sa mga romantic relationship pero napakaswerte ko sa friendship lalo na kung si Axel at Bella ang mga iyon. Kanina umiyak ako dahil sa sakit ng dibdib ko ngayon uniiyak ako dahil sa napakasaya ko na nagkaroon ako ng kaibigan na katulad ni Axel at Bella.

"Why are you crying? May masakit ba sayo?" Natawa naman ako sa itsura ni Axel kahit na tumutulo parin ang  luha ko.

"Why are you laughing? Are you insane? My gosh! Aaliyah kahit baliw ka na hindi parin kita ipagpapalit kahit kanino. You're still my girl bestfriend. Mental hospital na ba tayo?" Nakahawak ako sa tiyan habang tumatawa. Pinunasan ko ang mata ko na may luha saka muling natawa.

"Ayan. Maganda ka na ulit dahil tumatawa ka. Kanina para kang bata tulo pa sipon." Nang aasar niya. Inakbayan ko siya saka inipit ang kanyang leeg sa braso ko.

"Ack. Aaliyah ang bad mo talaga sakin. Di na tayo bati!" Imbis na bitawan ay mas lalo ko pang hinigpitan ang kapit ko sa leeg niya saka natawa.

Nabitawan ko si Axel ng makarinig kami ng pagkahulog ng isang bagay. Nakatingin sa likod namin si Axel kaya sinundan ko rin ang tingin niya.

Napakurap ako ng makita si Andrew. Napakaseryoso ng mukha niya at mukhang asiwa ang mukha sa hindi ko alam na dahilan.
"Sorry kung naistorbo ko kayo." Labas sa ilong ng paghingi ng paumanhin ni Andrew. He's not serious when he say sorry.

"This is not a dating area. This is football field. Makakapigil pa naman siguro kayo 'no?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. We're not dating here for pete sake and what does he mean by 'makakapigil pa naman kayo'?

Napalunok ako ng pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa para akong na conscious bigla sa suot ko. Hindi naman nagtagal ang tingin niya sakin at umiwas rin siya agad.

"Just a simple reminder." Sambit nito saka mabilis kaming tinalikuran.

Nakangisi na naman si Axel ng tignan ko siya. He looked at me bago pinatong ang kanyang kamay sa ulo ko saka marahang ginulo ang buhok ko.

"He's jealous." Natatawang sambit niya saka nauna ng naglakad. Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. He's j-jealous?

"Let's go, Aaliyah. Kanina pa tayo late."
Mabilis akong napatingin sa relo ko.

"Oh, shit!"

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now