Chapter 18

664 15 0
                                    

Chapter 18

Nagtaka ako nang makitang nakabukas ang condo unit ni Andrew. Dahil sa pag-aalala na baka may masamang nangyayari sa loob ay patakbo akong lumapit doon.

May narinig akong nag-uusap sa loob kaya, napahinga ako ngmaluwag. Akala ko kung ano ng nangyari.

Walang ingay kong binuksan ng kaunti ang pinto. My eyes widen when I saw Andrew sitting comfortably on the couch and he's not alone. He's with... pinasadahan ko ng tingin ang suot ng babaeng katabi ni Andrew.

Mukhang nakulangan ang tabas ng tela ang suot nitong dress. Maganda naman ang babae pero nagmukha na itong clown sa kapal ng kolorete sa mukha. And she's fixing her hair na magulo at sa tantiya ko may kababalaghang nangyari sa dalawang 'to. My heart ache with that thought.

She kissed Andrew on the lips before bidding her goodbye to him. Naglakad ang babae sa pwesto ko kaya mukhang papalabas na ito. Magtatago na sana ako sa gilid pero huli na ang lahat. She already saw me.

Yumuko ako para umiwas sa kanya pero nakita ko kung paano tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi bago niya ako lagpasan.

I inhaled. Nakalimutan ko na yatang huminga kanina habang papalabas ang babae. I thought nagkabalikan na sila ni Xylene? Or it's just my thought?

I bit my lower lip. I waited minutes before knocking on the wall, just to get his attention. My breathe hitched when I saw him standing im front of me, half naked.

Half naked!

"Babe, I thought--" Nabitin sa ere ang salita ni Andrew ng makita niya ako.

"Ikaw pala 'yan. Get in." Sambit nito. Tahimik naman akong naglakad papasok sa condo niya. Napansin kong kaunti lamang ang kalat na pinagpasalamat ko. Hihimatayin siguro ako ng wala sa oras kung may makikita akong nakakalat na hindi kaaya-aya.

Kakarating ko pa lang ay parang gusto ko ng umuwi.

Naalala kong sinabi niya noon na ako pa lang ang babaeng nakapasok sa condo niya maliban sa Mommy niya. Sabi ko na nga ba at hindi totoo iyon. He's bringing his women here. Ano pa nga bang aasahan ko?

I started to clean his living room. I can feel that he's staring at me intently wondering why I'm acting this way.

"Stalker..."

I continued cleaning as if I didn't hear him called me.

"Stalker..."

I put his magazine below his coffee table bago ako tumayo since tapos na ako sa parteng iyon. Bintbit ko naman ang mga hugasin papunta sa lababo para mahugasan na.

Laking pasasalamat ko ng hindi na niya ako inistorbo pa. Matatapos ko ng mabilis ang trabaho ko dito, maaga rin akong makakauwi.

Pagkatapos kong maghugas ay pinunsan ko naman ang lamesa, hinugasan ang mga kaldero, kawali at in-arranged ang ilang abubot.

Para sa huli kong trabaho ay nagluto lang ako ng menudo at rice. Kumuha ako ng sticky note saka nagsulat doon

From your Lovely stalker:

        Kumain ka ng marami. Ubusin mo lahat ng niluto ko. :>

Idinikit ko iyon sa lamesa katabi ng niluto ko. Inayos ko rin muna ang mukha ko bago ko naisipang lumabas ng kusina.

Nakita ko si Andrew na tahimik na nakaupo sa couch habang nakasandal ang kanyang ulo sa sandalan. Mukhang siyang natutulog na pero hindi siya pwedeng matulog ng hindi kumakain pero ayoko rin naman siyang istorbohin.

"Uuwi na ako, Andrew." Paalam ko. Pinagmasdan ko lang siya ng ilang saglit bago tumalikod.

"Stalker..." Akala ko ay nag i-sleep talk si Andrew pero hindi pala dahil mataman itong nakatingin sa akin habang gano'n pa rin ang ayos niya katulad kanina.

"Alam kong may nakita ka kanina." Umpisa nito. Siguro ang tinutukoy niyang nakita ko ay ang babaeng nandito kanina sa condo niya. Tumingin lang ako sakanya ng walang reaksyon.

"I saw you with Xylene, and yes! I also saw a girl come out from here. Hindi ka parin ba nagbabago, Andrew? Xylene leave you because you're cheating on her. Hanggang ngayon ba na naman." I blurted.

I saw his hand form into a fist, his eyes is scorching from anger and his hot intensed gaze is now focused on me. Mukhang hindi lang siya ang nagulat sa sinabi ko maging ako rin ay nagulat sa lumabas sa bibig ko.

"You don't know anything, stalker. So shut your fvcking mouth before I kicked you out from this place. Let's just say that you're my slave but you don't have the right to talk to me like that. Being my stalker doesn't mean you already know about me. Psh
" Walang emosyon niyang tugon bago niya ako talikuran. He stormed out of the room. Kasabay niyon ay ang matinding kirot sa puso ko.

It's as if my feet glued in that floor. I can't even move my feet. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

Kahit sino naman iisipin rin ang iniisip ko ngayon tungkol kay Andrew but I feel guilty in what I say. Tama nga naman siya. I don't have the rights to say it because I'm just his slave slash stalker. Sino nga ba naman ako para pagsabihan siya ng gano'n? I'm just nothing for him. He's my boss and I'm his slave nothing more, nothing less. My heart ache.

Umuwi ako sa amin ng tulala at walang gana. Kahit na naroon sina Mommy, Daddy't Kuya sa sala at nagkakatuwaan ay parang wala ako sa mood para makipag bonding sakanila.

Natahimik rin sila ng makita nila akong pumasok. Nahalata siguro nila ang kakaibang aura na nakapalibot sakin ngayon kaya hindi nila naisipang magtanong. At dahil ayaw ko sila pagalalahin ay ako na ang nagkusa.

"Good evening po. Don't worry. I'm still fine. Napagod lang ako sa skwelahan. Busog pa po ako kaya baka hindi ako makasabay ng dinner sainyo." Ngumiti ako ng marahan bago tumalikod sakanila at nag lakad na papunta sa direksyon ng kwarto ko.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now