Chapter 22

707 16 0
                                    

Chapter 22

Buong araw ko inisip ang sinabi ni Axel sakin. Hindi ko mapagiling matawa ng sarkastiko tuwing ini-imagine ko si Andrew na nagseselos kay Axel. It's just impossible to believe.  

I know Andrew is still inlove with his ex-girlfriend, Xylen. Their relationship last long for 3 years that's why I know they love each other. They've been through a lot of challenges together.

I remembered when I first saw Andrew. That was when elementary days. Bagong transfered pa lang ako sa pinapasukan noon ni Andrew. Everyone is friendly and they also welcomed me except him. He was isolated, lonely and cold. Preventing me from moving closer to him. Naging crush ko siya simula ng aksidenteng magkatinginan kami. I was hyperventalating that time. Kung sa iba tinatawag iyon na puppy love but I know it wasn't.

Sa mga sumunod pa na taon naging schoolmates na lang kami ni Andrew. Once or twice in a week ko na lang siya makita sa skwelahan. Maliban sa malayo na ang room namin, magkaiba na rin kami ng schedule. But that doesn't mean stopping me from having an attraction towards him.

Mas lalong lumala pa nga yata yung nararamdaman ko sakanya dahil doon. Lagi ko na lang siya iniisip, lagi kong chine-check yung social media accounts niya. Lahat pina-follow ko. Araw-araw kong vini-visit ang profile niya mapa instagram o facebook. May facebook page pa nga akong ginawa para kay Andrew kung saan ako ang creator. Nandoon lahat ng gusto mong malaman tungkol sakanya.

Even my family knows that I have a crush but they didn't know who it is. I keep it as a secret. Only my bestfriend, Bella know that Andrew is my long-time crush.

Until one day. We're in First Junior High School that time when a news explode.

News scattered everywhere. Andrew's dating with the most popular, kind and beautiful student in JHS University. Xylene Del Mendes.

and at that time. I know I have to give way, I have to accept things aren't mean to be.

For 3 years that they are together. I endure it all. I surrendered. I changed.
I think he didn't even know my existence that time. And it sucks.

NABAlik ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang mahinang tapik sa balikat ko. Napatingala ako at nakita ko si Axel na nakangisi sakin.

"You're in deep thinking, huh? Can you tell me what's running in your mind right now?" mabilis na nakaupo si Andrew sa harap ko.

It's lunch time. Nauna lang ako umupo dito sa pwesto namin sa cafeteria dahil si Bella ngayon ang naka-assign para bumili ng pagkain. I didn't expect Axel would also be here.

"Hmm. Wala naman akong ibang iniis-- wait, why are you looking at me like that?" Usig ko. Habang matamang pinagmamasdan siya.

Mahina siyang tumawa saka ipinatong ang kamay sa ulo ko para guluhin ang nakaayos na buhok ko.

Sinamaan ko siya ng tingin pero mukhang nage-enjoy pa siya na asarin ako.

"Anong nakain mo ngayon at mapang-asar ka ngayon?" Usisa ko pa. Tumingin naman siya sa itaas na para bang nagiisip saka nakangising tumingin sakin.

"Sabihin na lang nating may isang agila na nakatingin ngayon habang galit ang mga matang nakatingin sa bitag nito." Makahulugan niyang sambit. Magtatanong pa sana ako kung anong ibig sabihin niya roon ay bigla na lamang sumulpot si Bella habang dala-dala ang pagkain namin.

"Anong pinag-uusapan niyo, huh? Share niyo naman." Tumabi ng upo sakin si Bella habang nasa harapan namin si Axel na prenteng nakaupo at nakangisi parin.

"Ewan ko kay, Axel. Hindi ko gets yung sinabi niya, e" Turo ko kay Axel. Napasimangot naman si Bella.

"Ano nga kasi 'yon, Axel!" Pamimilit pa ni Bella.

