Chapter 25

747 22 0
                                    

Chapter 25

NAKAsimangot si Bella habang nasa harapan namin ni Axel.

"Lagi na lang kayo ang magkasama. May namamagitan na ba sainyo?" Nakasimangot na tanong ni Bella.

"Simula ng maging kaibigan natin si Axel minsan ka na lang magkuwento sa akin, Aaliyah. Nakakatampo. Parang hindi na ako mahalaga sayo. Pinagpalit mo na ako kay Axel." Nagdadrama na sabi ni Bella saka nakasimangot na kinagat ang burger niya. Natawa naman kaming sabay ni Axel.

"Anong tinatawa tawa mo dyan, Axel? Kasalanan mo lahat 'to kung bakit nawawalan na ng oras sa akin si Aaliyah." Lumipat naman ng upuan si Axel. Kung kanina ay katabi ko ito ngayon ay tumabi ito ng upo kay Bella.

"H'wag ka nga sumimangot dyan. Pangit ka na nga mas lalo ka pang papangit kung sisimangot ka." Nanlaki naman ang mata ni Bella saka hindi makapaniwalang napaturo sa sarili niya.

"Ako? Pangit? May diperensya na ba yang mata mo, Axel? Hello? Sa ganda kong 'to sasabihan mo lang akong pangit? How dare you!" Reklamo ni Bella saka malakas na pinalo sa braso si Axel. Napaigik naman ako sa lakas ng pagkakahampas na 'yon. Saka marahang natawa.

Nang-aasar na nakatingin lang ako sa kanila. They look good together.

"O siya. Tama na 'yan baka magka inlove-an pa kayo niyan." Sabay na napahinto sila sa pagbabangayan saka nagkatinginan sila.

"Ew. Never!"

"Yak!" Kanya kanya pa silang reaksiyon na ikinatawa ko pa lalo. Hindi naman masama kung silang dalawa ang magkakatuluyan. They both single after all.

After namin kumain ay sabay sabay kaming naglakad pabalik sa room. Pero napahinto ako ng may maalala.

Nasa locker room ang libro namin sa chemistry kailangan kong kunin yon dahil nagchi-check every class ang teacher namin kung may dalang book. Kung wala ay papalabasin kami ng room as punishment.

Napansin siguro nila na napahinto ako sa paglalakad kaya sabay silang luumingon sakin.

"Mauna na kayo. Kailangan ko pang kunin ang libro ko sa locker room."

"Aaliyah--" Ngumiti lang ako ng tipid sakanila saka tumakbo pakaliwa since nandoon ang locker room.

Ako na lang ang mag-isa ng makarating ako sa locker room. Kanina pa tumunog ang bell kaya wala ng gaanong estudyante na makikita.

Mabilis kong nakuha ang libro na kailangan ko saka nilock ito. Lakad takbo na ang ginawa ko para mabilis na makarating sa room pero napatigil ako ng makarinig ng mga nag-uusap sa gilid. Hindi ako chismosa pero pamilyar ang boses na 'yon kaya napatigil ako.

Sumilip ako sa likod ng nadaanang room kung saan nanggagaling ang boses. Hindi na nagagamit ang room na iyon kaya ginawa na lamang na stock room.

Napahinto ako sa paghakbang ng makita kung sino ang naguusap na iyon.

Andrew and Xylene.

Nakasandig sa dingding si Xylene habang nasa harap niya naman si Andrew. Ilang inches lang ang distansya nila sa isa't isa.

Hindi ko napansin na nabitawan ko pala ang librong dala ko. Gumawa iyon ng malakas na kalabog na naging sanhi para mapatingin sila sa direksiyon ko. Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang luhang namumuo sa mata ko.

Mabilis kong pinulot ang libro saka marahang yumuko sa kanila.
"I'm s-sorry " Narinig ko pang tinawag ako ni Andrew pero hindi ko na pinansin pa. Mabilis akong tumakbo papalayo doon. Papalayo sa sanhi ng pagsakit ng puso ko.

HINILA ako ni Axel sa braso papunta sa hindi ko alam na lugar. Tahimik lang ako buong minutong paglalakad namin. Kakatapos lang ng klase pero wala yatang pumasok na kahit isang lesson sa utak ko. Kasama sana namin si Bella pero maaga siyang pinauwi ng Daddy niya kaya wala siyang magawa kundi sundin ang mga ito.

Kung hindi pa siguro tapos ang deal namin ni Andrew. Nandoon sana ako ngayong oras sa condo niya naglilinis habang nag-aasaran kami. Napabuntong hininga ako.

"Talk." Napansin ko na nasa park kami ngayon. Maraming mga bata na naghahabulan kaya tipid akong napangiti. Kung puwede lang bumalik sa pagkakabata. Noon kasi tuhod lang ang sumasakit at nagdudugo. Ngayon  pati puso ko.

Dahil gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko ay ikinuwento ko kay Axel lahat ng nangyari kahapon at kanina. Kung paano nagtapos ang
deal namin dahil sa kanya. I'm not blaming Axel for that.

"You win, Axel. About sa deal natin. Hindi natin napaselos si Andrew."

"Let me rephrase what you said. Napaselos natin si Andrew pero hindi sapat iyon para magtapat si Andrew ng nararamdaman niya."

"How did you know that Andrew is jealous?" Tanong ko rito. He held my hand saka marahang ngumiti sakin.

"I'm a man, Aaliyah. I know how man get jealous." Saad nito saka kumindat sa akin.

"Sabihin na nga nating nagseselos si Andrew pero bakit ayaw niyang sabihin sa akin?"

"I know he has a reason for not telling you his true feelings. Malay mo he's waiting for the right time so he can confess to you." Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na ba ako ngayong araw.

"What if nag aasume na naman ako, Axel? I saw them talking. Xylene and Andrew. Baka bukas sila na ulit."

"Why so negative, Aaliyah? You'll win this game, okay? Trust me and of course trust yourself." Napangiti ako sa sinabi niya. Wala sa sariling napayakap ako sakanya.

"You're so kind, Axel. Napakaswerte ng magiging girlfeiend mo. Napakaswerte namin sayo." Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik saka marahang hinaplos ang ulo ko.

"Everything's gonna be okay, Aaliyah." Tumango ako sa mahinang umusal ng thank you.

"Two months na lang ga-graduate na tayo, Aaliyah. Loosen a bit okay? Live your life to the fullest ika nga. Nandito lang kami ni Bella."

"I'm scared, Axel." Saad ko saka kumalas na sa pagkakayakap sa kanya. Nagtatanong naman siyang napatingin sa akin.

"Kapag nalaman ni Daddy ang naging relasyon namin ni Andrew before graduation. Kapag nalaman niyang naging slave ako. Hindi magdadalawang isip si Daddy na ipadala ako sa ibang bansa para doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Nandoon naman ang Kuya Kien kung sakali." Malungkot namang napabuntong hininga si Axel.

"I'll keep your secret, Aaliyah. Promise walang makakaalam kahit sino man,"
Tipid akong napangiti.

Sana nga...

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Where stories live. Discover now