Chapter 31

724 15 2
                                    


Nakatingin ako sa malayo habang iniisip ang mga nangyari nitong nakaraang araw.
Natapos na ang examination namin kaya ngayon ay wala ng masyadong ginagawa. Hindi ko na nga naalala pa kung paano ko nalampasan ang mga araw na iyon ng hindi naririnig ang paririnig ni Xylene at mga kaibigan niya.

Nagtitimpi lang talaga ako tuwing nagpaparinig sila. I will not stooped to their level.

Hindi ko pa nakausap si Andrew ukol doon sa pagkakalat niya ng balita na naging slave niya ako–kung siya man ang gumawa niyon. Bantay sarado na naman ulit kasi siya kay Xylene.

"Three weeks na lang graduation na. Ma mimiss ko kayo" kunyari ay naiiyak na sambit ni Bella. Natawa naman kami ni Axel sa pagda-drama niya.

"Hindi nga sabi bagay sayo ang nakasimangot kaya hwag kang sumimangot diyan." pang-aasar ni Axel. Napapiksi ako ng paluin ni Bella si Axel sa braso.

"Aray ko. Sadista mo talaga, Bella." Reklamo ni Axel.

Nakangiti lang ako habang nanonood sakanila. Ewan, pero siguradong mami-miss ko ang dalawang 'to.

"Sayo lang po." Kindat ni Bella saka humalakhak. Natawa rin ako dahil napasimangot si Axel.

Nakatambay lang kami ngayon sa garden dahil wala namang ibang ginagawa. Busy ang mga teacher kaya nagtataka talaga ako kung bakit pinapapunta pa kami rito.

Maaga kaming pina-uwi ng araw na iyon kaya nagkayayahan pa kaming gumala.
"Anong gusto niyong snack?" Tanong ni Axel. Nakangiti kaming nagkatinginan ni Bella.

"Fishball!" Sabay na sigaw namin ni Bella. Sa kanang braso ni Axel nakahawak si Bella habang ako naman nakakapit sa kaliwang braso niya. Hinigit namin ni Bella si Axel. Natawa naman kami dahil sa naging reaksyon ni Axel.

"Libre mo kami, Axel. Sige na please." Sambit ni Bella saka nagpuppy eyes pa kay Axel. Natawa na naman ako ng makitang nabulunan si Axel dahil sa laway.

"Ano ba 'yan. Mas okay pa sigurong nakasimangot ka kaysa sa nagpa-puppy eyes ka sakin. Nakakapanindig balahibo." Napayakap pa talaga sa sariling katawan si Axel. Ang kaninang nakangiting labi ni Bella ay bigla na lamang sumimangot.

"Okay. Fine, sisimangot na lang ako palagi. Sabi mo, e. Basta libre mo kami ngayon." Ngumiti naman ng nakakaloko si Axel.

"Deal!" Sigaw nito saka siya na ang humila sa aming dalawa ni Bella patungo sa mga street foods na nakadisplay.

Tawa kami ng tawa habang kinakain ang binili namin na fishball. Maliit kasi na bagay ay ginagawang joke ni Axel kaya hindi namin mapigilang tumawa.

Napagdesisyonan lang namin umuwi ng mapansin malapit na dumilim ang kalangitan. Ihahatid kami ni Axel kaya naisipan naming maglalakad lang kami pauwi para mas humaba pa ang oras namin sa isa't isa.

"Axel, anong gusto mong trabaho paglaki mo?" Tanong ko out of nowhere.

"Siguro. Tutulungan ko sa pagmanage ng business namin ang Dad ko. Hindi rin kasi nila akong hahayaan nila Dad na iba ang kunin kong trabaho." Tugon nito.

Pinapagitnaan namin siya ni Bella. Napatango naman ako.

"Ikaw, Bella? Anong gusto mong trabaho?" Baling ko naman kay Bella.

"Magiging painter siguro at kung hindi papalarin. Magmamanage na lang rin ng business namin." Nakangiti nitong tugon. Bella has a really a talent for painting. Nailaban na siya sa iba't ibang lugar dahil sa galing niya doon.

"Anong hindi papalarin? Ang galing mo kaya mag paint. Siguradong makikilala sa buong mundo ang mga paintings mo." Pagpapalakas loob ko sakanya. Magaganda naman talaga ang obra ni Bella hindi lang niya gaanong ini-expose dahil pa humble pa ang peg niya ngayon.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now