"Bella, pwede ba tayong magpalit ng upuan? Diyan ako, dito ka." Nagtaka naman ako sa inasta ni Axel. Ang layo ng sagot niya sa tanong ni Bella.

"Huh? O-okay." Maging si Bella ay nagtataka rin pero wala rin siyang nagawa. Tumayo si Bella saka nagpalit sila ng inuupuan ni Axel. Kaya ngayon ay nasa harap namin si Bella habang katabi ko si Axel na hindi mawala-wala ang ngisi sa labi kanina pa.

"Let's start the game." Mahinang bulong ni Axel. Pero hindi lumagpas sa pandinig ko.

What game?

Napailing ako kay Axel saka sinimangutan ito.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng bigla na lamang tumunog ang phone ni Bella. Rumehistro dito ang contact name ng Mommy niya.

"Excuse me. I'll just answer this." Paalam ni Bella saka nagpalayo layo sa amin.

"What's with that face, Axel?" Nakataas ang isang kilay na tanong sakanya. Ngumiti muna siya bago ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa.

"He's glaring at us right now." Pagkasabi pa lang ni Axel niyon ay tumingin ako sa gilid para sana tignan ang sinasabi niya pero bago ko pa magawa ay napigilan na ako ng kamay ni Axel na nasa pisngi ko.

"All we need to do is to make him jealous, are you in?" Excited na tanong ni Axel. Kahit na hindi pa ako gaanong naniniwala na nagseselos si Andrew ay sumangayon pa rin ako sa laro na sinasabi ni Axel. Wala namang mawawala kung susubukan ko.

I nodded my head that make his smile widen a bit.

Nagulat ako ng mapansing papalapit na ang mukha sa akin ni Axel. His right hand is in my cheek while the other one is on my wrist.

"Stay still." He whispered. Napansin niya sigurong hindi ako naging komportable sa posisyon namin. Samahan mo pa ng mga estudyante na nakatingin samin.

"W-what are y-you planning?" Hindi ko mapigilang mautal kung ilang na lang inches na lang ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Imbis na sagutin ay iba ang sinambit niya.
"5." Nagtatakang napatitig ako sa mata niya. Nagtatanong kung anong planong naisip niya.

"4."

"3."

"2." Pasimpleng tumingin si Axel sa gilid kaya napatingin rin ako roon gamit ang peripheral vision. Ang una kong nakita ay ang nakakuyom na kamao ni... A-andrew? Mabilis ang pagtaas baba ng kanyang dibdib tanda na galit ito. 

"1." Nakangising nilayo ni Axel ang mukha niya sakin. Nagtataka man ay nagkibit balikat na lang ako.

"Boom!" Mabilis ang mga kilos ni Axel na nilipit ang mukha sakin. Naramdaman ko na lang ang malambot na bagay na mabilis dumampi sa aking pisngi. Kasabay ng paglayo ng mukha ni Axel ay naagaw ang atensyon namin sa tunog na nabasag na bagay sa sahig. Basag na plato at baso ang nakakalat sa sahig.

Nanlaki ang mata ko ng nakitang masamang tingin ang pinupukol sa amin ni Andrew. Nakakuyom pa rin ang kanyang kamao at namumula ang dalawang tenga.

"I will pay it." Walang emosyong sabi niya na nakapagpatahimik sa kaninang maingay na cafeteria. Naglapag siya ng lilibuhin sa lamesa bago padabog na naglakad palayo.

Nang mawala si Andrew sa aming tingin ay mabilis na bumalik ang ingay sa cafeteria. Ang iba ay nagkukwentuhan tungkol sa naging asta ni Andrew kani-kanina lang.

"What happened?" Napunta ang atensyon namin kay Bella na mukhang kakatapos lang kausapin ang Mommy niya.

Nagkatinginan kami ni Axel. Malapad ang kanyang ngiti sabay sabing

"Mission Accomplished." Then he winked.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now