Chapter 19

685 12 0
                                    


Chapter 19


NAKATINGIN lang ako sa labas ng room namin. Maaga kasi akong nagising at nag handa agad para sa pagpasok kahit na hindi pa sumisikat ang araw.

I can't sleep. Thinking of what I said to Andrew. Kailangan ko sigurong mag sorry sakanya. Kahit na may sinabi rin siyang makakasakit sakin ay ayos lang dahil kasalanan ko naman ang lahat.

Nalipat ang tingin ko sa pintuan ng bigla na lang ito bumukas. Nakasimangot ang mukha niya pero ng makita ako ay ngumiti siya ng malapad.

Axel is really good looking. Para siyang anghel na nahulog dito sa lupa with those curly and long eyelashes na unang una mo talaga mapapansin when you look at his eyes. His thick eyebrow that can be easily read when he's angry or not. Pwede na siyang i-cover sa mga men magazine lalo na't he has a masculine body na babagay talaga.

Maaakit na sana ako kung si Andrew ang nasa harap ko pero hindi, e. I sighed. Dati kontento na ako tuwing nasisilayan ko si Andrew na dumadaan sa harap ko, kahit na minsan busy ako sa school works hindi ko pa rin nalilimutan na bigyan ko ang sarili ko ng pagkakataong pagmasdan siya. Ganoon talaga kataas ang paghanga ko sa kanya na umabot na sa puntong sinusundan ko na siya ng palihim pero syempre nililimitahan ko rin naman ang sarili ko. I know the word 'privacy' kaya minsan nililiban ko muna ang kakabuntot sakanya.

"Good morning, Aaliyah. Aga mo, a." Nakangiti niyang bati sa'kin. I smiled at him.

"Ikaw nga rin, e." Turo ko sakanya. Mahina naman siyang tumawa.

"Did you eat your breakfast?" Tanong niya na ikinabigla ko. Why is he asking, anyway?

"I mean, we're already friends and it's just natural for a friend to ask you that. Is it bad?" Depensa niya. Oo nga naman siya na nga yung may concern sa'kin ako pa 'tong pa choosy.

"It isn't. Sorry, Axel... ahm. I din't eat my breakfast." Tugon ko sa tanong niya kanina. He nodded before he smile at me.

"Let's go." But before I could react he's already dragging me out of our room.

***

"You should eat every breakfast, Aaliyah. Didn't you know that eating breakfast is a must? Tignan mo tuloy 'yang katawan mo. Konting ihip lang ng hangin liliparin ka na"sermon sa'kin ni Axel pagkaupo pa lang namin sa upuan ay nilipag ko agad ang buhat buhat kong mga pagkain sa table na nilibre ni Axel.

"Ang aga mo naman manermon, Axel. Parang tatay ko lang, e." Natatawa kong puna sakanya. Sumimangot naman siya pero ngumiti rin naman agad.

"Hindi kita kakausapin hanggang hindi mo nauubos yang pagkain mo, nagkakaintindihan ba tayo, Aaliyah?" Kunyaring seryoso niyang tanong na ikanatawa ko. Naninibago talaga ako kay Axel pero kailangan ko na yatang masanay sa ugali niya.

"Opo, Tatay." Natatawa kong tugon. Ngumiti ako sakanya ng malapad bago lumipat ang tingin ko sa seryosong mga mata na nakatingin sakin. Nasa likod siya ni Axel pero malayo naman ang distansya. Sapat na iyon para makita ko kung paano umigting ang kanyang panga at kumuyom ang kamao na ipinagtaka ko.

Napansin siguro ni Axel na napahinto ako habang nakatingin sa likod niya kaya tumalikod rin siya para tignan ang tinititigan ko. He smirked when he saw Andrew  with his clenched jaw.

Bago pa man ako makatayo para habulin si Andrew na tumalikod na ay nahawakan na ako ni Axel sa braso.

"You're not yet done with your food, Aaliyah." Napatingin ako ng ilang segundo sakanya bago bumaling ang atensyon ko sa direksyon kung saan naglakad paalis si Andrew.

Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa pagkakaupo.

**

"Saan kayo galing, ha?" Pambungad na tanong samin ni Bella habang nakapameywang pa sa harap namin.
Napansin ko rin ang ibang tinginan ng  classmates na halata ring naninibago kay Axel na dati ay nasa pinakalikod lang nakaupo at tahimik.

"Hi, bella. Galing kami cafeteria ni Aaliyah. Hindi pa kasi siya nag-aagahan kaya sinamahan ko" Ngumuso naman si Bella.

"Bakit hindi niyo ako sinama huh? Ang daya niyo naman" Kunyari ay nagtatampo niyang sabi. Ngumiti naman si Axel.

"Palagi kang late, Bella. Paano ka namin mahihintay? Himala nga at maaga ka ngayon. Sa sobrang bait mo mas nauuna pang dumating ang teacher natin kaysa sayo, e." Asar ni Axel.

"Wow. Thank you for you compliment, Axel. Galing mo gumamit ng sarcasm, e?" Bella rolled her eyes. Sabay naman kaming tumawa ni Axel bago nag-apir. Manenermon pa sana si Bella kung hindi lang dumating ang teacher namin. Nagsiayusan naman ang lahat.

--

KUMAWAY ako kay Bella na pasakay na sa kanilang kotse. Ganoon rin si Axel na nasa gilid ko ay kumaway rin kay Bella.

Maagang nagdismiss ang klase namin na ipinagpasalamat ko. Siguradong wala pa si Andrew sa condo niya kaya mas mabuti iyon para mapadali ang paglilinis ko.

"Hatid na kita?"

Napatingin ako kay Axel ng magsalita siya. "Hindi na, Axel. Susunduin ako ng kuya ko ngayon, e." Pagsisinungaling ko. Kailangan ko pa kasi talagang pumunta ngayon ka Andrew.

Bigla namang lumungkot ang mukha niya. "Gano'n ba? Sayang naman."

"Sa susunod na lang, Axel. Promise." Pampalubag loob ko sakanya. Nakakailang beses ko na rin siyang natanggihan kaya papayag na ako sa susunod kung tatapusin na ni Andrew ang kondisyon niya.

My heart clenched with the thought that his condition will be over. I'm not sure kung papansin pa ba niya ako pagkatapos ng lahat ng 'to. I'm still hoping na magtagal pa lahat ng 'to. I don't want Andrew to put an end.

"Make sure, okay? Goodbye and take care." Ngumiti naman ako saka tumango sakanya.

Hinatid ko muna siya ng tingin. Nang mapansin na wala sa si Axel ay saka ako pumara ng taxi. Nagpahatid ako sa condo ni Andrew.

Napasimangot ako ng makitang sarado ang pintuan niya. Siguradong wala pa siya ngayon dahil alas tres pa lang naman at usually umuuwi si Andrew ng alas singko. Depende kung may pupuntahan pa siya o diretso na ang uwi.

Lumapit ako sa pinto ng condo niya. Saka pinagmasdan ang mga numero doon na kailangang pindutin ang tamang password bago makapasok. Hmm. Ano kaya pwede niyang ipassword?

I press 03 15 00, It's his birthday. Pero nag kulay red lang screen with the words Your password is incorrect.

Ah-ha!

I press 15 19. Napangiti ako ng bigla itong tumunog tanda na sakto ang pinindot ko. It's his Date of birth and his age as of now.

I'm not a stalker for nothing. I smirked.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon